"Hindi porke binigyan kita nang pirmisong tawagin ako sa aking pangalan ay may iba nang ibig sabihin, Ms. Cruz. You do remember our rule, right?"

Hayan! Napagsabihan ka na naman. Magpigil din kasi minsan.

Nag-peace sign siya rito at tabinging ngumiti. "Shoot. I'll keep that in mind." Umakto siyang ititikum ang bibig para makaiwas. Baka kung ano na naman ang kusang lumabas doon.

Pagkalipas ang ilang sandali ay bumukas na rin sa wakas ang elevator. Nauna na siyang lumabas dito dahil hindi na niya makayanan ang katahimikan sa loob. Idagdag pa ang nakaka-addict nitong presensiya.

Hindi niya maipaliwanag ang epektong iyon sa kanya. Na para bang unti-unti siya nitong hinihigop at nilulunod na gugustuhin na niyang huwag nang umahon.

Hay.. Ang nagagawa talaga ng mga guwapo.


SIYET. Ang sarap. Halos maglaway na siya sa mga pagkaing nakahain sa kanyang harapan. Katatapos lang nang meeting nila na sa Oreo's din ginanap. She could feel her mouth water as she continue to stare at the food.

"Bakit nakatingin ka lang, hindi mo pa kainin?"

Lumipad ang tingin niya kay Kent. "Puwede na ba?"

Binigyan siya nito nang kakaibang tingin. "Eat." Isa iyong utos.

Well, she would gladly obey that.

"My gas. This tastes good." Halos mapapikit siya ng matikman ang pagkain.

"Thanks. Sabi ko na nga ba at walang kasing-sarap ang mga pagkaing ini-aalay nang restaurant kong ito." Iginala ni Khyryu ang tingin sa loob ng restaurant. "Sige, kumain ka lang, Sassa. Nag-iisa lang ito sa mundo." Tinapik nito ang balikat ni Kent.

Pasulpot-sulpot din talaga ang isang ito.

"Lumayo ka Khyryu. Ayokong mabulunan."

"Bawal magsalita nang masama sa harapan ng pagkain, kaibigan. Baka maturn-off sa iyo si Sassa. Tatanda kang binata."

"Wala kang pakialam."

"May pakialam ako dahil kaibigan kita. Ayokong makita kang nag-iisa sa panahong pareho nang maputi ang mga buhok natin."

Pigil na pigil ni Sassa ang hindi matawa sa mga ito. "Bakit hindi nalang kayo?" biro niya.

Bingyan siya nang warning look ni Kent. "Just eat. 'Wag mong pansinin ang isang ito dahil nawawala talaga iyan sa katinuan kapag nakakarinig nang papuri sa mga pagkain dito."

"At dahil sa sinabi mong iyan, kaibigan, triple ang babayaran mo."

"Says who?"

Ngumisi si Khyryu. "Of course the owner."

Napapailing na lang siya habang pinapakinggan ang mga ito.

"Ah, there you are Zero-kun," tawag ni Khyryu sa bagong dating.

And here comes the other one.

"Look here. Kent brought his secretary to a lunch date."

"Ipagpatuloy mo 'yan Khyryu at hinding-hindi na kami muli pang aapak dito sa restaurant mo," banta ni Kent.

Khyryu only grinned and mouthed 'enjoy your meal' to her before heading to the kitchen.

Zero, on the other hand, went to his usual spot in the restaurant without being noticeable.

"Pasensiya na. Madaldal talaga ang singkit na iyon," saad ni Kent kapagkuwan.

Napatanga siya rito. "Humihingi ka nang pasensiya?"

Wow ha! Si Mr. Know It All, humihingi nang pasensiya? She must have done something good to deserve that.

"Bakit? Hindi ba ako puwedeng humingi no'n?" Nakakunot-noo nitong tanong.

"Ah, eh.. Hindi naman. Hindi lang ako sanay?"

Umiling-iling ito ngunit hindi na muling nagsalita pa at tahimik na ipinagpatuloy ang pagkain. Hindi niya tuloy mapigilan ang sariling pagmasdan ito. Okay naman pala ito sa labas ng opisina. Nakakausap naman nang normal.

Napakurap siya nang bigla itong mag-angat ng tingin. "What?"

Ay. Binabawi ko na lahat ng sinabi ko.

Sunod-sunod siyang umiling. "Wala. Masama ba ang tumingin?"

His already serious expression intensified. Gusto niyang mag-iwas ng tingin kaso parang may sariling isip ang kanyang mga mata at nanatiling nakatitig dito. Mayamaya ay tumayo ito at nagpunas ng bibig. "Tapusin mo 'yang pagkain mo at sumunod ka agad sa opisina." Pagkasabi no'n ay iniwan na siya.

Nang makarecover sa inasal nito ay naiiling na lang siya. Walk out king, aba! Natawa siya sa naisip. Makakain na nga lang.





😊 Stay out of the way, Walk Out King is on the way! *laughs*

Realice

Her Boss' Number One Rule (Completed)Where stories live. Discover now