"You're alone? Hindi mo yata kasama boyfriend mo?" Tanong nito sa kanya like everything was normal.

"Y-Yeah," She doesn't know what to respond. Kinakabahan pa rin siya.

"Bumili lang naman ako ng tubig," Max replied, "Why not join with us at our table? Tutal, mag-isa ka lang naman."

Kumunot naman ang noo ni Vanessa rito. Bumait yata ito? Napatingin naman siya sa table na sinasabi nito at nakita ring kasama nito si Jared Montessor doon. Magkasama pala ang dalawa doon sa cafeteria.

The guy just chuckled, "You know, we're not going to beat you again, Vanessa. Just come and eat with us. You'll see." He said as he gestured her to join them at the table.

Napilitan namang sumama si Vannie rito. These guys were acting strange.

Nang dumating na silang dalawa, kaagad naman nagsalita si Max, "Dude, Vanessa is eating with us." Anito at napatingin naman sa kanya si Jared na kanina pa na may parang tinetext.

Jared just grinned, "Oh, if it isn't Vanessa Velasco." Umupo na silang dalawa ni Max. She was just sitting beside Max while Jared was sitting opposite to her.

"Pare, paano ba kukuha ng slip para makakuha ako ng mga make-up classes? My mom has been bugging me, pero hindi ko naman alam kung paano." Max started the conversation. Natahimik naman si Vanessa sa sinabi nito.

She raised an eyebrow. Matino rin palang nag-uusap ang mga ito?

Napatingin naman kaagad ang dalawa sa kanya—like they were expecting an answer from her.

"Uhm," She hesitantly responded, "Pumunta ka sa Academic Coordinator's Office para humingi ng slip para sa make-up classes na gagawin mo. Magbibigay sila ng form sayo at yung form na yun, ipapapirma mo yun sa mga professors ng mga subjects na imemake-up classes mo."

Namamanghang tumango naman ang dalawa matapos ang sinabi niya.

"Ganun lang pala kadali? Akala ko maghihirap ka pa bago ka makakuha ng mga make-up classes mo," Max amusingly replied. "May plano pa naman akong i-seduce yung academic coordinator natin para hindi ako pahirapan."

Natatawang napailing na lang si Vannie sa sinabi nito. Naguguluhan talaga siya inaasal ng mga ito. They really were acting like normal students around her. Matitino rin pala ang mga kaibigan ni Sam.

Pero nahagip naman ang tingin niya nang may dalawang taong dumaan sa harap niya. She was merely boring her eyes to the couple who just passed by.

"And what the fuck is Zia doing here?" Narinig niyang sabi ni Jared sa kanila. Kilala rin pala ng mga ito si Zia?

"Walang sinabi sa 'tin si Samuel na dumating na pala siya. Akala ko magstestay na siya for good sa Australia." Max replied back. Silang tatlo na ang nakatingin tuloy ngayon kina Adrian at Zia.

"Vanessa, isn't that your boyfriend?" Biglang tanong naman sa kanya ni Max. Napatingin naman kaagad siya sa dalawa. The guys were looking at her confusingly.

Tumango naman si Vanessa sa sinabi nito, "C-Cool off muna kasi kami."

Itinaas naman ni Max ang kilay nito sa kanya, he was looking at her in amusement. "Cool off? Why not officially breaking it up with him? Geez, now I know, Samuel is really enduring a lot from you."

"Just look at that bitch." Napatigil naman silang dalawa ni Max nang magsalita si Jared. Matalim pa rin itong nakatingin sa direksyon nina Zia.

Natawa na lang si Max sa sinabi nito, "Ganyan yan, ex kasi niyan si Zia. Nagkahiwalay kasi Zia cheated.. kaya bitter ang gago."

The Bad Boy's Club (Finished)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora