"Wala naman, BFF. Hehe. Mukha ka lang namang kangaroo 'pag nakatalikod, kalabaw 'pag nakatagilid, at mukhang tigre pag nakaharap. In short, mukha kang hayop. Hihihi. Ayos ba?"

"ANO?!"

"Ay, baklang tikbalang!" Napakiskot ako sa upuan nang biglang tumaas ang kanyang boses. Tinangnan niya ako nang matalim. Patay...

Nakalimutan kong ayaw na ayaw niya palang nilalait ang kanyang mukha. Huhuhu.

"Ganyan na ba kapangit ang tingin mo sa 'kin?" nanggagalaiting tanong niya. Mukha siyang nakalunok ng limang kilong sili sa sobrang pula ng kanyang mukha.

"Ooops! Kalma lang, BFF. Wala naman akong sinabing pangit ka, ah. Ang sabi ko, mukha ka lang hayop. Magkaiba 'yon--!"

"Layas!"

Deym! I'm dead! Naabot ko na naman ang climax ni bakla. Ayan tuloy, umuusok ang ilong niyang sundalong nakadapa sa gitna ng putukan sa giyera.

"Oy, time freeze muna, BFF. Okay, shut up na ako." Itinaas ko kaliwa kong kamay at inayos ang pagkakaupo ko sa sofa. Sumandal ako at nag-crossed legs. Umirap na naman si bakla at muling itinuon sa mga tulips ang kanyang atensyon.

"Ang aga-aga mong nambubuwisit. Hindi ka nakakatuwa, ateng..." seryosong sabi niya. Ngumuso ako. 'Di ba dapat magpasalamat pa siya kasi dinalaw ko siya rito sa kanyang lungga na mukhang punirarya?

"You're welcome!" nakangiting tugon ko. Hindi naman siya sumagot. Hay. Wala naman yata akong mapapala sa nilalang na 'to.

"Bakit ba andito ka na naman? Hindi ba dapat nagbu-beauty rest ka na ngayon para sa date n'yo mamaya ni fafa Skeet?" anito. Napakunot ang aking noo.

Date? Kami ni Dee, may date? Ang alam ko maaga siyang pumasok ng opisina kanina, ah. Hindi na nga niya ako ginising bago siya umalis. Ang duga talaga ng isang 'yon.

"Saang newspaper mo naman nabalitaang may date kami ni Dee? Bakit, hawak mo ba ang schedule niya?" Hay, ang baklang 'to talaga. Bakla na nga, nagbibinakla pa. Ang hilig niya sa tsismis na 'di naman totoo.

Umiling-iling siya at pinandilatan ako. Siguro pag tumanda 'tong baklang 'to, magiging kamukha niya si Lady M.

"Seriously?! Wala ka talagang naaalala ngayon?" 'di-makapaniwalang saad niya. Ang weird talaga ng baklang 'to. Ang alam ko wala naman akong amnesia, ah.

"Bakit naman? Ano bang meron ngayon? Anniversary ba ng pagkaka-diverginize mo---aray!"

"Yang utak mo ha. Nagka-asawa ka lang at nagkaanak, nilulumot na..." saway niya. Huhuhu. Nakakadalawa na siya ha. Malapit na talaga niyang maabot ang quota niya sa pambabatok.

"Siyempre, bff! Araw-araw kaya akong binibinyagan ni Dee. Malamang lulumutin ako!"

"Kitams? Nilalamon na ng kabastusan 'yang utak mo," an'ya.

"Ano namang bastos sa sinabi ko? Wala naman, ah! At saka, ano ba talagang meron ngayon?"

"Valentine's day, ateng. Araw ng mga puso. Kahit kailan talaga napakamakakalimutin mo..." bored niyang sagot. Wala talagang kakuwenta-kuwentang kausap ang baklang 'to.

Pero, ano raw?

Valentine?

"Waah! Bakit hindi mo agad sinabing February 14 ngayon?"

"Bakit? Nagtanong ka ba ng petsa?" pabalang niyang sagot. Wala talaga siyang kuwentang kausap. Huhuhu. Kung alam ko lang, e di sana hindi na ako umalis ng bahay.

"Nakakainis ka talaga! Ano na ang gagawin ko ngayon?!" hysterical kong tanong at niyugyog siya sa kanyang balikat.

"E 'di umuwi ka na at maghanda ng surprise para sa kanya. Kawawa naman ng asawa mo, siya na lang palagi ang nag-e-effort na sorpresahin ka. Effort din minsan, ateng. Nang mapakinabangan ka naman ng gobyerno..." mahabang litanya ng bakla.

The Untouchable BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon