IV-Exploring the City

11.3K 273 31
                                    

Their escapade is about to end but Cindy has not seen Pinky's brother since that encounter. Ang dami na nilang napuntahan, ang dami na nilang nakain, ang dami na ring pictures ang na-upload sa Facebook, Instagram, at Twitter pero ang anino ni Julius di niya nakita.

Ang alam niya aalis ng maaga si Julius tapos uuwi lang kapag gabi na. There was no way out to ask for sorry. Kaya naisip niyang gumising ng mas maaga para maayos niya ang lahat bago pa matapos ang vacation nila. She wants to make friends with Julius. Mukha namang mabuting tao ang lalaki at maliit lang ang Pilipinas. Paano kapag magkasama sila sa Isang business project Di ba? Maganda ng andito pa lang sila sa Vegas eh maayos na ang lahat para smooth sailing pag- uwi Nila sa Bansa.

She headed to the kitchen to prepare for their breakfast. Naisip niyang gumawa ng sunny side up at friend rice with corn soup. Meron ding hotdogs at bacon. Hindi siya ganun kagaling sa kusina pero pipilitin niya. She'll give her best shot at magpapabibo siya sa kusina.

Napahinto siya sa paglalakad nang marinig niya ang mahinang pag-uusap ng magkapatid na Julius at Pinky. Mas maaga pa palang nagising ang magkapatid sa kanya, sira tuloy Ang plano niyang pagluluto. Mukhang seryoso ang usapan nila, paalis na siya nang parang hinila siya ng tenga niya kaya nagtago siya at pinilit mapakinggan ang pinag-uusapan nina Julius at Pinky.

"Kuya, Hindi ganoon kadali yun. Ang hirap kaya ng hinihingi mo, give me an hour. Kukuha lang ako ng lakas ng loob."

"You need to do this. Remember, her father is the reason why our father died of depression." Galit na galit na sabi ni Julius. Sinabunot pa nito ang kamay niya sa buhok niya.

"Hindi ko naman nakakalimutan yun kuya, masakit pa ring wala tayong nagawa nang mamatay si papa pero she is my bestfriend..."

"Kung ayaw mong sabihin kahit ako na lang."

Tumayo si Julius at nagulat pa nang lumabas sa pinagtataguan niya si Cindy.

"Ako ba at ang papa ko ang pinag-uusapan niyo?"

"Bestie..."

"Yes." Maawtoridad na sagot ni Julius samantalang ang bestfriend naman niya ay nakayuko lang. Pinilit magmukhang matapang ni Cindy kahit na bahagya siyang natakot sa mga nangyayari.

"What about me and papa?"

Julius handed Cindy a long brown envelope.

"You'd see inside how your father put my father's business down."

"Imposible. Mabait ang papa ko saka maganda ang business niya kaya I don't think he is the cause of your father's depression!"

"Read the documents first before you speak on behalf of your father." Galit na sabi ni Julius.

"Bestie, dating assistant ng papa ko ang papa mo. Tapos he found ways to get a good amount of money and... And.. Ran away.."

"Bumagsak unti-unti ang business ng pamilya namin habang ang papa mo nag patuloy na maging successful. Ang galing ng papa mo hindi ba?" Matalim ang pagtingin ni Julius kay Cindy. Mukhang nagsasabi ng totoo ang mga kausap niya but she could just not believe it.

"Why are you telling me all of these things? Gusto niyong kausapin ko ang papa ko at ibalik ang perang kinuha niya? Ganoon ba?"

"No. Ang dapat na mangyari ay malipat sa pangalan naming magkapatid ang business niyo or ako ang gawing CEO nito."

"Are you crazy? You both are out of your mind. At Ikaw bestie, I trusted you so much. Hindi ko alam na may plano ka palang masama sa pamilya ko!!!"

"I'm sorry bestie." Unti-unti ng pumatak ang luha ni Pinky.

"I don't think that's possible. Mahihirapan kayong magawa yan."

"You are wrong Cindy. All I have to do is marry you here in Las Vegas and soon we will have legal ways to take over your father's business." Nag smirk si Julius at ininom yung Brewed coffee.

"I won't marry you. I don't even know you. We're not even friends and I don't think I can even trust you!"

"Well it's either you marry me or you want your father to be in jail...

Tumayo si Julius at inayos ang kwelyo ng t-shirt niya.

...Pinky help Cindy fix herself. I don't want na pangit ang kasama ko sa wedding picture ko."

Iniwan sila ni Julius. Nakatingin lang si Cindy sa kaibigang si Pinky na nakayuko ulit. Walang mukhang maharap si pinky sa kaibigan. Mali ang gagawin nilang magkapatid pero wala siyang choice dahil takot siya sa kapatid niya.

"Bestie I'm sorry. I'm so sorry."

"Now I know why you chose Las Vegas. Ang sabi ko naman sa yo dati, gusto ko sana sa Japan kasi gusto kong makita ang mga mangga studios pero you insisted Las Vegas. Ito pala yun."

"Wag kang mag-alala. Tutulungan kitang mag-adjust kay kuya."

"Hindi ko na kailangan ang tulong mo. Kaya ko na ang sarili ko... At I'm sorry... I'm sorry din kasi mula ngayon,kakalimutan ko ng naging kaibigan kita!"

***

"You may now kiss the bride."

Dahan-dahang nilapit ni Julius ang mukha kay Cindy. Nalanghap ni Cindy ang manly scent ng lalaki at temporary niyang nakalimutang sapilitan lang pala ang kasal na ito. Ipinikit niya ang mga mata niya at bahagyang iniangat ang labi niya. Ito ang napapanood niya minsan sa mga romance movies.

5

4

3

2

1

Naramdaman niyang dumampi ang malambot na labi ni Julius sa kanyang noo. Nagulat pa si Cindy na sa forehead siya hinalikan ng lalaki at hindi sa lips niya. Napangiti siya sa isip niya. May paggalang din naman pala ang lalaking kaharap niya.

Nagpalakpakan ang mga nakuha nilang witnesses at tahimik silang lumabas ng venue.

"Where do you guys wanna eat?" Basag ni Julius sa katahimikan nila.

"Gusto ko sana ng pizza Kuya." Ang sagot ni Pinky. Naisip ni pinky na matutuwa si Cindy kapag sinuggest niya yun pero walang sagot si Cindy.

"Ikaw bestie."

" I'll just sleep. Tonight is our flight I just want to rest."

Naglakad ng mabilis si Cindy at sumakay ng taxi papunta sa lugar nila. Naiwan sina Pinky at Julius na nakatayo lang. Si Pinky, medyo naluluha na naman samantalang si Julius naman ay nakakunot ang noo.

'Matigas siya, tingnan natin kung kakayanin niyang di makipagtulungan sa akin.' Buko ng ni Julius sa sarili niya.

...Where stories live. Discover now