II: Long Flight

16.6K 337 94
                                    

Hindi maintindihan ni Cindy kung paanong nangyaring magkatabi sila sa eroplano ng kapatid ni pinky. Ayos lang naman sana kasi mukha namang anghel ang mukha ng katabi pero yung ugali naman nito ang sarap ibaon sa lupa.

Pilit siyang tumitingin sa kaibigan pero alam yata ni pinky na naiinis siya kaya inunahan na siya nito at naglagay  ng takip sa mata. Naiinis siya kasi mukhang sahalip na magigiging memorable yung vacation niya eh mukhang magiging epic fail. Excited pa naman siya sa mga i-po-post niyang pictures sa IG at Facebook account niya. These past years kasi di siya naging active sa social media dahil sa nahihiya siya to what happened to her. Most of her batchmates eh successful na, siya magsisimula pa lang. Oo nga at may business sila at maganda naman ang takbo nito pero ayaw naman niyang sabihan siyang COO siya or child of the owner kaya nakapasok sa company. She wanted to create a name of her own.

"First time mo?"

Biglang nagsalita si Julius na ikinagulat niya. Mas masarap palang pakinggan ang boses ng lalaki sa malapitan, medyo husky na parang galing ng concert. Masaya siguro kung makakaduet niya ang lalaki sa videoke tapos kakanta sila ng sabay sa mga kanta ng Michael Learns to Rock, isa sa mga favorite old school band niya. Hindi niya mapigilang mapangiti ng bahagya.

Pinagalitan ni Cindy ang sarili niya sa kung anu-anong naiisip niya. Tumingin siya sa kabilang upuan para icheck kung may ibang kausap si Julius pero mukhang siya ang kausap ng antapatikong kuya ni pinky. Parang naexcite siya na kausapin ang kuya ni pinky kahit obnoxious ang ugali nito pero di niya maintindihan ang tanong ng lalaki.

"Are you talking to me?"

Patay malisya niyang tanong.

"Who else?" Lumingon lingon ang lalaki na para bang nagsasabing 'bulag ka ba? Ikaw lang katabi ko.'

"What do you mean?"

"What?"

"I mean what do you mean with you asking me kung first time ko?"

Naramdaman niyang umikot ang mata niya. Ganoon kasi talaga si Cindy kapag di maintindihan ang mga bagay bagay.

The guy chuckled and she saw him gaped. 'Lakas pala ng Topak ng Kuya ni pinky.' Nabulong niya sa sarili.

"Hey, is it really your first time?"

"First time what? Alam mo KUYA JULIUS, hindi ko maintindihan ang tanong mo. Kung gusto mo bibigyan kita ng piso, bumili ka ng kausap mo!!!"

She gave emphasis to Kuya. Para malaman ng lalaking ito na dapat umayos siya dahil mas matanda ito sa kanya.

"You're not only clumsy and stupid, but slow too. I can't believe your friends with Pinky."

Napasinghap siya sa sinabi ni Julius. Sasagot pa sana si Cindy nang lapitan sila ng flight attendant para kausapin sila. Bahagya siyang nainis kasi parang Julius is flirting with the FA and vice versa.

'Who cares?' Ang naisip niya. Pinikit na lang niya ang mata niya para matulog pero di siya makatulog. Feeling niya pinagmamasdan siya ni Julius. Malaki pa naman ang eyebags niya kasi napuyat siya kagabi kaka search ulit ng pwedeng gawin sa Las Vegas. Malay niya ba na kasama nila ang kuya ni Pinky di ba?

"Are you really 23? You don't act one."

Sarkastikong tanong ulit ni Julius sa kanya. Hindi siya kumibo. Baka mag-init pa siya at makuhanan siya ng video at iupload yun sa YouTube. Gusto nga niyang sumikat pero hindi through negative publicity.

Ilang sandali pa naramdaman niyang sumandal si Julius sa upuan na parang matutulog na. Naghintay pa si Cindy ng ilang minuto bago niya minulat ang mga mata niya at gaya ng hinala niya, nakapikit na nga ang mga mata ni Julius. Hindi niya alam pero parang nakita niya ang ultimate actor na crush niya na si Benjamin Alves at napalunok siya kasi kahit ang Adam's apple nito eh halos pareho sila.

She brushed off the idea. Hindi siya pwedeng magkacrush sa gwapong lalaking may pangit na ugali. Never. She got a small Bible from her bag and started reading. Ngayon ay nasa book na siya ni Mark, pangalawang book sa New Testament. Kahit na hindi niya maintindihan yung binabasa niya, binabasa pa rin niya kasi parang na hook din siya sa mga kwento about Kay Jesus. Naalala niya rin kasi ang mama niya na talagang hanggang sa huling sandali ng buhay niya eh kumapit kay Lord, Pero siguro hanggang dun na nga lang.

She was about to read when she felt Julius tapped her shoulder.

"You're reading that?"

"Isn't it obvious?"

"Yeah it's not. The way you act, it doesn't show that you are reading the Bible."

"Alam mo grabe ka rin ano? Kung makapagsalita ka, kala mo Ikaw maganda ugali mo."

"Well at least, I'm not reading the bible."

"Just so you know, I got this Bible from some guys who went to our school a month ago before our graduation and gave this to us for free. Pinky was given a copy too. Free to kaya sayang naman kung itatapon ko lang at di ko babasahin." Mahabang explanation ni Cindy.

"Well, if I'd give you men's  magazine  for free, would you read them?"

Nakangising tanong sa kanya ni Julius. Nagulat si Cindy na may pagka malikot pala utak ng kapatid ni pinky. Honestly, Di  pa siya nakakabasa nun kasi pangaral sa kanila ni mama niya noong buhay pa siya, na hindi maganda mga laman nun. Makakasira raw ng pag-aaral. Pero ngayong tapos na siya sa pag-aaral, Pwede na nga Kaya?

"What, you want a copy?"

"No thank you. Never mind." Nag side view siya ng upo para di na siya kausapin ng lalaki.

"Well, in my personal belief it's a form of art."

"An art should be something that encourages creativity and not promiscuity." Nagulat din si Cindy sa sinabi niya. Di niya alam kung siya ba talaga nagsalita.

"It's how you see things that make you do crazy stuff. But honestly for me, there's nothing wrong. It's art. Period."

"You know what, I don't care of your thoughts okay. Kung marunong kang umintindi, sana kanina mo pa napansin na ayaw kitang kausap. Oh slow ka lang kaya di mo ko gets?"

"And that's coming from a woman who reads the Bible. Bravo clap for you."

Huminga si Cindy ng malalim at naisip na kainin na lang ang pride niya. May point naman ang lalaki. Kung sa bagay, kahit nga ang kapatid niya inaasar siya na masungit siya.

"Kuya Julius, look I'm sorry. Maybe I just woke up at the wrong side of the bed. Sorry."

She saw Julius smiled and pinched both of her cheeks.

"Cute."

Nabigla siya sa ginawa ng lalaki pero dinedma niya na lang.

"But Kuya Julius, I really don't think it's completely a form of art. In a way, women are violated too at gustuhin man natin or hindi, in a way tool din yan for criminality to prosper."

"Good thoughts."

"Huh?"

"I said you have a point. Matulog ka na, mahaba pa biyahe."

Muli siyang nginitian ng lalaki at di niya na lang pinansin ito. Matutulog na lang siya. Nakapikit na siya nang nagsalita ulit si Julius.

"I'm sorry too. I hope we will work things out. Matagal tayong magkakasama."

Di na lang niya pinansin ang sinabi ng lalaki. Kung sa bagay, one week is long enough, naisip niya.

...Where stories live. Discover now