I: Hello there Stranger

26.3K 422 142
                                    

Nanginginig ang mga tuhod ni Cindy sa pag-akyat niya sa stage. She could not believe that she is finally graduating. Muntik na kasi siyang magkaroon ng Master's Degree sa tagal niyang grumaduate. Seven years niyang binuo ang college. Kaloka di ba?

She took up Business Administration major in Marketing Management and Entrepreneurship to help her family run the business. Akala niya madali lang ang lahat pero marami rin palang Math sa course niya. Minsan naiisip niya sana Communication Arts na lang ang kinuha niya, kasi konti lang ang Math, ang problema lang masyado siyang mahiyain.

Kaya at 23, ngayon palang siya gagraduate. At least naman hindi siya sumuko. At least naman, she persevered.

"We are so proud of you Cindy." Sabi ng kanyang papa, sabay abot ng isang bouquet ng roses.

"Oo nga ate. Finally!" Pang-aalaska ng bunsong kapatid na si Anton who is currently a grade 10 student.

"Sira ka talaga. Batukan kita diyan eh." Irap niya kay Anton.

Bigla silang natahimik na tatlo na parang may anghel na dumaan. Perhaps they remembered Dolor, mama nina Cindy at Anton, asawa ng kanilang papa na namatay dahil sa heart attack.

Naramdaman ni Cindy ang pagkalungkot ng paligid kaya siya na ang bumasag ng awkwardness.

"Wherever mom is, I know she's smiling."

Ginulo ni Anton ang buhok niya at nangulit na naman.

"Tama ka ate. Tara, kain na tayo at mag celebrate. Bukas aalis ka pa papuntang Vegas. Daya nga eh."

Graduation gift ng papa ni Cindy ang trip sa Vegas. Makakasama niya si Pinky, grumaduate ding katulad niya pero mas matanda siya dito ng tatlong taon. Pinky is her bestfriend, her most trusted friend among all.

"Ate, ilakad mo ko kay Ate Pinky ha? Age doesn't matter naman eh."

"What? Maraming manliligaw yun, Di ka nun mahihintay."

"Ganoon ate? Eh Ikaw ba may manliligaw?"

Tumakbo si Anton na siya namang hinabol niya! Paano nang-aasar na naman na single siya!

Walang nagawa ang papa nila kung di pagmasdan na lang ang dalawang anak na naghahabulan. Si Cindy habang nakatoga at si Anton habang suot ang formal attire.

***

May isang oras ng nalate si Cindy. She was supposed to go to the airport at six am kahit ang trip nila eh 10 pa naman. Hindi niya alam kay Pinky kung bakit dapat maaga sila pero ganun na talaga ah.

Pawisan siyang tumakbo sa kaibigan at sa di inaasahang pagkakataon eh natilapid siya at pumalakda sa semento. Patay na magkakaroon na ng peklat ang pinakaiingatan niyang legs. Kitang kita ang kakinisan nito sa navy blue shorts na suot niya. Kung nakinig lang sana siya sa konsensya niya kanina na wag ng mag shorts di sana, okay pa legs niya. Sana nag jeggings na lang siya.

"Clumsy."

Nagulat siya sa lalaking nag-abot ng kamay niya para tulungan siyang makatayo.

Napatingin siya at bahagyang kinilig sa lalaking kaharap. Medyo makapal ang kilay nito pero bumagay naman sa mapungay na pilikmata at kulay chocolate na mata nito. Naamoy din niya ang Axe deodorant ng lalaki at may kung ano siyang naramdaman, but she set aside those thoughts when she realized that the guy just called her clumsy. Natilapid lang clumsy na agad. Di ba pwedeng di lang nakita na may BATO? Tanong niya sa sarili niya.

Di niya pinansin ang kamay ng lalaki at sa halip ay tumayo siyang mag-isa, umupo para ayusin yung shoelaces niya at tumayo ng walang nangyari.

Lumapit siya kay Pinky sabay umaktong nagmamakaawa.

"Sorry bestie. I woke up late."

"What's new bestie."

They  hugged each other and laughed. Kumuha si Pinky ng first aid kit sa bag niya.

"Gamutin natin yung gasgas mo baka magpeklat."

"Sige. Sige!"

"Let me do it."

Biglang umeksena ulit yung lalaki kanina at naramdaman niyang kinilig siya sa idea na ang lalaki ang maglilinis ng sugat niya.

"I can do this Kuya."

"No give it to me."

"Wait, wait, teka lang, bago kayo mag-away kung sino gagamot sa sugat ko, Pwede kong malaman kung bakit kayo magkakilala?"

"Stupid."

Nainis si Cindy sa sinabi ng lalaki. Nakakabingo na to sa kanya.

"Eh sira ulo ka pala eh. You've been calling me names. Just to tell you, my name is Cindy. Not clumsy, not stupid!!!"

Pinagtinginan sila ng ilang mga tao dahil sa lakas ng boses ni Cindy.

"Okay Cindy. I'm Julius, Pinky's brother."

"Bestie, I'm sorry. I didn't tell you, Kuya is joining us."

Yumuko si pinky na parang isang Japanese.

"What?!"

Wala ng iba pang nasabi si Cindy. Ayaw niyang I-I-stress ang sarili niya. She'll celebrate her graduation by hook or by crook. No one can stop her not even Pinky's gorgeous brother.

...Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ