Entry #44: I Choose Him

117 9 14
                                    

Allie's P O V

"Hayup 'to" Binatukan ako ng malakas ni Rhea. Mukha siyang timang dahil sa laki ng bibig niya. Nanlalaki rin ang mga mata. Pero nevermind the face. It's her gown and hairstyle that makes her stunning. Babaeng babae ang lola niyo.

"Aray ah! Sige! Maglikot pa, 'di magpapantay make up mo!"
Napangiti ko ang make up artist niya. Ang likot naman kasi talaga.

"Leche ka Allie! Mygod! Gusto kong magtatatalon dito! Wooh!" sabay taas ng dalawang kamay ni Rhea. 'Di yata siya ganito kasaya kanina nang katukin namin ni Issa ang kwarto niya.

"Congrats Allie... May boyfriend ka na." genuine smile was flashed in Issa's face. Sabay yakap sa akin. Nahampas ko siya sa braso dahil sa sobrang seryoso niya.

"Gaga nito! Hindi pa ako mag aasawa!" I almost cried. Pero hindi ko ginawa dahil OA yun. It will be a dramatic scene if Rhea were not busy on her make ups. Baka'y nagiyakan na sila sa tuwa.

"Paano naging kayo? Leche ka naman e. Ayaw magkwento! Sarap mong sabunutan."

"Oo na nga magkukwento na ako! Tngina niyo kasi. Aasarin niyo 'ko e."

"Gaga! Debut ko! Paki ko sa lovelife mo! Ba't kita aasarin?" natawa ko saka hinampas ang braso niya. Tumawa rin siya.

"Bilis! Kwento na dali! Kinikilig ako." words from Rhea.

Huminga ako ng malalim saka sinimulan ang kwento.

"Ano ba yung pag uusapan natin William?" nasa canteen kami kanina nina Rhea at Issa. Pero bigla akong nilapitan ni William. Paiyak na siya ng makita ko. Kaya kinabahan ako agad.

"Gusto ko ng malinaw na usapan Allie...alam mong mahal kita 'di ba? Pero sht. Ano 'tong nalaman ko?" kumunot ang noo ko. Anong sinasabi niya? Lalo akong ginapangan ng kaba. Parang kanina lang, nakatitig ako sa grupo nina Rhina dahil may hinala akong nasa kanila ang Diary ko. Pero ngayon, dumoble ang kaba ko.

"A-ano bang nalaman mo?" napahilamos siya ng mukha.

"Kung hindi ko ba nabasa ang Diary mo, hindi mo parin aamining may gusto ka parin kay Cristoff?" parang biglang gumuho ang mundo ko sa sibrang seryoso ng mga titig niya.

"William..." hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya.

"Ito ba yung ganti mo sa'kin dahil ginirlfriend ko ang bestfriend mo? Ito ba? Bumalik ako para sa'yo dahil mahal na mahal kita Allie! Pero ginago mo lang? Pinaniwala mo kong may pag-asa tayo... kahit ang totoo, nasa iba na pala ang puso mo.. ang sakit."

Gusto kong maiyak. Paano ako magpapaliwanag. Ang sakit makitang nasasaktan ko siya.

"Hi-hindi ako gumanti William! Oo. Minahal ko si Cristoff nung mawala ka. Siya yung naging takbuhan ko. Siya yung tumanggap sa pagkatao ko na dapat ikaw ang gumagawa. Pero... nung bumalik ka, maniwala ka sa'kin... minahal kita. Minamahal ulit kita at mamahalin pa sa mga susunod na araw, William." nagulat ako sa mga lumabas sa bibig ko. Pero wala ng atrasan. Dati ko pa dapat 'to sinabi. Naging duwag ako noon. Naging sinungaling ako sa sarili ko. Hindi ako umamin sa kanya. Marami akong sinayang na pagkakataon. Pero ito na yung pangalawang pagkakataon ko na sabihin sa kanya lahat ng dapat niyang marinig.

"Hindi ko alam Allie... matapos kong mabasa lahat ng sinulat mo para sa kanya, nadudurog parin ako. Isipin ko lang na may pinapangarap kang iba, para akong pinapatay. Allie, ikaw ang pangarap ko... pero iba ang gusto mo. Nagmukha akong kontrabida. Fvck ang sakit sakit Allie." hinawakan ko siya sa braso pero huli na.... tinalikuran niya ako habang patuloy siyang umiiyak.

Sunod kong naisip na gawin ay sugurin ang mga gaga. Nang makita ko si Rhina ay agad kong sinabunutan ang buhok niya. Napalingon agad ang iba. Gulat na gulat ang grupo ni Ysabel. Pinigilan ako ni Mich at Reina pero si Ysabel ay nasa gilid lang, gulat na gulat habang inuubos ko ang buhok ni Rhina.

"Let me go bitch! Ano bang problema mo!"

"Pakialamera kang Banyo Queen ka! Halika dito! Kakalbuhin kita!"

"Wha-what's wrong with you? Hindi ko alam ang pinagsasabi mo!"

"Tatanggi ka pang hay--"

"Tama na yan Allie!" natigil ako sa pamilyar na boses na iyon. Blangko ang mukha ni Cristoff nang pigilan niya ako.

"Wala siyang alam Allie. Ako. Ako ang nakapulot sa Diary mo."

"Diary? Anong diary 'yon Cristoff? So, you evil freak ruin my day because of a shitty diary?"

"It's not a shit, bitch!" natikom ang bibig niya at muli kong hinarap ang seryosong mukha ni Cristoff.

"Paano napunta sa'yo iyan?"

"Nung outing. Nahulog mo ito sa bag mo bago tayo umalis."

inilahad ko ang kamay ko. "Akin na. Ibalik mo sa'kin yan."

"Bakit mo ibabalik kung para naman talaga sa'kin yun?" bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"Hindi 'yon para sa'yo." naalala kong magic pen pala ang gamit ko sa pagsulat ng pangalan niya kaya maaari pa akong magsinungaling.

"Hindi ako tanga Allie. Bawat letrang binabasa ko alam kong kilala ko ang pinatatamaan mo." pilit kong inaalala kung may naisulat ba 'kong pangalan niya doon.

Napapikit ako ng madiin.

"Ikaw ba ang nagsabi nito kay William? Gusto mo kaming siraan? Gusto mong palayuin siya sa'kin?"

"What's happening?"

"Shut up Bitch!"

Nakakagigil lalo ang bruha. 'Di dapat dito pinag uusapan ang mga ganitong bagay pero huli na. Ayoko nang patagalin pa. Ayoko nang mawala ulit si William.

"Ano Cristoffer? Sumagot ka! Ikaw ba ang nagpakita sa kanya ng diary ko?"

Tumango siya. Sapat na para malaman ko ang sagot.

Nasampal ko siya ng malakas kahit nakatungo pa.

"Lalo mong pinatunayang hindi ako nababagay sa'yo."

"Sorry please. Allie sorry, I want you back. Please sorry na."

"You want me back? Walang naging sa'yo Cristoff. Hindi naman naging tayo."

Umirap ako't tinalikuran ko siya. 'Di na ako tanga katulad ng dati na ipagpipilitan ko pa ang sarili ko sa kanya. Hindi niya ako pinaglaban. Dalawang beses niyang pinamukha sa'kin na wala akong pag-asa sa kanya. Harap harapan nuyang inamin na 'hanggang kaibigan nalang' Sapat na iyon. Tama na Allie.

Ito na siguro yung tamang oras para pumili ako. Pumili ng taong alam kong magpapasaya sa akin....

THE DIARY (COMPLETED)Where stories live. Discover now