Entry #37: Cry

111 11 2
                                    



Melissa's P O V

    Unang umaga namin sa resort. Sayang at hindi ko nakita ang pagsikat ng araw.

    Kakatapos lang namin mag almusal pero parang hindi ako nabusog. Ang laki ng kulang.

     Napabuntong hininga ako.

  “Issa!”

   Nilapitan ako ni Allie.

   “Bakit wala ka kagabi? Sabay kaming nagsulat ni Rhea sa diary.” sandaling nawala ang masiglang mukha ni Allie.


    “Uhm.. ka-kasi, hinanap ko pa yung twalya ko.” tumango nalang ako sa dahilan niya.

     “Uhm.. Allie...nakita mo ba si Dalton?” parang binagsakan ako ng langit nang umiling siya.

    Nag aalala na ako ng sobra.
Kahapon pa siya wala. Alam kong wala akong karapatang magtampo pero hindi ko mapigilan. Hindi man lang siya nagpaalam kung saan pupunta. Tinanong ko na sina Jayson kung nakita ba siya pero hindi daw.

      Ang bigat sa dibdib. Ang hirap maiwan ng ganito. Iniwan ka ng walang dahilan. Hindi man lang nagpaalam. Yung tipong mababaliw ka kakaisip kung saang lupalop ba siya ng Pilipinas.

       “Wag ka na mag alala Issa. Kino-contact na siya ni Cristoff. Nakisuyo ako kanina.”

    “Thank you Allie.” pinunasan niya ang mga luha sa pisngi ko. Ni hindi ko namalayan ang pagtulo ng mga iyon.

         Natigil kami pareho nang tumunog cellphone ko.


    Dalton calling...

    “Omg beh! Sagutin mo na!” nagmamadali ko namang sinagot ang tawag. Kumakabog ng malakas ang dibdib ko. Kung anu-anong naiisip ko na maaari niyang idahilan.


     “Hello? DJ!”

     “Issa... I'm sorry.” ang husky ng boses niya. Halatang kakagisinglang niya.
        

    “Anong nangyari sa'yo? Nasaan ka?”


     Bumuntong hininga siya sa kabilang linya. Tumingin ako kay Allie. Sinenyasan niya ako na i-loud speak ko. Ginawa ko naman iyon.


        “Nasa ospital ako. I'm sorry. Lowbat ako kahapon. Hindi kita natawagan agad. Dala ko ang kotse ko. I'm alright. Nagmadali ako kaya walang paalam. Sorry.” sunod sunod ang paliwanag niya. Bahagyang kumusot ang noo ko. Parang ang bigat bigat ng boses niya.


    “Bakit nasa ospital ka? Nasaktan ka ba? Ano? Nag aalala ako sa'yo DJ!” medyo napapataas na ang boses ko. Gusto kong ilabas ang inis ko.


    “Don't worry okay lang ako. Medyo puyat lang dahil wala pa akong matinong tulog.”

    “Ano bang nangyari kasi?! Pwede bang sabihin mo na?!” muli siyang bumuntong hininga.

      “Sa totoo lang, hindi ako ang pasyente. Si Jasmine ang kasama ko. Naaksidente siya kahapon... kritikal ang kondisyon niya.”


    Nawala lahat ng plano kong sasabihin. Yung pagtatampo ko, yung galit. Natunaw lahat.

     Parang mas lalong bumigat ang pakiramdam ko. Naiiyak ako. Hindi ko alam kung nasasaktan ba ako sa nalaman ko o nasasaktan ako sa biglang pag iyak ni Dalton.

“Natatakot a-ako para sa kanya. H-hindi ko siya mayakap da-dahil bawal pang pumasok ang bisita. Ohgods Issa mababaliw ako kakaisip. I don't wanna loose her.”

     Gusto ko siyang samahan. Palakasin ang loob.  Pero maski ako, hindi ko alam kung paano pakakalmahin ang sarili ko. Sinaksak yata ang puso ko sa mga sinabi niya. Ang tatalim ng mga detalye. Nasasaktan ako pero alam kong hindi man lng iyon nasagi sa isip niya. He only cares for Jasmine... kasi.. mahal niya yun eh.

     Naramdaman ko ang paghawak ni Allie sa balikat ko. Mas lalo akong naiyak. Ang bigat ng bawat hininga ko.

      Wala akong magawa kundi pakinggan ang umiiyak na lalaki sa kabilang linya.


     Ganito ba talaga pag mahal mo?

       Hindi ka mag aalalang masayang ang mga luha mo?


     Ganito nga siguro...

   Kasi siya, mahal niya si Jasmine kaya siya umiiyak.
   At mahal ko naman si Dalton kaya ako umiiyak.


    Ang sakit sakit. Iniiyakan ko siya samantalang umiiyak naman siya para sa iba.


    “Issa... I'm so sorry...” basag ang boses niya. Rinig ko pa ang bawat pagsingot niya. Hindi siguro ito ang unang beses ng pag iyak niya. Malamang ay kahapon pa.


      “O-okay lang... d'yan ka lang muna. Mas... kailangan ka niya.”

      Paano ba sabihing... kailangan ko rin siya? Ang hirap. Lalo't wala ako sa tamang posisyon.

     Mahal ko siya. Pero hindi mababago noon ang katotoohang may mahal siyang iba.

       Promise. Pupunta ako d'yan bukas. I wanna see you. May sasabihin ako sa'yo.” ngumiti ako ng mapakla kahit alam kong hindi niya naman iyon makikita. Nang pinatay ko na ang tawag at mas lalo akong napaiyak.


      Wala akong ibang nagawa kundi ang yumakap ng mahigpit kay Allie.
   

 

       Napagdesisyunan ko na ito na ang huling araw ng diary ko. Wala nang dahilan para magsulat pa ako roon. Mas mabuting itapon ko nalang.

THE DIARY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon