Entry #8: Kill Joy

211 15 2
                                    



Melissa's P O V





"Sira ulo pala 'yon eh!" napasigaw bigla si Rhea. Napatingin tuloy yung ilang kumakain sa paligid namin.


"Pwede ba yung bibig mo? Hinaan mo nga!" reklamo ko. Bigla naman natigilan si Rhea at hinarap ako.

"Nahihinaan ba yung bibig? Jusko naman Issa. Nasaan ang utak?"

"Nasa 6 pack abs ng topless niyang kapitbahay." sagot naman ni Allie habang tumatawa. Nag apir pa ang mga loka. Inirapan ko nalang sila pareho. Naiinis ako pag binabara ako ng ganyan eh.

"Mabalik ako Allie! Anong gusto niya? Landian lang? Walang commitment?" napatango naman si Allie at ngumiti ng hindi bukal sa loob.

Masakit naman talaga 'yon. The fact, na hindi siya kayang ipaglaban ni Cristoff? Geez.

Nakaka dagdag kasi ng stress si Allie at Cristoff. May mga lalaki pala talagang ganun. Halata naman na gusto nila ang isa't isa, naduduwag lang pumasok sa isang relasyon.

"Pustahan tayo Bading si Cristoff!"

"WTF? Anong bading?!" biglang sagot ni Allie.

"'Wag mo nang ipagtanggol! Sinaktan ka na nga ipagtatanggol mo pa!"

muling napasalumbaba si Allie. Tinuloy naman ni Rhea yung paglamutak sa kinakain niyang ice cream.

"Lalaki lang kasi, pinoproblema niyo pa!" sabay silang napatingin sa'kin.

"Wow! Nagsalita ang may lovelife." natatawang sabat ni Rhea.

"Allie kasi, makuntento na tayo. Kung fling fling lang, edi fine. Ikaw Rhea! Kung bestfriend lang ang tingin sa'yo, edi tanggapin mo. Oh 'di ba? Wala ng problema." confident kong payo. Well, ganyan ako mag advice. Straight to the point.

"Madaling sabihin. Mahirap patunayan." sabi naman ni Allie sabay turo sa kaliwang dibdib niya.

"Gago ka ba? Pa'no 'pag mahal nito? Okay lang sa'yo na fling fling lang? bestfriend-bestfriend lang?" sabi ni Allie nang may pinaglalaban. Tinap naman ni Rhea ang balikat nito para ipakitang suportado nito ang kaibigan.

"Sige! Magkampihan kayo. Kaya kayo nasasaktan eh, kasi pinagpipilitan niyo yung bagay na hindi naman pwede!" sabay duro ko sa kanilang dalawa.

"Sino nagsabing hindi pwede?" taas kilay pa si Allie. Talagang ayaw patalo.

"Eh, 'di ba nga. Halata naman na ayaw sa'yo ni Cristoff."

"Bakit? Hindi mo ba ipaglalaban? 'Di ba sabi sa 'That Thing Called Tadhana' 'pag mahal mo, habulin mo?"

"Hinabol niya yung mahal niya kasi may karapatan siya. Girlfriend siya. Eh, ikaw? Girlfriend ka ba? Sige! Paglaban mo! Mananalo ka?"

"Ang sakit mo magsalita ah! Nakaka tngina na ah!"

"Sinasampal ko lang sa'yo ang realidad. Tanggapin mo na lang ang katotohanan na hindi niya kayang ibigay ang hinihingi mo."

"May mga bagay na akala natin na hindi natin makukuha, pero pag pinaghirapan mo, makakamit mo ang tagumpay."

"Edi Go! Sige umasa ka."

"Talaga."

"Fine. Hindi naman ako ang masasaktan at iiyak iyak. Katulad ng nangyari sa'yo noon."

"Kaibigan ba talaga kita Issa?"

"Oo. Kaya nga sinasabi kong hindi ka gusto ni Cristoff eh, gusto mo ba sabihin ko rin na ang pangit ng ugali mo---"

THE DIARY (COMPLETED)Where stories live. Discover now