Entry #36: Boom Panes

123 13 2
                                    

Rhea's P O V

Maaga akong nagising. Dumeretso agad ako sa terrace para makita ang ganda ng dagat.

Napangiti ako sa ganda ng liwanag ng araw. Kasabay ng alon ang pagdampi ng hangin sa aking balat.

Napatalon ako sa biglang pagvibrate ng cellphone ko sa aking kamay.

Tumatawag si Benedicto. Ganito kaaga?

"Hello?"

"Good morning mahal kong kaibigan."

Medyo natuwa ako sa pagbati niya. Nakakairita nga lang yung 'mahal kong kaibigan.'

"Ba't ang aga mong tumawag? Lasing ka pa noh?" narinig ko ang mahina niyang tawa.

"Hindi ako uminom! 'Di naman ako mahilig 'di ba?"

"Sus! Ikaw pa ba? Wala mama mo dito kaya free kang lumango sa alak." nilingon ko ang mga babaeng tulog na tulog. Baka naiistorbo ko sila.

"Hindi nga. Ang kulit mo. Tska may binabantayan ako dito." napakunot noo ako. Sino naman ang babantayan niya, wala naman si Ysabel doon.

"Sino naman?"

"Edi si Joshua! Yung kapatid ni Ysabel na akala mo syota niya." natawa siya doon pero napasimangot ako. Naiinis ako sa katangahan ko. Mali pala ang balitang nakalap ko. Tuwang tuwa pa naman ako doon. Tsk.

"Ba't mo naman binabantayan ang ungas na yan? Tatay ka ba niyan?"

"Paksyet kasi 'to kagabi eh. Ikaw lang ang bukambibig. Lasing na kasi. Binantayan ko kasi baka puntahan ka sa kwarto niyo! Nakakabanas! Puro Rhea, Rhea, Rhea. Masasapak ko talaga pagmumukha nito." nilingon ko ulit ang mga tulog mantika. Saka ako nagtatatalon sa kilig. Napakagat labi ako sa kabaliwang ginagawa ko. Ok. Ang O.A ko pero hindi ko lang talaga maitanggi sa sarili ko na kinikilig ako sa pagiging concern ng bestfriend ko.

"Nandyan ka pa ba mahal ko?" muli akong napabalik sa katinuan.

"Oo mahal-- BWISIT KA! ANONG MAHAL KO, NANAMAN ANG PINAGSASABI MO?"Napahalakhak siya sa kabilang linya. Namula ang pisngi ko dahil sa kahihiyan. Narinig niya yata yung muntik kong pagkadulas. Halos maputol ko na daliri ko kakakagat.

"'Wag ka nga sumigaw jan. Baka magising mga kasama mo."

"Leche ka kasi." napabulong naman ako.

"Rhea! May good news at bad news ako sa'yo."

Bakit parang nadisappoint yata ako dahil tinawag niya lang akong Rhea imbis na.... nevermind.

Nabuhayan naman ako ng loob dahil sa sinabi niya. Na excite ako bigla.

"Ano yung bad news?"

"Anong gusto mong unahin?"

"Bad news nga 'di ba? Kakasabi ko lang."

"Sorry na mahal ko. Galit ka naman agad."

"Oo na leche ka! Ano nga yung bad news?"

"Kagabi, bago nakatulog si Joshua may sinabi siya sa akin."

"Ano?"

"Gusto ka niya...at balak ka daw niya ligawan." napasapo ako sa noo ko. Narinig kong napamura ng mahina si Benedicto. Bad news nga iyon. Dapat pala pinasapak ko na kay Benedicto nang matapos na ang kahibangan ng ungas na iyon.

THE DIARY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon