Special Entry #16: Throwback Saturday

149 12 3
                                    

Guys baka may part two ang P O V nito. Hahaha. Kalma lang. Nag iisip pa ako. XD Unedited.



Someone's P O V


      "Jacob! Ano? Sasama ka na?"  napahalukipkip ako habang patuloy na pinaiikot ni Jeff ang bote ng C2 niya. I chuckled as his faced turned into a frown.

      "Silence means yes ba yan?"  natigil siya sa paglalaro ng bote. Hinihintay ang sagot ko.

     "Silence means no. 'Di ka na nasanay sa'kin. Alam mong baliktad utak ko." nabato niya ako ng C2 pero nakailag ako. Sabay kaming natawa.

      "Kill joy! Ikaw lang hindi pupunta!" natigilan ako. Naghihintay ng mga idudugtong niya sa sinabi niya pero napatingin ako sa kanya. Busy na siya sa pag kakalikot ng cellphone.

    "Si Kate, pupunta?"

    "Oo naman! 'yon pa? Baka nga maging Prom Queen pa'yon!"  nahawa ako sa ngiting kinikilig ni Jeff. Katulad ko, may crush din siya kay Kate. Maganda kasi. Mabait pa. Pero hindi siya ang gusto kong maka-date sa Prom kung makakapunta man ako....

     "Si Allie?"

     "O? Anong gagawin ko kay Allie?" sinipa ko siya ng mahina. Natawa naman ang loko.

    "Kung pupunta ba si Allie?"

     "Asus! Oo naman! Si Kate nga na bestfriend niya, pupunta! Malamang bro!"

I secretly smiled. Parang gustong magbago ng desisyon ko.

    "Kelan nga ulit yung Prom?" napakamot siya sa ulo dahil mukhang naiistorbo siya sa ginagawa niya.

     "Sa Sabado!"

      "Anong oras?"

     "Tsk. 5:00 pm." tinapik ko ang braso niya at tumayo na.

      "Text mo 'ko ah! Pupunta na ako." napanganga lang siya habang nakatitig sa akin. Hindi na ako muling nagsalita pa at dere-deretso nang lumabas ng classroom.


       Tuwang tuwa ako habang naglalakad. Parang gusto ko pang sumipol. Ang ganda ng araw ko. Parang kanina lang, ayoko talagang pumunta sa Prom pero dahil ginanahan ako, nagbago ang isip ko.

         Kaya balak ko siyang yayain na maging date ko. Elementary palang schoolmates na kami kaya magkakilala na kami. Pero hindi nga lang personally. Pero may sapat na lakas ako ng loob dahil alam kong hindi niya ako matatanggihan. 

        She never failed to smile whenever we saw each other along the corridor. 

     Ilang beses ko na rin siyang nakakasabay sa jeep. Nakikita sa mall, o natatanaw sa harapan ng bahay nila. 

        I am a good looking stalker of her. 

   I even try to send primate messages on Facebook just to notice me.

     Mabait siya. Napaka approachable. Minsan nakaka chat ko siya. Matagal. Mga 2hrs. straight.

 Kaso nga lang, hanggang dun lang. Ni hindi ko pa siya nakakausap personally. Yung tipong kaming dalawa lang. Tapos itatanong niya kung anong favorite foods ko, itatanong ko naman kung anong favorite color niya. Wala pa kami sa stage na ganun eh.

THE DIARY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon