Entry #41: Missing

120 10 10
                                    

Allie's P O V

         “Ano na nga plano? Sasapakin na kita eh!” iritado na ako kanina pa. Mukhang tanga na kami dito at panay titigan lang kami ni Rhea. Blangko parin ang papel niya. Pinagmadali niya akong papuntahin dito sa bahay niya tapos pagdating ko, magtititigan lang kami? Pucha 'to.

        “Wala kasi si Ate. Pa'no ba tayo magsisimula?” tinusok tusok niya yung ballpen sa papel.

     “Aba malay ko sa'yo? Nag debut ba ako ng bongga?” napakamot siya ng ulo.

    “Kamusta na kaya si Issa? Hindi na nagparamdam sa'tin yun simula nung umalis sa resort. Hindi tuloy siya nakasali sa laro natin sa pool.”

              “'wag mo na nga ipaalala yung outing na 'yon! Past is past.”

       Nakakabwisit kasi. Hindi dahil kay Cristoff o kay William. Nabubwisit ako kasi doon ko naiwala yung diary.

     Hindi ko matandaan kung inilagay ko ba iyon sa ilalim ng unan ko o naisama ko sa mga labahan o nahulog ko sa kung saan? Ewan. Pisti. Pero infairness kinakabahan ako hayup. Baka kung sinong nakabasa. Baka naiwan ko pala sa lagayan ng toothbrush. O kaya nasa ilalim ng door mat namin. Fvck. Baka may makakita. Sana malugi yung resort na 'yon at magsara na sila.

        “Uy! Allie! Ano ba? Wala pa akong 18 roses! 3 palang 'to. 3 years old lang ampeg?” kinulbit ako ni Rhae kaya natigil ako sa pag aalala.

      “Edi isulat mo ung barkada nila Jayson!”

     “Lah ano? Sila sila nalang?”

     “Si Benedicto! Si Joshua!”

Bigla siyang natahimik.

    “Oh ano? Ayaw mo sa suggestion ko?”

     “Sa 18 gifts nalang sila.” may halong bitterness sa tono niya.

      “Hindi! Hindi! Sa 18 roses sila.”

      “O edi ikaw na magdebut.”

     Napangiti at iling ako.

            Matapos ang ilang araw ng sembreak, pasukan nanaman. Back to normal. Si Cristoff na laging may practice sa Badminton kaya laging kasama si Rhina. At si William naman na naging hobby na ang pangungulit sa akin. Si Melissa na sobrang tamlay. Kasama namin siya pero parang lutang.
At si Rhea na namomroblema parin sa nalalapit niyang Debut.

         “Bakit nasa 18 gifts ako? Hirap kaya magregalo sa babae.” reklamo ni Joshua. Medyo close na namin siya ni Rhea dahil katulad ni William, parati itong bumubuntot kay Rhea.

      “Buti nga nasa listahan ka pa eh! Reklamo pa 'to!” kakatapos lang namin mag lunch. 1pm pa ang next class namin kaya nakatambay kami sa foodcourt ng isang mall.

      “Grabe siya! Gawin mo 'kong last dance mo! Tapos ang problema mo!” full of confodence na sabi ni Joshua na inirapan naman ni Rhea.
       Hindi namin kasama si Issa dahil gusto niya daw mapag isa.

     “Nek nek mo!” natawa nalang ako sa ilan pang asaran at kulitan nila. Nang mahagip ko ang mesa malapit sa amin. Nakita kong nakaupo roon sina Rhina, Mich at Reina. Wala yung kapatid ni Joshua na si Ysabel. Malapit lang kasi sa school namin itong mall kaya hindi malayong magkrus ang landas namin dito.

     Napansin kong nagtatawanan ito at parang may itinatago sa mesa nila.

       Nawala ang konsentrasyon ko kanila Rhea. Natuon ang buong atensyon ko sa grupo ni Rhina. Lalo na nang binulungan ni Rhina ang dalawang kasama at sabay sabay silang tumingin sa akin.

          Bigla akong kinabahan.

     “Anong tinitingnan mo Allie?” nagulat ako sa pagkiliti ni Rhea sa baywang ko.

     “Yung diary--- ay pucha, wala!”

       “Wala! Sabi ko payagan mo na sa last dance si Joshua.”

       “Lul.”

THE DIARY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon