Entry #5: Caught in Act

265 14 2
                                    




Melissa's P O V

                   "Akala ko ba kasama yung crush niya?" pangalawang balik ko na 'to sa sala. Maarte kasi 'tong bwisita ko. Ayaw ng orange juice. Mango daw.

                  "Hindi niya na daw sinama kasi nagmamadali siya. Kasi nga 'di ba sabi ko may katabi akong lasing." pagpapaliwanag niya. 

                  "Ba't ang tabang naman nito? Pwe!" hinila ko ang bangs ni Rhea dahil sa kakareklamo niya. Kanina pa yan.

                 "B*b* mo kasi! Dapat Rheababes, sinabi mo na hindi talaga ikaw yung nag text. May nakitext lang sa'yo." suggest naman ni Allie sa katangahan ni Rhea nung isang araw. Tss. Nagturuan pa ang dalawang shunga.

                "Mas nakakabobo naman yung ganung dahilan. May katabi na nga akong lasing tas may makikitext pa sa'kin. Ano 'yon? Nasaan ang utak Allie?"

               "Nasa boxer ni Elijah Montefalco." confident niyang sagot sabay flip ng hair.

           "Ano namang ginawa niyo? Ba't mo pa siya pinuntaha wala naman pala kayong mahalagang gagawin." tanong ko naman. Nilakasan ko yung volume ng T.V kasi ang ingay ng kwentuhan.

            "Ano ka ba Issa. Nag date kami noh. Sa 7-Eleven. It was a bestfriend's date."

napapalakpak naman si Allie sa sagot ni Rhea. Napapa iling nalang ako.

           "Bestfriend na mahal na mahal mo, pero walang gusto sa'yo?" pambabara ko. Automatic naman na nakakuha agad ako ng matatalim na tingin mula kay Rhea.

          "Wag ka nga Issa! Gusto mo asarin kita sa topless mong kapitbahay?" itinaas niya pa yung remote at idinuro sa mukha ko.

         "Wag mong idamay si Dalton sa usapan." I rolled my eyes. Why do they keep on calling him topless na kapitbahay. Is he really that attractive 'pag wala siyang pang itataas? Tss. Damn those freaking abs. Dahil sa mga abs na 'yon kaya hindi ako matapos-tapos sa baby thesis ko.

        "Akala ko ba DJ ang tawag mo do'n?" taaa-baba ang kilay ni Allie. 

           "Oo nga. Eh, wala naman siya dito. Tinatawag ko lang siyang DJ pag magkasama kami. Ang arte kasi nun. Natutuwa daw siya 'pag tinatawag ko siya sa nickname niya."

      "Emegehd. Kikiligin na ba ako?" tuwang-tuwang tanong ni Allie.

        "Mamaya. Pag tapos na yung palabas."

       "k."

              "Manahimik na kayo! Na-hack na nung killer yung account niya!" sabay-sabay kaming napatutok sa T.V. Walang kumukurap. Nasa bahay kami para mag group study pero hindi pa nga nakakaupo si Allie kanina, isinalpak niya na yung USB niya para daw sure na makakapag movie marathon kami.

              "Guys hindi niyo ba nahahalata?"

             tanong ni Allie habang nakatutok parin sa T.V

         "Kung sino yung pumapatay? Malay ko. Naka mask kaya."

         sagot ko naman.

           "Hindi 'yon! Hindi niyo ba nahahalata na napaka hopeless romantic nating tatlo?"

     Oh God.

THE DIARY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon