Chapter 8: Peace Offering

12 1 2
                                    

Yuki's POV

"Yuki, according to miss Buenvenida, next week na ang camping niyo" sabi ni mom.

"Yan lang po ba yung pinag-usapan ninyo kahapon?"

"Nag discuss rin siya ng tungkol sa mga rules and regulation" sumubo pa siya ng isa pa.

"And?"

"So, why don't you go to the mall with Claudio, Jessica and Raine. Tutal today is Saturday"

"Mom, ano naman po ang gagawin namin sa mall?"

"Well, bumili kayo ng mga kakailanganin niyo sa camping. May flight pa kasi ako eh. Pero don't worry, nandito naman kami ng dad mo sa day ng camping mo"

"Okay. Magbibihis na po ako"

-----

Mabilis akong naligo at nagbihis. Dito pa lang plinano ko na kung ano ang mga bibilhin. Hinihintay ko na lang sila Jessica. Ang tagal naman ng mga yun 30 minutes na akong naghihintay!

Shunga naman pala ako. Hindi ko pala sila nasabihan. Maitext na nga lang.

To: Jessica, Raine, Claudio
Free ka ba ngayon? Punta tayo sa Mall para bumili ng mga gamit.

Binuksan ko muna ang laptop at nanood ng American Hustle Life ng BTS. Can't contain my feels. Nasa kalagitnaan ako ng panunood ng biglang may nag text. Galing sa kanilang tatlo. Sabi nila Jessica, hindi daw sila pwede tapos nag sorry pa. Babawi na lang daw sila next time. Si Claudio naman, go lang ng go. Aba dapat lang siputin niya ako. Kung hindi, aba'y mas mahaba-habang tampuhan ito.

Bumaba na ako sa sala. Nainip ako doon kaya naman pumunta na lang ako sa garden. Hmm, fresh air!

"Ashie! Huy!" Istorbo naman ang isang 'to linalanghap ko pa nga ang sariwang hangin eh.

Hindi ko lang pinansin yung sino mang istorbong yun. Tuloy pa rin ako sa paglanghap ng hangin habang nakapikit ang mga mata ko.  Ang sarap talaga sa feeling. I swear.

Napamulat ako ng wala sa oras dahil may kamay na tumama sa mukha ko. Hindi naman siya sapak at hindi rin malakas. Pagtingin ko ang loko lang pala.

"Ayos ng porma mo ngayon ah" sabi ko sa kanya na manghang-mangha.

"Ayos ba? Chocolates and roses nga pala" tapos inabot niya sa akin yung dala niya. Hindi ko ito napansin agad kasi sa 'looks' niya napako ang attention ko. Tiningnan ko naman siya na para bang nagtataka ako.

"Peace offering ko sayo" napa ahh na lang ako. Marami na ring alam 'tong loko. May paganyan-ganyan pa siya ha.

"Ok halika na. Marami pa akong kailangang bilhin" hinila ko na siya papunta sa sasakyan nila.

Pareho kaming umupo sa likuran.

"Daan tayo sa EDSA kuya" sabi ni Claudio sa kay kuya. Sinunod naman ni kuya yung sabi sa kanya.

"Claudio! Seryoso ka ba? EDSA? Ang traffic kaya!" Reklamo ko. Anong oras naman kami makakarating ng mall aber?

"Basta sa EDSA na lang tayo dumaan"

-----

"Claudio naman kasi! Huy!" Nakakapagod na ha! Kanina ko pa siya niyuyogyog. Bwisit 'tong lokong 'to! Pinadaan kami sa EDSA tapos natulog lang! Kamusta naman ako ngayon?

Nakita ko si kuya, yung driver ni Claudio, na ngingiti-ngiti habang nakatingin si rear view mirror. Aba! Masample-an nga ang isang 'to.

"Kuya manong! Anong nginingiti-ngiti mo diyan ha?" sabi ko sakanya habang pinandidilatan ko siya ng mata. Napailing na lang siya habang naka ngiti pa rin. Problema ba ng mga tao ngayon?! Ugh!!!!!! Ang hirap mag rant!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 08, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

 The Best YearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon