Chapter 7: Forgiven

13 1 0
                                    

Yuki's POV

Bumaba na agad ako pagkatapos kong mag-ayos ng sarili. Wednesday na ngayon at darating na si mommy para sa meeting.

Si Claudio? Ewan ko sa kanya. Paggising ko kasi nung Sunday na umaga, umalis na daw siya sabi ni yaya Vera. Hindi ko naman sya nakausap sa school nung Monday hanggang kahapon. Hindi rin kami sabay sa pag-uwi. Hatid sundo ako ni mang Ben.

"Bakit parang malungkot yung alaga ko ngayon?" Tanong ni yaya Vera.

"Wala naman po ya" sagot ko

"Hindi pa rin ba kayo bati ni Claudio?"- yaya Vera

"Ewan ko po" casual kong sagot.

"Tampuhan lng yan. Osya sige, maglilinis pa ako at darating na mamaya ang mommy mo" sabi nya.

Nginitian ko na lng siya tapos ay kinain ko na yung almusal ko. Nagpahatid na rin ako kay mang Ben.

-----

Pagkarating ko kanina sa school, nakita ko si Claudio pero dedma lng. Diretso agad ako sa classroom ko.

"Asan na ba ang mga yun?" tanong ko sa sarili. Pano naman kasi 10 minutes na lng magsisimula na yung klase!

"Good morning class" ayan na nakapasok na si miss. Late na talaga yung dalawang yun.

"Good morning miss" bati namin sa kanya. Linagay nya muna yung mga gamit nya sa teacher's table tapos nagsalita na sa may mini stage sa harapan namin, dito lng sa may classroom. Yes, may mini stage kami.

"So, are your parents coming on Friday?" Tanong nya.

"Yes miss" sabay naming sagot.

"Good" tipid na sabi niya. Nagpatuloy pa sya sa pagsasalita pero yung atensyon ko, nasa pintuan pa rin. Hinihintay yung dalawa.

"Copy the lectures" tumalikod muna ako sa may pintuan para kunin yung notebook at ballpen ko sa may bag.

Nagsimula na akong mag sulat. Napahinto naman ako at napatingin sa pintuan nang bigla itong bumukas. Akala ko sila Raine na, hindi pala. Si Kevin, yung crush ni Jessica.

"Mr. Fernandez, you're late" galit na sabi ni miss.

"Sorry miss. There was an emergency" pagdadahilan nya.

"It's okay. But don't be next time. Find your temporary chair because some classrooms borrowed some of our chairs" sabi pa ni miss.

Nagpatuloy na ako sa pagsusulat. Wala na akong pake kung saan man siya umupo.

"Hi" sabi ng nasa tabi ko. Hindi ko lng siya pinansin, patuloy lng ako sa pag sulat.

"Hello" sabi ulit nya. This time liningon ko na sya.

"Yes?" Tanong ko.

"Kevin Eric Fernandez" sabi nya na naka ngiti.

"I know" sagot ko naman.

Nagpatuloy lng ako sa pagsusulat. Siya naman, nagsusulat nga nagsasalita naman.

"Alam mo gusto ko talaga yung mga mabait at maingay na mga babae. Pero yung maingay na pala kwento hah, ganun. Ikaw, anong ideal type mo?" Gaya na lng nyan. Ano ba ang pake ko sa ideal type nya na babae? Hindi naman ako si Jessica. Asan na ba kasi yung dalawang babae na yun. Tinitiis ko tuloy yung pagiging madaldal nitong katabi ko. Hindi naman sa suplada ako, pero hindi lng talaga ako interesado sa kanya.

"Kilala mo ba si Jessica?" tanong ko sa kanya. Hindi sya agad naka sagot dahil nag bell na. Linigpit muna namin yung mga kanya-kanya naming gamit tapos lumabas na ng classroom. Akala ko lulubayan na ako nito kaso lng nakasunod pa rin sya sa akin.

 The Best YearsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora