Chapter 5: Tour

8 0 0
                                    

Yuki's POV

Dalawang linggo na ang nakakalipas simula nung kinausap ako nila mom at dad.

"Oh, naka uwi ka na pala Yuki" pag bati sa akin ni yaya Vera.

"Ya, nasan na po sila mom?"

"Ah, nandun pa sila sa trabaho. Umuwi na sila dito kanina pero nagkaroon ng emergency meeting kaya bumalik" sabi ni yaya Vera.

"Akyat na po ako sa taas yaya. Paki tawag na lng po pag nandito na sila"

Tumango na lng sya at umakyat na ako. Binuksan ko muna yung aircon tapos palit muna ng damit.
Nahiga na rin ako pagkatapos nun.

"Makapag browse na nga lng"

Kinuha ko yung laptop tapos nag search na ako ng tungkol sa assignment at activity namin na to be submitted tomorrow. Mabuti na nga lng at nabawas bawasan ang mga pinagagawa sa amin. Dati kasi hindi na ako natutulog para matapos lng yung mga kailangang tapusin.

Nag open na rin ako ng bagong tab. Para mag Facebook. Pagtingin ko, merong 47 notifications pero walang mga bagong friend request at messages. Hinayaan ko na lng ang mga ito kasi puro lng naman mga invitation sa mga pages nila. Nagpatuloy na lng ako sa pag tapos sa mga task ko sa school.

-----

Napahinto ako sa ginagawa ko dahil may biglang kumatok.

 The Best YearsWhere stories live. Discover now