Chapter 1: Welcomed by detention

22 1 0
                                    

Yuki's POV

Nagising ako hindi dahil sa sikat ng araw o sa tawag ni yaya Vera o sa tunog ng alarm clock. Nagising ako dahil sa pagiging excited.

Unat-unat muna at talon-talon pa. Tapos diretso banyo. High school here I go!!!

"Hello world!" Sigaw ko pagbaba sa may dining table. As usual, maraming nakahanda sa mesa.

"Hi anak, breakfast is ready" pag bati sa akin ni mom.

"Mom, ikaw po ang nagluto ng pancakes na may maple syrup?"

"Oo. Diba favorite mo yan?"

"Oo po"

"Wait lng" sabi niya habang may kinukuha sa wallet niya. Is that my...

"Allowance mo yan" Napalunok na lng ako dahil sa laki ng allowance ko ngayong highschool.

"For a month na po ba ito?"

"No. For this week lng yan"

Seriously? 10 000 pesos a week??

"Bakit, kulang pa ba? Sige gagawin ko na lng na..."

"No mom! Wag niyo na po dagdagan. In fact ang laki na po nito"

"Ok. Whatever you say" kumain na lng ako ng pancakes at breads. Dinamihan ko na rin. Alam ko kasi na maraming energy ang kakailanganin ko.

"Hindi niyo ako hinintay?"- Dad

"Ok lng yan honey bunch" sagot naman ni mom.

Tss. Endearments. But I think it's sweet.

Hindi pa nakuntento si dad at nag pout pa! Aba naman oh. Hindi pa nahiya!

Mga ilang minuto rin ay kumain na rin sila. Salamat naman.

"Halika na Yuki hatid na kita"

?_?

Mukhang nahalata ni dad ang parang mga question mark sa mga mata ko.

"Siyempre, kahit na busy ako, dapat ako ang maghahatid sa unica hija ko"

"Aww, how sweet of you dad!" Tapos yakap ko sa kanya.

Sumakay na kami sa kotse niya. Hindi ko alam kung anong model to kasi hindi naman ako marunong o magaling sa mga ganito. Basta kung magkakaroon man ako, pink or blue Porsche dapat. Pero mas gusto ko ang pink kahit na mas favorite ko sa kanila ang blue.

Kumunot na naman yung noo ko kasi nakita ko siya na parang may kinukuha sa wallet niya. Kukunot-kunot ako ng noo ngayon ah, baka magka wrinkles na ako nito. Ano raw? Wallet ba kamo?

"10 000 allowance mo per week. Sige enjoy!" Pagkatapos ni dad sabihin 'yon ay binuksan niya yong sa side ko signaling me to go na. Nandito na pala kami Pinapaalis na niya ako.
Workaholic talaga.

-----

Pagpasok ko pa lng sa loob, na fefeel ko na ang ambiance. Hohoho... highschool ambiance. Teka tama ba 'yon? Ewan bahala na.

Maganda dito. Ang linis may garden, maraming puno at kumpleto sa facilities. Parang dream school mo ito.

Nakakapanibago dito sa campus. Wala pa akong kakilala. Ang mga dati ko na kaklase, sa iba na school nag enrol. Loner tuloy ang peg ko ngayon.

Kung dati ay bumabati sa akin yung mga nakakasalubong ko, ngayon wala na or should I say wala pa.

"Aray" may bumangga sa akin. Ano ba yan ang sakit. Diba ganito naman ang nangyayari sa mga cliche na love story at movies. Minsan, ay hindi pala, madalas ganito. Tapos... ay basta bahala na.

 The Best YearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon