Chapter 3: A & A

11 0 0
                                    

Yuki's POV

September na ngayon at ilang weeks na rin ang nakalilipas simula nung nag start ang highschool life ko. Maraming nagbago, oo. Pero isa pa rin yung nanatili, yung pagiging overprotective ng loko at ang pagiging busy ng mga magulang ko. Well, hindi lng naman sila ang busy eh. Ako rin maraming ginagawa. Kulang na nga yung tulog ko tapos kung minsan pa ay hindi na ako natutulog. Ok lng yun sa akin basta sa pag-aaral.

"Yuki tapos mo ba 'to?" tanong sa akin ni Raine. Nandito kami ngayon sa may library ng school para tapusin ang mga projects namin.

"Oo tapos ko na yan"

Tinutukoy ni Raine ang math project namin. Nyemas! Favorite ko talaga yung Math dati pero ngayon HINDI na! Yan yung dahilan kung bakit nangongopya at nagpapakopya ako ng assignment ng mga at sa mga kaklase ko. Tsk!

"Ang sa narrative report, essay sa English, assignment sa Filipino?"tanong niya pa.

"Tapos ko na lahat yan. Kagabi pa"

"Mabuti ka pa tapos na. Ako yung sa math na lng talaga pero malapit na cover na lng yung kailangan"

"Jusme! Ang research paper pa pala!" Sigaw ko. Mukhang narinig ata ako ng librarian kaya pinandilatan ako ng mata. Dilat-dilat ka ng mata dyan, ang tanda mo na, ang sabihin mo inggit ka sa amin kasi ang babata pa namin.

"Relax! Bukas pa ang pasahan nun. Tsaka wag mong patayin sa isip ang librarian natin"- Raine

"Patayin ang librarian sa isip?"

"Oo! Wag mo syang patayin sa isip dahil dapat patayin mo sya sa totoong buhay" pag-singit ni Jessica sa usapan.

"Nandito ka na pala saan ka galing?"- Raine

"At ano yang nasa bag mo at parang ang laki" pang-uusisa ko sa kanya. Nag-uusap kami ngayon ng pabulong dahil baka marinig kami nung librarian. Umupo naman sya sa harapan ko na katabi ni Raine. So bale wala  akong katabi kundi ang bag ko dahil apat ang upuan.

Tumingin-tingin muna sya sa paligid tapos ay binuksan ng konti ang bag nya at sinabing,

"Snacks guys!" excited nyang sabi pero pabulong pa rin.

"Ano ka ba naman Jessica! Bawal kumain dito! Baka mahuli tayo, first offense. Alam mo naman yun diba?"- Raine

"First offense kung mahuhuli. Edi hindi magpahuli!"- Jessica.

"Jessica, mamaya na lng kaya natin yan kainin? Tutal 3 hours naman ang free time natin tapos hapon pa ngayon"

"Natapos mo na ba ang lahat ng mga pinapagawa sa atin? Sa grounds na lng tayo kakain mamaya"- Raine

Mabigat man sa kanyang damdamin ay sinunod pa rin ni Jessica ang mga sinabi namin. Ang formal ng pagkakasabi ko nun ah. Alam kong disappointed sya pero makakahintay naman yan.

"Sige mukhang masaya yan. Stay na lng muna tayo ng ilang minutes pa tapos school grounds na tayo!"- Jessica

"Okay!" Sabay na sabi namin ni Raine.

"Yuki, nasan na nga pala si Claudio?"- Jessica

"Busy kasi siya eh kaya hindi muna kami nagkikita. Pero sabay pa rin naman kami sa pag-uwi"

"Oo nga pala, diba 3 hours yung free time natin? Ano na ang subject na papasukan natin?"- Jessica

"Actually, wala na tayong subjects pa. Kailanganan na lng natin ipasa ang mga outputs natin at pwede na tayong maka alis"- Raine

"Kung ipasa na kaya natin ngayon. Tutal tapos na naman na tayo eh"- Jessica

"Oo nga naman. Para makakain na rin tayo"

 The Best YearsWhere stories live. Discover now