Chapter 4: Crush??

14 0 0
                                    

Yuki's POV

Bumalik naman kami kaagad sa school ground at pinagpatuloy ang kanina.

"Grabe naman, sayang yung puyat natin makabalik lng sa room tapos yun lng pala yung announcement"-bagot na sabi ni Jessica.

"Makapag react ka naman, parang linakad mo na yung buong Pilipinas" pambabara sa kanya ni Raine.

"Alam niyo, may mga bagay talaga na ok lng paglaanan ng oras kahit na sobra pa"

Tumigil naman silang dalawa sa pagkain. Una nang nagsalita si Jessica.

"Boom hugot!" Tumayo muna siya at nag boom panes na style tapos ay sinabi nya yun.

"Bagay lng ba? Baka naman tao?" may halong pang-aasar yung tono ng boses ni Raine.

Pinipigilan ko na lng na hindi matawa sa mga inaasal nila. Parang mga takas sa mental.

"Oo nga, bagay lng ba? Baka naman tao?" Pang-aasar ni Jessica. Binatukan naman siya ni Raine.

"Baliw! Kailan pa naging tao ang ulap?"-Raine.

"Aray ko naman. Ginaya lng naman kita, so ibig bang sabihin na baliw ka rin? Tsaka ulap? Diba yan yung sa langit?" Inosente na tanong ni Jessica.

"Ulap? Sa langit? Akala ko yan yung kinakain, yung cloud 9"- Raine.

"Ang lakas mong makasabi ng baliw kay Jessica eh ganun ka din naman" pag-sali ko sa kanila. Hindi ko na kasi kaya, pareho lng naman sila eh, parehong baliw.

"Tama si Yuki! Baliw ka din, pareho lng tayo. At yung cloud 9, like duh?  yan kaya yung feeling pag sobrang saya mo"-Jessica

"Yung, kapag nakikita mo yung crush mo?"- Raine

"Oo. Speaking of crush, magka aminan nga tayong tatlo"-Jessica.

"Aminan saan?"-Raine.

"Malamang sa mga crush natin"

"Nasan na ang utak mo at parang naiwan mo yata sa classroom. Teka, babalikan ko lng"-Jessica.
Binatukan ulit sya ni Raine.

"Aba'y pangalawa mo na yan!"-Jessica.

"Hindi mo kasi ginagamit utak mo ngayon. Nandito naman kasi yung utak ko, yung naiwan lng ay yung puso ko. Nagpaiwan pa kasi, nasanay na kay Suho"-Raine.

"Alam mo, umiiba ka kapag si Suho na ang pinag-uusapan"

"Oo nga. Nagiging malalim ka. I mean, figuratively" sabi ni Jessica tapos ay kumain.

"Tutal sinabi ko na rin naman ang sa akin, ibig sabihin kayo na lng"-Raine

"Anong ibig mong sabihin?"

"Diba sabi ni Jessica na magka aminan na tayo ng mga crush natin? Ayun na, si Suho yung sa akin"-Raine.

"Ang daya naman, dapat hindi yung mga celebrities. Yung mga ka edad lng natin or yung mga 3 years ahead sa atin"-Jessica

"Oo nga. Kung ganyan na rin naman, si Darren na ang sa akin"

"Hindi nga! Dapat yung kakilala natin. Yung nag eexist. Bawal yung mga imaginary o fictional characters"-Jessica.

"Kahit ang sa anime?"- Raine.

"Oo. Kahit yan"- Jessica.

"Ok. Sa akin ay yung si Eziekel"- Raine. Nalaglag ko naman yung popcorn na kinakain ko. Nawindang ako doon ah.

"Ha? Sinabi mo agad? Wala man lng bang clues muna or pakipot mo man lng? Diretso agad?"-Jessica.

"Ayaw mo nun? Mabuti na nga 'yon hindi nyo na kailangang mahirapan"-Raine.

 The Best YearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon