Chapter 2: Two girls

11 0 0
                                    

Yuki's POV

"So ano na?" tanong niya sa akin.

"Anong so ano na?" tanong ko naman sa kanya. Asar ko.

"Ano ka ba naman Ashie" naiirita niya na saad.

"Bumalik na lng kaya tayo sa mga classroom natin"

"Sige kita na lng tayo mamayang lunch break sa cafeteria. My treat" sabi niya sabay wink at alis.

Pumasok ako ng classroom na naka ngiti. Nakangiti dahil mararanasan ko na rin ang mga nangyayari sa wattpad, yung kakain sa cafeteria tapos treat niya pa. Isa pa, may nag offer na naman sa amin. Expected na namin yun noon pa man.

"So what did the dean told you" tanong ni miss. Wala namang ginagawa ngayon yung mga kaklase ko. Nag kwekwentuhan lng. Kumbaga getting to know each other.

Ako? Ewan mukhang wala silang balak na kausapin ako. Sayang at hindi kami mag kaklase ni Claudio. Pero okay na rin ito, at least walang overprotective na best friend na umaaligid sa akin.

"The Dean is offering me to be an exchange student miss"

"That's a great opportunity. Have you decided about it?"

"Not yet miss. The Dean told me that the school will give us much time to think about it"

"What do you mean by us?"

"Claudio Park of the other section was also asked by the Dean miss"

"I see. You may take your seat"- mukhang magkakabati kami ng teacher ko ah. Maayos 'to.

Umupo na ako. Napansin ko naman ang dalawang babae na naka upo sa magkabila ko.

"Hi anong pangalan mo?" Tanong ng babae sa isa pang babae sa kabila ko.

"Raine" walang emosyon niya na sabi.

"Jessica"sabi naman nung nagtanong. Hyper toh masyado.

"Saan ka nakatira?" Tanong naman ulit ni Jessica kay Raine. Hello? Hindi man lng ba nila ako tatanungin o kakausapin? Hangin na lng ba ang turing nila sa akin.

"Tanungin mo kaya sya" sabi ni Raine sabay tingin kay Jessica tapos sa akin.

"Hi! Ano ang pangalan mo?" Sa wakas ay pinansin rin ako.

"Ashie Saphira Yuki" sagot ko naman sa kanya.

"Ba't ang haba?"

"Ewan. Yun yung binigay sa akin ng mom ko"

"Pwede bang Yuki na lng ang tawag ko sa'yo?"

"Oo naman"

"Class may I have your attention please?" Naudlot naman ang pag-uusap namin nung mag salita si miss.

"This is your homework. Copy this in your notebook. This will be the first and last time that I will notify you about your home works. You must always be alert"

Kinuha ko na ang notebook at ball pen ko. First day of class pa lng may homework agad. Tiningan ko sa kaliwa si Jessica tapos ay kay Raine. Napansin ko naman na parang may hinahanap siya.

"May nawawala ka?"

Tiningnan naman niya ako at tumango. Mabait naman pala siya.

"Nawawala ang ballpen ko"

"Heto oh" pag sali ni Jessica sa usapan at inabutan si Raine ng ball pen.

"Salamat" sabi ni Raine kay Jessica.

"So friends?"- Jessica

"Friends"- Raine

"Sali ka rin Yuki"

 The Best YearsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora