Special Chapter 5 (Part 2)

2.1K 48 6
                                    


A/n: NOTE: Originally, spoiler dapat 'to ng Book 3, kaso hindi ko na po itutuloy ang Book 2-5 ng story na 'to, and wala na pong series na mangyayari. But don't worry, hindi ko ide-delete ang special chapters. 'Yun nga lang, hindi na sila spoilers ng future stories ko, special chapters na lang talaga sila ng Mom for Hire, that's also why I will now make Special Chapter 5 part 1 and 2 public. ^_^

---


Angela's POV

"Angela, gusto mong sumama sa'min? Small get-together lang since kakatapos lang ng first week ng school year na 'to." tanong ni Janelle, 'yung classmate ko.

"No, thanks." sabi ko, then binigyan ko siya ng tipid na ngiti.

"Sure ka?"


I just nodded as an answer. Umalis na sila after that. Ako naman, bumalik na sa tina-type ko sa laptop ko.


Maya-maya...


"ANGGE!"


Napatalon ako sa kinauupuan ko nang may tumusok sa tagiliran ko.


Lumingon ako sa likod ko at nakita ang nakangising mukha ni Mariah unnie.

"What?" I asked.

"Hmm... Nakita ko 'yung mga kausap mo kaninang mga babae. I guess you turned them down again, huh?"

"Yeah unnie. You know that I don't socialize, right?"

She rolled her eyes, then she sighed. "I know. Angela Chen, the wallflower."


*beep* *beep*


Napatingin kami sa kotseng tumigil sa harapan namin.

"Oh, ayan na pala si Dad. Let's go unnie."


Niligpit ko na 'yung mga gamit ko, then nauna na akong sumakay sa car. Kukulitin na naman ako ni unnie about sa pagiging 'wallflower' ko.


"Daddy!"


Niyakap ko agad siya pagkapasok ko ng kotse. Dito ako umupo sa passenger's seat para malapit ako kay Daddy.

"Hi baby. How's school?"

"Hmm... It's fine." sagot ko.

"Weh? Dad, 'wag kang maniwala kay Angge! Kung ako ang tatanungin, ang boooring ng araw niya!" singit ni Mariah unnie na nasa backseat na pala.

"Well, I already knew that when she said 'fine', that means the usual boring day for her."

I pouted. "Daddy!"


Kinurot niya ako sa pisngi. Isang side lang kasi nagda-drive siya. But still, ang sakit! >_<

"Ang cute talaga ng baby ko!" Waahh. Lagi na lang akong pinanggigigilan ni Dad nang ganito.

"Baby? Baka baby damulag!" pang-aasar sa'kin ni unnie.


Nagkulitan pa kami nang nagkulitan habang nasa daan. Naku, kung kasama namin si Mommy baka narindi na 'yun sa'min dahil ang iingay namin, lalo na si Mariah unnie.

Mom For HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon