Chapter 33: Adjustments

5.9K 171 22
                                    

Yuri's POV

Gusto kong maluha dahil sa nasasaksihan ko ngayon. Ganito din kaya ang pakiramdam kung.....kung babalikan niya ako? Matapos niya akong iwan dati, yayakapin ko ba siya kapag nagkita kami?

Mom.....


Humiwalay si Jiwon sa pagkakayakap kay Jiyanne.

"W-who's my real daddy?" tanong sa kanya nito

Nginitian niya ang anak niya, pero halata pa rin sa mata niya ang lungkot. I guess, hindi makukumpleto ang pamilya nila kung wala ang ama. Wala naman akong idea kung anong status nina Jiyanne at Liam.

"H-he'll be here soon. Maybe...." tanging sagot ni Jiyanne

Will Jiwon have a broken family, too?


To make things clear for you, nakabalik na ulit kami ni Jungkook dito sa Seoul kasama sina Jiyanne at Jiwon. After two days ng pag-iisip kung paano ipapaalam kay Jiwon ang lahat, finally, nagawa na naman namin. Phew. Mahirap din yun ah. Bata kasi si Jiwon at hindi pa siya madaling makaintindi ng mga ganitong bagay.

Buti na lang talaga naintindihan niya. Noong una, hindi agad siya naniwala at pinilit na kami daw ni Jungkook ang real parents niya. Alam niyo na, normal na reaksyon ng bata sa ganitong mga pagkakataon. Basta, hindi ko na ide-detalye ang madugong paliwanagan na 'yon. All in all, maganda naman ang kinalabasan.


At ngayon nga, pinapanood namin ang makabagbag-damdaming eksena ng mag-ina. Gabi na at kanina pa kami natapos sa sinasabi kong 'paliwanagan'. Now, I guess, they're taking their time para mag-bonding, and well, para mag-question and answer portion na din. We understand that they have a lot of catching up to do.


"Eoma, I'm sleepy."

One more thing, Jiwon insisted 'Eoma and Appa' for her real parents, while she'll still call us Mommy and Daddy. How sweet.


"Would you like her to come with you?" Jungkook asked

"C-can she?"

We both smiled at her.

"Sure. You have all the rights."

Hinatid namin sila hanggang sa labas ng dorm. Kahit nakaalis na sila, nag-stay muna kaming dalawa dito sa labas. *sigh* I'll surely miss sleeping beside Jiwon.

But what else can we do? According to our family lawyer, totoo ang sinabi ni Jiyanne. Sa kanya na ngayon ang lahat ng karapatan kay Jiwon. Jungkook and I accepted that fact already. Alam naman naming darating ang araw na 'to. Hindi habang buhay ang pagiging parents namin kay Jiwon dahil may ibang taong itinalaga para gampanan ang role na 'yon sa kanya.


"Let's just make our own child." sabi ni Jungkook sa gitna ng katahimikan

Malakas na batok ang natanggap niya mula sa akin dahil doon.

"Heh! Gumawa ka mag-isa mo!"

"Yuri naman, alam mong imposible 'yon. Sa paggawa ng baby, kailangan ng teamwork."

Binatukan ko ulit siya ng mas malakas.

"Makipag-teamwork ka sa aso! Che!" sabi ko saka tumakbo papasok ng dorm. May manyakis ho sa labas at nanganganib ang katawan ko. =___=

---


Nakatitig lang kaming lahat ngayon kay Jiwon na masayang naglalaro ng Xbox kasama si Hoseok oppa. Nandito nga pala sila ni Jiyanne ngayon dahil namimiss niya na daw kami. Nakakapagtaka lang dahil halos araw-araw naman silang pumupunta dito. :/

Mom For HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon