Chapter 13: Confrontation

9K 260 15
                                    

Jungkook's POV

"So si Riri pala ay si Yuri?" tanong ni Suga hyung na kakadating lang dito sa tambayan namin. We're still here in Busan. At ngayon, pinilit ako ng mga hyung ko na magkaroon ng 'discussion'.

I nodded. Noong magkakilala kaming lahat, kinuwento ko na sa kanila ang tungkol sa childhood friend kong si Riri. Kaya ngayon, nakakarelate sila sa mga pangyayari.

"Uyyy~ Destiny!" pang-aasar ni Jimin hyung. I just glared at him.

"Kung naaalala na niya ang tungkol sa'yo at kung anong meron kayo dati, sa tingin mo naaalala na din niya ang kapatid niya?"-V hyung

Natigilan kaming lahat dahil sa tanong niya. Nalimutan ko ang tungkol doon ah. Hindi nga lang pala ako ang nalimutan ni Yuri, pati na din yung nakababatang kapatid niya. Sabi kasi ni Uncle Henry, nagkasundo daw sila ni Aunt Yu Jin (Yuri's Mom) na sa paghihiwalay nila, tig-isa sila ng anak na isasama. Kaya noon, yung kapatid ni Yuri na hindi ko naman ka-close ang naiwan sa Seoul, habang siya, kasama ng Dad niya sa China.

"Haha! Ano kayang magiging reaksyon ni Yuri? Naalala ko noong huli nilang pagkikita, mukhang ang init ng dugo nila sa isa't isa!"-Hobi hyung

"Oo nga! Paano kaya pag naalala na ni Yuri na kapatid niya si Yura?"-Namjoon hyung

"At paano na kapag nakilala ni Yura si Yuri bilang ang eoni Yui niya na miss na miss na niya daw??"-Jin hyung

Oo tama ang nabasa niyo. Si Yura ang tinutukoy kong kapatid ni Yuri. Kim Yuri and Kim Yura. Jin Yuri Chen and Jin Yura Chen. Siguro naman malinaw na sa inyo ngayon.

--

Yuri's POV

Okayyy.... Nasaan ba ako ngayon? Ahh... Nandito ako sa hotel kung saan pansamantalang naka-check in si Dad at Dana. Nandito pa rin kasi sila sa Busan. Well, mabuti naman dahil marami akong gustong itanong kay Dad!

"Daaaaaaaaad! Sige na naman please! Kahit isang oras lang ang hiramin ko sa'yooooo. Gusto mo ba akong mabaliw sa kakaisip sa mga tanong na hinahanapan ko ng sagot??" pangungulit ko sa kanya habang hinahawi palayo yung isang tambak na papeles na nakapatong sa mesa. Hanggang dito ba naman trabaho pa din??

Eto namang mahal kong ama, ang lakas maka-dedma! Bingi-bingihan?!

"Bakit niyo ako in-engage kay Jungkook? Bakit hinayaan niyong malimutan ko ang ilang mahahalagang tao sa buhay ko noong bata pa ako? Isa pa, bakit niyo ako in-engage kay Jungkook? Para saan ba talaga yung contract? At higit sa lahat, bakit niyo ako in-engage kay Jungkook???!?" sunud-sunod na tanong ko. And there! Finally! Nakuha ko din ang atensyon niya!

Inalis niya ang reading glasses niya. Bumuntong hininga siya bago humarap sa akin.

"Una, matagal na kayong engaged ni Jungkook, ngayon lang nag-engagement party. Pangalawa, masyado ka pang bata noon kaya hinayaan ko na lang ang gusto mong isipin, malay mo ba sa tama at mali noong panahon na 'yon?? At pangatlo, yung contract ay paraan namin nina Jeongwon at Minah para maalala mo ang mga nakalimutan mo." tuluy-tuloy na sagot niya sa akin tapos bumalik na ulit siya sa ginagawa niya

"ANO?? Matagal na kaming engaged ni Jungkook?! Bakit? Kelan? Saan? Paanooooo???"

"Sa pagkakatanda ko, bago ka mahimatay kahapon sa party, naabutan mo pa yung part sa video na nagpropose sa'yo si Jj, at tinanggap mo iyon. Kaya 7 years old ka palang, engaged ka na sa kanya. Yan mismong singsing na suot mo ay bigay niya sa'yo twelve years ago nang magpropose siya."

Dahil sa sinabi ni Dad, bigla nagplay sa utak ko yung huling scene sa video na naalala ko bago ako mawalan ng malay.

"Will you marry me, Riri?"

Mom For HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon