Chapter 3: Hello Seoul!

13.5K 348 28
                                    

Yuri's POV


Eto na yung araw na aalis na kami papuntang Seoul. Malditang bata talaga yun! Ako ang pinagdala nung backpack niyang punung-puno lang naman ng mga makeup niya! Tss. Batang-bata pa, gumaganon na eh. Dahil maldita rin ako, sinilid ko na lang yung backpack niya kasama ng gamit ng Dad niya. Psh.


Sa private plane kami sasakay. Sa aming mayayaman, hindi uso pumunta sa airport kung kasya naman sa harap ng mansion ang eroplano. Isa pa, baka daw kasi pagkaguluhan si Jungkook ng fangirls niya. Asa naman. Ang laki din ng ulo ng isang 'yun eh.


"Dad you'll sit beside me right?"-Jiwon

"Of course, baby."-Jungkook


Hanggang ngayon, hindi ko pa rin naririnig mag-Tagalog yang batang yan. Pero nakakaintindi naman siya. Nabanggit sakin ni Aunt Minah na 5 years old na pala siya, tapos si Jungkook 20 years old. So bale 15 si Jungkook nung magkaanak siya. Tss. Bumabagito ang gago. =___=


Sa loob nung private plane, may dalawang magkahiwalay na kwarto pala. Magkasama sa kabila sina Auntie at Uncle (Jungkook's Mom and Dad). Tapos dito naman sa isa, magkakasama kaming tatlo, ako, si Jungkook, at si Jiwon.


Hindi naman talaga 'to literally na isang kwarto. Wala namang kama eh. May dalawang mahabang sofa at dalawang single sofa tapos may rectangular glass table sa gitna. May television. May ref din para sa pagkain. Tapos may cr pa.


Pagkalapag ko ng mga gamit, humiga agad ako dun sa isang mahabang sofa. Nasa katapat ko naman na sofa yung mag-ama. Tss. Bahala sila dyan. Gusto kong matulog eh. Pero bago pa man ako makatulog, may nagbato sakin ng unan. Pagtingin ko sa mag-ama, parehong nakaiwas sila ng tingin habang nakangisi.


=___=


Binato ko pabalik sa kanila yung unan. Nasalo yun ni Jungkook at ibabato na niya sana sakin kaso....


"Wait... Wait.... I don't like our setup. Hey Yuri, if you're really my Mom, then why don't you sit beside Dad?"


Andami mong alam na bata ka. Jusko. =___= BTW, ayaw niya pang maniwala na ako ang 'nanay' niya eh. Kaya Yuri ang tawag niya sakin.


Walang imik na lang ako na lumipat sa tabi nilang mag-ama. Dun ako sa kabilang side niya umupo kaya nasa gitna namin siya ni Jungkook.


"Great. Now we look like a real family. Right Dad?"

Tinanguan lang siya ni Jungkook. Mukha siyang masusuka na ewan. Kapal din ng mukha nitong kupal na 'to. Para namang gusto ko din 'tong posisyon na 'to. =___=


Binuksan ni Jiwon yung tv. Saktong pagbukas niya, may babae at lalaking malapit nang magkiss. Palapit na kasi ng palapit ang mukha nila sa isa't isa. Tinakpan naman agad ni Jungkook ang mata ng anak niya. Nilipat ko na sa ibang channel yung tv. Nakahinga kami ng maluwag pareho.


"Ohhh... Why don't you do it too Dad and Yuri?"-Jiwon, na nakangiti ng nakakaloko

"Alin?"-kami ni Jungkook

Mom For HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon