"Wag mo ng alamin. Pero kailangan natin ireport 'to" sagot ni Brix

"Sige pre samahan kita" sabi ni Patrick

"Riza pumasok na kayo sa loob bilisan nyo at wag na wag kayong lalabas ok?" Utos ni Brix

"O-ok, tara na Alexis" sabi ni Riza kaya pumasok na kami, agad naman naming nilock yung pinto.

Pumunta ako sa kwarto ko at umupo sa kama.

"Alexis ano bang ng yayari? Ano ba yung nakita mo? Bakit biglang nataranta si Brix?" Sunod sunod nyang tanong

"Wag mo ng alimin yung nakita ko" sagot ko sa kanya

"Alexis naman, hindi pwdeng wala akong alam dito. Barkada tayo diba?" Tumingin ako sa kanya, tiningnan ko sya ng seryoso.

"Riza... Sige sasabihin ko kung ano yun" napabuntong hininga ako "Nakita ko sa box ay isang... Ma-mata, para syang dinukot sa isang tao. Nakakadiri sya dahil may dugo pa tapos---"

"Tama na, oo na may nakita kang mata oo, mata yung nakita mo na dinukot sa isang tao" putol nya sa sinasabi ko. Halatang nasusuka sya sa sinasabi ko.

Miski ako nasusuka sa nakita ko, nakakadiri sya dahil parang may mga uod pa yung mata at nadugo dugo pa.

"Grabe na tong ng yayari. Mas grabe kesa nuon, dati robot lang yung kalaban natin. Pero ngayon sya na mismo" sabi ko

"Tama ka, at siguro kaya S yung nakalagay kung saan ng galing yun kasi Sebastian ang totoo nyang pangalan. S for Sebastian" hinawakan ko yung kamay nya.

"Bumalik na ata talaga sya" natatakot kong sabi.

"Wag ka ng mag alala Alexis nandito lang kami nila Patrick para sayo" sabi nya at niyakap nya ako. Alam ko kahit di nya ipahalata, alam kong natatakot din sya sa ng yayari.

___

Brix POV

"Sir pasensya na po talaga, hindi ko po talaga alam kung sino may dala nyan" sabi nung guard.

"Pasensya?! Nakikita mo ba ito ha?! Nakakadiri diba! Tapos sasabihin mo di mo alam kung sino may gawa nito?!" Inis na inis kong sabi, nung buksan 'to ni Alexis, nakatingin din ako. Miski ako nandiri sa nakita ko.

"Pwde ba namin makita yung kuha ng cctv?" Tanong ni Patrick.

"Sige po sir, itatawag ko lang po para masamahan kayo" sabi nya tapos nag radio na sya.

"Makakapatay ako nito eh! Nakakagigil!" Mahina kong sabi

"Easy lang pre" tinapik ni Patrick yung balikat ko.

"Sir ito na po sya, sasamahan nya po kayo" sabi nung guard nung dumating yung isa pang guard.

"Sige tara na" sabi ko kaya nag lakad na kami.

Pag dating namin sa isang room. Pinanuod agad namin yung kuha ng cctv.

"Ayun oh, mag kaparehas yung kahon na hawak nya. Sa kahon na hawak namin ngayon" turo ko sa lalaking pumasok. Naka woodie jacket sya kaya hindi makita ng cctv yung muka nya.

"Paki zoom po" sabi ni Patrick. Pag zoom ng kuha, hindi parin makita yung muka nya dahil kayuko sya.

"Badtrip! Ang utak nya!" Inis kong sabi.

"Sir gusto nyo bang ireport po namin 'to?" Sabi nung guard.

"Syempre anong gusto nyong gawin ha?! At isa pa kailangan namin ng guard sa 5th floor na mag iikot dun, dahil oras na may mang yari saming masama kasalanan nyo yun kasi di kayo nag iingat" binigay namin sa kanya yung kahon. "Ilibing mo yan!" Sabi ko sa kanya at umalis na ako.

...

Bumalik na kami ni Brix sa room namin. Bago kami pumasok, nakita ko si Sixto.

"Brix" tawag nya sakin, napatingin sya sa room namin. "Dyan ba kayo? Malapit lang pala sa room ko"

"Anong kailangan mo?" Tanong ko sa kanya

"Nothing, pero bakit nag cutting kayo?"

"Wala kana dun" sabi ko at pumasok na ako sa loob. Sumunod naman sakin si Patrick.

"Ano nalaman nyo ba kung sino may gawa nito?" Tanong agad ni Alexis.

"Hindi eh, hindi maaninag yung muka nya sa cctv" sagot ko. Alam kong na disappoint sya sa sagot ko.

"Paano na ngayon yan? Paano tayo makakasigurado na ligtas tayo dito?

"Nag sabi na ako sa kanila na kailangan natin ng guard na mag iikot dito. Kaya wag kana mag alala ok" sabi ko, tumango naman sya. "May kailangan lang akong tawagan"

"Sino?" Tanong nila.

"Si Jason. Dahil kung si Marco nga talaga yung ng gugulo satin ngayon kailangan nya yun malaman para makapag ingat din sya" sagot ko

"Sigurado ako na malaki din ang galit ni Marco sa kanya dahil nag tangka syang iligtas tayo nuon" sabi ni Patrick

"Sige na tawagan mo na sya" sabi ni Alexis kaya tinawagan ko na si Jason.

Nakailang ring din bago nya sagutin.

"Pre nasaan ka?" Sabi ko

-"nasa bahay ako bakit?"

"Kailangan natin mag kita pre"

-"bakit may problema ba?"

"Oo pre, malaki"

-"ano naman yun?"

"Pre kasi---" di ko na natapos yung sasabihin ko ng bigla syang sumigaw

-"AAAAHHHH!"

"Pre bakit? Anong problema pre!" Pag aalala kong tanong, napatingin tuloy sila saking tatlo at parang nag aalala na din.

-"AAAHHH! TAMA NA! ARAAAYYY!" sigaw nya pag tapos parang nabitawan nya yung cellphone nya

"JASON! JASON SUMAGOT KA! ANO BANG NG YAYARI DYAN?!" Sabi ko, pero di na sya nasagot. Tiningnan ko yung cellphone ko pero di pa naman nag eend call.

"Ano bang ng yayari?" Pag aalang tanong ni Riza

"Hindi ko alam bigla nalang syang nag sisigaw" sagot ko.

"JASON SUMAGOT KA NANDYAN KA PA BA?"

-"wala na sya, patay na at dahil tapos na sya. Isusunod ko na kayo" ang hinhin ng boses nya, pero alam ko kung kaninong boses yun. Hindi ako pwdeng mag kamali!

"Marco!" Galit kong sabi. Kung ganun bumalik na nga sya!

...

Ang Kanyang Pag Babalik!Where stories live. Discover now