Clearly Caleb was just taking her for granted. Hindi naman siya nito pinahahalagahan. Mas gusto pa nitong maging knight in shining armor ng isang prinsesang feel na feel ang pagkakaupo sa tasa kaysa ang makasama siya.

She sighed. Hindi naman siya galit kay Jin Hye, naiintindihan naman niya ang sitwasyon nito ang problema lang hindi niya kasi kayang makita na tinitingnan nito ni Caleb sa ganoong paraan. Hindi kasi niya maialis sa isip niya na naging asawa ito ni Caleb – nagsama sila.

Insecurity nga siguro ang nararamdaman niya – pero karapatan niya iyon. Ang problema naman imbes na gamutin ni Caleb ang insecurity niya at magpaliwanag ito sa kanya, mas pinili pa nitong samahan si Jin Hye noong mga panahong hinihintay niya ito. She sighed. Sa huli pinatay na lang niya ang radio kasi lahat ng station, kung hindi The Pastels ang tugtog, kanta naman na nagpapaalala sa kanya dito.

Nang lumuwag ang trapiko ay saka niya pinasibad ng mabilis ang sasakyan. After almost half an hour. Inihinto niya ang sasakyan sa tapat ng apartment niya. Nang makababa siya ay saka lang niya napansin ang isang itim na SUV na nakatapat naman sa kabilang pinto. Hindi niya pinansin iyon pero nakita niyang bumukas ang pinto noon.

Tumalikod siya, papasok na siya sa loob ng gate nang marinig niya ang kanyang pangalan.

"Aiko."

She looked back and her mouth parted when she saw Jin Hye walking towards her. She was smiling. Wala na ang confusion sa mga mata nito – hindi tulad noong huli niya itong nakita. Jin Hye smiled at her.

"Can we talk?" She asked. She took a deep breath. Tao itong nagpunta sa kanya kaya tao niya itong tatanggapin.

"Pasok ka." Sabi niya. Sumunod ito sa kanya. Binuksan niya ang bahay niya at saka pinatuloy ito. Pinaupo niya ito sa sofa at saka inalok nang maiinom.

"Okay lang, gusto sana kitang makausap." Sabi nito. She sighed again. Hindi niya kahit kailan naisip na darating sap unto na makakaharap niya ang babaeng naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Caleb noon. She was smiling. Nagtataka tuloy siya. Ano bang nakakatawa at ngiting-ngiti ito.  

"Totoo pala iyong sinasabi ni Caleb." Panimula nito. "Ang ganda-ganda mo."

She felt her cheeks turned red. Jin Hye smiled even more.

"Ano bang ginagawa mo dito?" Tanong niya.

"I gained my memories back." She was still smiling. "And I gained back the love of the man I remembered which is the gray eyed one not brown eyes." Sabi nito. She took a deep breath. Bumalik nap ala ang alaala ni Jin Hye, pero bakit hindi pa rin siya pinupuntahan ni Caleb ngayon? Ipinilig niya ang kanyang ulo. Bakit naman siya pupuntahan ni Caleb? Break na nga sila.

"Good for you." Sabi niya dito. Jin Hye took her hand.

"Aiko, hindi ko ginustong pakasalan ang lalaking mahal mo. Back then, I was so young, I didn't have a choice. Alam mo naman siguro kung anong tradisyon ng mga Koreans. I couldn't say no to my dad and because of our marriage – I have hurt Calen and I have hurt you."

Binawi niya ang kamay niya dito.

"Ano bang gusto mong sabihin?" She felt uncomfortable. Jin Hye smile again.

"You can have Caleb now. Kahit kailan naman hindi ko siya minahal." Cool na cool na sabi nito. Naikuyom niya ang kanyang palad. Ganoon? She can have Caleb now dahil lang sa hindi nito minahal ang lalaking mahal niya? Ganoon kadali? Parang nagbibigay lang ito ng laruan.

The oneWhere stories live. Discover now