6. All that they needed to know

28.2K 532 22
                                    

"So what happened yesterday?"

Si Jenny naman ang kaharapni Aiko ngayon. She sighed. Parang gusto niyang pagsisihan ang ginawa niyang pag-amin kay Ella kahaponsaloob ng sasakyan niya. Sigurado siya na alam na ni Jenny ang totoo. Ella doesn't keep anything from Jenny – halos magkapatidna kasi talaga ang turingan nila sa isa't-isa. They had been through a lot together, Jenny, Ella and her, they had experienced things people couldn't think about, ang pinakamalaking pagsubok nga nanangyari sa kanila ay nito lang nakaraang taon kung kalian muntik nang mawala ng tuluyan si Ella.

"Wala naman..." wika niya. They were inside Jenny and Trey's future home, naglilipatna kasi ng gamit ang dalawa at dahil walang pasok ay tinulungan niya si Jenny, hindi naman niya inaasahan na iko-corner siya nito. She just sighed. Jenny knows, sigurado siya doon.

"Ano nga kasi?" Jenny pushed through, Ngumuso siya. Walana rin naman siyang magagawa, sasabihin na rin niya dito. Alam naman niyang alam nanito ang totoo.

"I was crazy enough to believe that Caleb wanted to see me that's why I came to the hospital."

"So totoo, ex mo nga si Caleb?" she said. Napatingin siya sa kanyang kaibigan.

"Alam mo na iyon diba?Kailangan pa talagangitanong?"

Jenny shook her head.

A week ago, Caleb said that he needed to move on from her, mukhangnagawa naman nito iyon. Pero siya naman ngayon ang hindi – iyong akala niya na okay na siya, saka naman niya naisip na mas messed up pa siya kaysa kay Caleb dahil heto siya at nagsisisi sa ginawa niya noon. Pero wala naman siyang choice. Kung hindi niya hiniwalayan si Caleb noon, maaaring nawala naman dito ang mga bagay na gusto nito – at isa na roon ang musika.

Siguro nga kasalanan niya, pero siya lang ba talaga?

Bumalik naman siya.

Binalikan niya ito nang maisip niya namali ang kanyang desisyon at nais niya itong makasama pero huli na.

She was never a risk taker but because of the love she feels for Caleb, she took the risk of getting hurt and she came back for him.

She came back.

Akala kasi niya ay may babalikan pa siya.

"Hoy! Aiko, snap out of it!"

"You asked me." She sighed, "Remember the time when you asked me kungano pa ang gusto ko." She crossed her arms. "Hindi naman ganoon kadali iyon, Kitchie. Hindi ito fairy tale ni Jasmine at ni Aladdin na kapag lumabas iyong genie okay na iyong lahat. Hindi kopwedengsabihin na lang basta ang gusto ko."

"Pero mahal ka daw niya – sabi sa mga kanta." Jenny smiled. She shook her head. She planned on listening to The Pastels' first ever album pero natatakot siya kasi baka kapag napakinggan niya iyon, baka mamaya lalo niyang maisip na mali talaga siya.

"That's so hard to believe."

"Oo nga, even Trey thinks like me too. When I told him about you and Caleb ang sabi niya, ikaw iyong shining star."

Shining star?

Bakit alam ni Jenny ang tungkol sa bagay na iyon? Hindi naman niya sinabi kay Ella ang tungkoldoon pero bakit alam ni Jenny?

"It's in the album. First single nila iyon. Mahal ka niya..."

"Ahh! Pwede ba? Stop making me realize how bad my decisions were! I never wanted to leave Caleb in the first place! Kinailangan ko lang siyang iwan dahil ayokong masira ang buhay ni Mama!"

Napatayo siya. Jenny looked shocked. She wiped her tears. Hindi siya makapaniwalananaisalabi na niya ang matagal na niyang agam-agam.

"Mama?Anong kinalaman ng mama mo dito?" Jenny asked. Umiling siya. She took her bag and turned away. Ayaw niyang pag-usapan ang bagay na iyon, ni ayaw na niyang maalala. That memory alone was enough to bring back the heartaches of yesterday and yet, as she leaves Jenny's house, she couldn't stop thinking about it.

The oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon