5. Uncertainties

29.7K 603 38
                                    

"Bakit para kang monument ng five hundred diyan?"

Napatingin si Aiko kay Jenny nang marinig niya itong magsalita. She just sighed. She was silently wondering kung tulad ba niya ay nagkakaroon din ito ng problema sa fiancé nito ngayon na si Trey. But then – she stared at Jenny and by just looking at her, she already knew that her friend is perfectly happy with Trey. She sighed again. Ano kayang sekreto ng mga ito? Why are they happy? Why isn't she happy? All she wanted before was to find someone whom she could share her happiness with, pero noong akala niyang nangyari na, saka naman nawala.

Noong araw na kinausap siya ni Caleb, noon niya nasiguro na hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya – hindi dahil sa iniwan niya ito o dahil sa hindi ito tumupad sa pangako nito sa kanya kundi dahil sa katotohanan na hinintay siya nito. She didn't want to believe Caleb, gusto nitong maniwala siya na hinintay siya nito samantalang nagpakasal ito sa babaeng iyon?

But then he sounded sincere...

"Aiko!" Kinalampag ni Jenny ang mesa, nagulat siya, she looked up at her and smiled. She wanted to tell Jenny the reason behind her sadness, but then she wasn't sure if she could understand. Jenny didn't know about Caleb – no one knew about that Chapter in her life – not even Ella. Naisip niya kasi na huwag na lamang sabihin sa mga ito ang nangyari noon. What she had with Caleb was special pero hindi naman ito nagtagal.

She met Caleb when she was still a freshman, noong mga panahong iyon, third year na si Caleb, kaya sila nagkakilala ay dahil pareho sila ng organization, Caleb was one of the officers, siya naman ay isa sa mga members.

Noong una ay halos hindi siya nito napapansin, while she was very aware of him. Caleb seemed to be oblivious of her – talagang hindi siya nito mapapansin, that time Caleb was in a relationship with one of the most beautiful girl in the campus.

But then, things started changing, na-realize niya na lang na palagi na niya itong kausap, she just found herself always having coffee with him, minsan pa nga ay hinahatid at hinintay pa siya nito. She thought that he was just being nice to her but then, he said the L word and that changed the things between them.

What she had with him was unforgettable. Ang buong akala niya talaga ay si Caleb ang lalaking pupuno sa pangarap niya, pero katulad ng lahat ng istorya, may kontrabida and dahil sa kontrabida na iyon ay kinailangan niyang iwan si Caleb.

Naniwala siya na sa oras na iwan niya ito ay makakabuti iyon para sa kanila.

Nangyari naman iyon.

Caleb's dreams came true. He and his band had already made a name I the music industry, he had a successful career and the most important thing is, he had a very beautiful Korean wife.

Things in Caleb's life took off when she left him.

Habang siya ay nalulungkot, nasasaktan at nagmumuni-muni, si Caleb naman ay masaya – kung kaya't hindi niya maintindihan kung bakit pinagsalitaan siya nito ng ganoon nang nakaraang araw.

"Aiko? Ano bang nangyayari sa'yo? May sakit ka ba?" Jenny sounded so worried. Nginitian niya lamang ito.

"Wala, okay naman ako." She said. Jenny sat in front of her.

"Hoy, kilala mo iyong The Pastels diba?" Jenny asked her again. Nakadama siya ng kaba. Bakit siya tinatanong ni Jenny ng ganoon? Alam nab a nito ang nangyari sa kanila ni Caleb noon? Did somebody told her? Did Caleb say something to her friend?

"W-why?"

"Alam mo ba? Nabaril iyong kambal."

Her mouth parted with horror.

Nabaril iyong kambal.

Was Jenny talking about Calen and Caleb?

"S-sinong kambal?"

The oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon