14. When there was me and you

24.4K 514 30
                                    

Aiko couldn't sleep that night. She really felt like crying pero hindi siya iiyak nang dahil lang kay Caleb. She didn't want to waste her tears just because of that reason alone. She sighed. Hindi talaga siya makatulog. Lumabas siya ng silid nita at saka pumunta sa silid nila Ella. She was about to knock on the door but she changed her mind. Naisip niya nab aka mas gusto nga naman ni Ella na makasama si Nathan ngayon. Isa pa, nakakahiya naman kay Nathan. She sighed. Tahimik na lang siyang lumabas ng cottage at saka nagpasyang maglakad-lakad.

Bago umalis ay tiningnan niya ang cottage sa tapat nila. Bukas pa ang ilaw sa loob. Bigla ay naisip niyang puntahan si Caleb para mag-sorry pero matigas ang ulo niya, bakit naman siya magso-sorry?

She walked the other way but she stopped dead when she saw Caleb and Jin Hye walking her way. They were laughing. Nakaakbay pa dito si Caleb at mukhang masayang-masaya. Nawala lang ang ngiti nito nang mapatingin ito sa kanya. Agad nitong tinanggal ang kamay nito kay Jin Hye.

"Aiko..."

Naikuyom niya ang palad niya. Bahala na pero galit na galit na siya. Inilang hakbang niya ang mga ito at nang katapat na niya si Jin Hye ay nginitian niya ito.

"Joesonghabnida." Mariing wika niya kay Jin Hye tapos ay hinablot niya ang buhok nito.

"Ah!" Daing nito. Sinabunutan niya si Jin Hye. Hinatak niya ang buhok nito.

"Ang tagal-tagal ko na itong gustong gawin sa'yo!" Naiiyak na sabi niya. Hindi na niya kaya. This was just too much. Pakiramdam niya nakadepende sa babaeng ito ang kaligayahan niya. Anong karapatan nitong hawakan ng ganoon ang para sa kanya.

"Ouch! You're hurting me! Please!" Daing nito. Naramdaman niyang hinawakan siya ni Caleb sa baywang.

"Aiko tama na! May amnesia siya!" Sigaw nito. Wala siyang pakialam. Nagliwanag ang paligid. Maya-maya ay nakita niyang naglabasan ang The Pastels at ang mga asawa nito. Agad na sumaklolo si Calen sa babaeng iyon. Pilit nitong inaalis ang kamay niya sa buhok ni Jin Hye.

"Aiko tama na!" Sigaw nito sa kanya. "Huwag mong saktan si Jin Hye!"

"Wala akong pakialam!" Sigaw niya. Pero naialis din ng kambal ang kamay niya. Hawak ni Caleb ang kamay niya habang yakap naman ni Calen si Jin Hye. Inilayo ni Calen si Jin Hye pero wala siyang pakialam dito.

"Aiko ano ka ba?!" Sigaw sa kanya ni Caleb. "May sakit siya."

Nagtiim ang kanyang bagang. Sa galit niya ay sinampal niya si Caleb ng ubod nang lakas.

"Aiko!" Narinig niya si Ella.

"May sakit? May sakit! Lagi na lang siyang tatraruhin na parang prinsesa dahil lang sa sakit niya?! Tang ina mo lang!" Napahikbi na siya. Sinuntok niya ang dibdib nito. "Sana hindi mo na lang ako binalikan! Sana hinayaan mo na lang na ganoon tayong dalawa kesa naman sa nasasaktan ako ngayon!"

Wala na siyang pakialam kung naroon ang mga kaibigan nito para makita ang pagwawala niya. It just hurts so much. Hindi niya pwedeng mahawakan at makasama ang taong mahal niya dahil lang sa may amnesia ito.

"Bakit ba kasi hindi intindihin ang sitwasyon, Aiko!" Sigaw ni Caleb sa kanya.

"Iniintindi ko! Pero hanggang kailan?!" She sobbed. Mukhang natigilan naman si Caleb.

"Aiko..."

"Ayoko nang ganito." She said. "It's supposed to be our story, you're mine, I'm yours pero hindi eh. Selfish na, sige, pero ayoko nang may kahati."

The oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon