10. Memory loss

25.9K 443 19
                                    

Caleb was walking back and forth in the middle of his living room, he was looking at Jin Hye, who was by that time, sitting on the couch while looking at him like he was the most in important person for her. Naguguluhan siya. Ano bang nangyayari? What the hell was Jin Hye doing here? Why was she here? She was supposed to be in Korea where she can be safe, pero nandito ito ngayon at sinasabi nito na mag-asawa sila!

Yes they were married pero na-annul na ang kasal na iyon a year ago bago ito maaksiedente. Kaya ano bang sinasabi nito? He sighed hard. Naupo siya sa couch at saka tinitigan ito.

"Jin Hye why are you here? Dapat nasa Korea ka." Wika niya dito. Jin Hye shook his head.

"I could only remember some things, Caleb, pero alam ko na dapat nandito ako for us. We need to make this marriage work. I love you."

Mas lalo siyang namangha sa mga salitang lumabas sa bibig nito. Mahal siya nito? Pero hindi. Jin Hye never loved him. Iba ang mahal nito at ang taong iyon ay walang iba kung hindi ang kakambal niya.

"Jin Hye, hindi ako iyon, si Ca-"

"Alam kong matagal na tayong wala, Caleb, pero mahal kita at to what I remember, mahal mo rin ako. You were the one who saved me from Madam Won's claws..."

"That's not---!" Tinakpan ni Jin Hye ang kanyang bibig at saka ngumiti.

"Hindi ka pa siguro ready. It's okay. I'll wait for the time na ready ka na para makapagsimula tayo muli." Hindi na nito hinintay ang kanyang sagot. Tumayo ito at saka kinuha ang bag na nakapatong sa coffee table niya. His mouth parted with so much awe.

"I'll go now. I'm staying at the Manila Hotel, I hope you come and see me Caleb. I missed you so much." Yumuko pa ito at saka hinagkan siya sa labi, after that she waved him goodbye and the she left. Sa lahat ng iyon ay nakanganga lang siya. Hindi niya maintindihan ang nangyayari.

Jin Hye is back, she could remember him pero hindi talaga siya ang naaalala nito. He knew for a fact that it wasn't really him. The one that saved her from Madam Won's claws was none other than his brother, si Calen iyon, pero bakit inaakala nito na siya iyon. Napasabunot siya sa kanyang buhok. Gulong-gulo siya. Right when things were in their rightful places, right when he was in that part of his life where he was finally happy with Aiko – the love of his life, saka naman babalik si Jin Hye at sasabihin sa kanya that she wanted to make their marriage work?

Anong gagawin niya?

-----------------------------------------------------

"Wow! Ang laki yata ng ngiti mo Miss Nakashima."

Aiko blushed when Rafael – her colleague greeted her with that tone. Kasalukuyang nasa faculty room siya at napasukan siya nito na tulala. Wala naman siyang problema, masaya nga siya, naiisip niya si Caleb at ang mga nangyari nitong nakaraan, she was just so happy. Hindi niya alam na pwede pa siyang maging masaya at ang lahat ng iyon ay dahil dito.  

"Wala lang..." Nginitian niya si Rafael. Naupo ito sa tabi niya at saka tinitigan siya. She felt her cheeks turned red, napabuntong hininga ito habang titig na titig sa kanya. "Mr. Alvarez, do you know that it is impolite to stare?" She said to him. Naipailing lang ito at saka muli na namang ngumiti.

"Sabi kasi nila, blooming daw ang mga woman in love. I guess you're in love, blooming ka kasi." Tatawa-tawang sabi nito. Napangiti na lang siya. Ganoon na ba ka-obvious? Sabagay hindi na rin naman niya itinatago, mahal naman talaga niya si Caleb at tulad noon, she couldn't see herself loving someone else other than him. Caleb is the air that she breathes at alam niyang pareho lang sila.

"Susunduin ka ba ulit noon? Ang swerte niya sa'yo." Sabi pa nito sa kanya. Hindi na siya nagsalita. Tumingin siya sa relo at saka lalong napangiti. Ilang minuto na lang pala at darating na ang prince charming niya kaya nagsimula na siyang mag-ayos.

The oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon