11. How could you?

24.5K 476 49
                                    

"Babe, hindi kita ulit masusundo ha..."

Napabuntong hininga si Aiko nang marinig niya ang boses ni Caleb sa kabilang linya. Nasa university pa siya noon at hinihintay niya itong sunduin siya pero tulad noong mga nakaraang panahon ay hindi na naman siya nito mapupuntahan. It's not a big deal – really – pero minsan hindi niya maisip na hindi magtampo dito. Noong nakikipag balikan ito sa kanya – ang sabi nito ay araw-araw siya nitong liligawan. She wondered kung nakalimutan na ba ni Caleb iyon? Tapos medyo nagtatampo pa siya dito dahil hindi na rin sila nagkikita tuwing weekend – noon kapag Saturday, umaga pa lang nasa bahay na niya si Caleb – they were catching up for all the times na magkahiwalay sila pero ngayon – maski Sabado o Linggo ay busy na rin ito.

Minsan naiisip niya na nambabae na si Caleb, at kapag ganun na ang nasa isip niya, kinakabahan na siya – saswayin niya ang isip niya – alam niyang mahal siya ni Caleb at hindi siya nito sasaktan. Nangako ito and she was holding on to his promise.

"Okay lang, dala ko iyong kotse." Sabi niya dito saka bumuntong hininga. Natahimik din ito sa kabilang linya.

"Babe, nagtatampo ka?" He asked. She sighed again. Gusto niyang sabihing na oo, na nagtatampo siya dahil pakiramdam niya ay wala na itong oras sa kanya, pero kapag ginawa naman niya iyon, siya naman ang immature at sa estado nila ni Caleb ngayon, ang kailangan nila ay openness, understanding at trust.

"Hindi, ano ka ba?" She laughed. "Paranoid ka masyado. Naiintindihan kong may trabaho ka." Sabi niya dito. Natahimik na naman si Caleb.

"Hindi... hindi mo ba naiisip na baka... baka may i-iba?" He asked her. Napabuntong hininga siya, ipinagwalang bahala niya ang kabang nararamdaman niya.

"May tiwala ako sa'yo." Sabi niya kay Caleb. "Okay? Sige na, baka magalit na sa akin sila Lex, I'm keeping you from them." Tinapos niya ang tawag at saka nag-ayos na rin. Habang pauwi ay hindi niya maiwasang isipin ang huling sinabi ni Caleb sa kanya.

"Hindi... hindi mo ba naiisip na baka... baka may i-iba?"

Ipinilig niya ang kanyang ulo at saka pilit na iwinawaksi ang kaisipang iyon. Hindi siya sasaktan ni Caleb. Mahal siya nito, nagtitiwala siya sa pagmamahal nito sa kanya.

Ito mismo ang nagsabi sa kanya na ayaw na nitong malayo sa kanya. He didn't want to waste another lifetime na hindi sila magkasama. Hindi siya nito sasaktan.

Nakauwi siya sa bahay niya na si Caleb ang iniisip at ang mga huling salitang binitiwan nito. Pinipilit niyang hindi siya sasaktan nito, na kailangan niyang kumalma dahil hindi naman mangyayari ang mga sinasabi nito, hindi talaga. Hindi...

"Hindi ka niya sasaktan, Aiko. Mahal ka niya." Bulong niya sa kanyang sarili habang naglalakad papasok sa kanyang sala.

But somehow, that didn't make her feel better.

------------------------------------------

Caleb wasn't really having the time of his life. Nagi-guilty siya sa nangyayari sa kanya at kay Aiko. Habang si Aiko, nagtitiwala sa kanya, heto siya kasama niya si Jin Hye sa loob ng isang restaurant – they were having dinner. Jine Hye wanted to be with him tonight dahil ang tagal na daw nilang hindi magkasama, she was telling him the things she remembered about him pero sa dami ng sinabi nito ay tatlo lang ang tamang naaalala nito sa kanya.

First was that he was the front man of the pastels. Second was the fact that his twin brother's name is Calen and third is that he had a twelve year old sister named Calsey – iyong ibang sinasabi nito puro si Calen na. He sighed.

Noong minsang kinausap niya si Nathan, itinanong niya dito kung bakit hindi na lang nila sabihin kay Jin Hye ang totoo, he knew for a fact that Jin Hye was still very much in love with his brother ang problema lang ay siya ang naaalala nito – pero si Calen naman ang talagang may-ari ng bawat alaalang nasa isip ni Jin Hye.

The oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon