Chapter 44: He is sick

Magsimula sa umpisa
                                    

Wala pang twenty minutes, nasa unit na ulit ako. Nilapag ko muna sa mesa 'yong nga pinamili ko. Naglagay ako ng maligamgam na tubig sa isang bowl tapos kumuha ako ng maliit na towel pang punas sa katawa ni Caleb.

"Ako nang bahala kay Caleb, pwede ka ng umuwi." Sambit ko.

"Uhm.. I'll just stay here for a while kapag okay na talaga si Caleb."

Nakasandal lang siya sa pinto habang nakatingin siya sa amin. Binasa ko 'yong towel tska ko pinunas sa buong katawan ni Caleb.

"Angel.. mahal na mahal kita.. mag usap tayo please.."

Puro ganyan 'yong naririnig ko kay Caleb. Sa totoo lang, naiiyak ako sa tuwing sinasabi niya 'yon. Naawa ako sakany at isa pa, ramdam ko na totoo 'yong mag sinasabi niya. Mahal pa din pala niya ako.. tama ba talaga ako? Mahal pa nga ba talaga ako ni Caleb? O baka naman masyado lang akong nagiging malambot kaya ito 'yong naiisip ko.

Pagkatapos ko siyang punasan, iniwan ko muna siya kasama si Skie pagkatapos nagluto ko ng mushroom soup. Fifteen minutes lang naman ako nagluto pagkatapos dinala ko 'yon sa kwarto ni Caleb. Nilagay ko siya sa tray kasama 'yong tubig tska gamot.

"Caleb, wake up." Sambit ko. Sinusubukan ko siyang gisingin ng dahan-dahan. "Kailangan mong kumain, iinom ka pa ng gamot." Dahan-dahan niyang minulat 'yong mata niya. Umupo siya habang nakatitig siya sakin. Parang nakakita siya ng multo pero bigla siyang ngumit na parang gusto niyang umiyak.

Hinawakan niya 'yong mukha ko. "Hanggang dito sa panaginip, nakikita kita Angel. Nakakatuwa lang kasi parang totoong totoo siya." May mga luha ng pumatak sa mata niya. Mas lalong nadudurog ang puso ko sa mga nakikita ko. "Kahit panaginip lang 'to, iisipin ko na totoo 'to. Iisipin ko pag gising ko na pinuntahan mo talaga ako dito ngayon, na nag aalala ka pa din sakin, na mahal mo pa din ako." Mas lalo lang siyang naiyak.

Tinignan ko si Skie. Pinigilan ko siya sa kung anong sasabihin niya. "Kahit panaginip lang 'to, kailangan mo pa din kumain at uminom ng gamot. Okay?" Sambit ko. Mas mabuti ng isipin niya na panaginip lang lahat ng 'to. "Kainin mo 'tong soup na ginawa ko, okay?"

Pinunasan niya 'yong mga luha niya pagkatapos ngumit siya. "Oo basta sinabi mo, Angel. Sana hindi na ako magising sa panaginip na 'to. Mas masaya ako dito."

Hindi na ako nagsalita pa. Umupo lang ako sa tabi niya pagkatapos sinubuan ko siya ng soup. Nakatayo pa din si Skie sa may pintuan habang pinagmamasdan niya kami. Medyo naiilang ako na nandyan siya pero buti na lang pagkatapos ng ilang minuto, umalis na din siya.

"Angel, mahal na mahal kita."

Natigilan ako sa sinabi ni Caleb. Hindi ko talaga alam kung anong sasabihin ko.

"You don't have to say anything. Makinig ka lang sa mga sasabihin ko.."

Hindi ako nagsalita. Nakikinig lang ako sakanya habang sinusubuan ko siya ng soup.

"Totoo, nung una talaga, plano lang namin na ma-fall ka sakin pagkatapos non kapag mahal mo na ako, makikipag break na ako sayo para bumalik ka na sa New York. Para sakin, madali lang lahat ng 'yon. Sanay na akong magpa-fall ng isang babae at hindi ako 'yong tipong nafa-fall at nag seseryoso.. pero nagkamali pala ako."

Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa pinagsasabi niya ngayon pero nanatili pa din akong tahimik habang pinapakinggan ko siya.

Breaking the Bad Boy (Published with TV adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon