CHAPTER 9-MY PERFECT WIFE (book 2) part 3- Our castle;)

Magsimula sa umpisa
                                    

.

Tumawag ako sa opisina niya pati sa celphone niya gamit ang telepono sa bahay pero walang sumasagot, malamang wala na siya dun, pauwi naman na siguro siya diba?

Pero sabi niya maaga siya uuwi diba?Pero Gabi na eh. Huhuhuhhu

Dahil naalala ko yung nangyaring aksidente dati at baka maulit pa ay nag alala na ako ng husto kaya napagdesisyunan ko ng pumunta kina mommy at daddy baka may alam sila.

Tutal hindi naman kalayuan nag-lakad na ako papunta sa kanila at ininda ko ang dilim at posibilidad na makasalubong ang bestfriend kong mga aso.

Lakad.

Lakad.

sa dilim

hindi ako natatakot

kahit madilim

ako ay matapang at walang kinatatakutan.

pakanta kong sabi kayo na mag isip ng chant.

Huhuhuhhu

Lakad lakad pa ng konti

Liko

Oops!!

PRENO! Enk!

    Nandito na ako at mabilis akong pumasok. Agad na napukaw ng atensyon ko ang Castle place namin na hushbee dahil sa matingkad na ilaw na nanggagaling  dito. Ibang klaseng ilaw ang nakita ko. Sa unang tingin aakalain mo ay parang may piyesta ang mga fireflies dito pero nung nakalapit na ako ng husto mas naisip ko ay para atang nahulog ang ilang bituin sa langit at bumagsak sa lugar na ito. Umupo ako sa may swing at hinawakan ko ang mga nakapalibot na maliliit na ilaw sa hawakan ng duyan. Ang saya dito at ang ganda talaga, dito ata sinaboy ng langit ang mga sobrang bituin sa itaas hihihi.

Waaah!! gusto ko mag slide. Ito ang favorite ko sa lahat ang taas kasi ng slide pero ngayon parang mababa nalang ito sa akin. Kung dati aabot ng 5seconds or more bago ako bumagsak sa lupa ngayon aabot na ng 15seconds. bakit? Kasi medyo hindi na ako kasya dito bumabara na ako. Ang saklap! Sliding sliding...

Umakyat ako sa hagdan ng sliding na napapalibutan din ng maliit na mga ilaw na siyang nagiging ilaw na ng paligid.

Slideeeeeeeeeeeeeeeeeeeee.

Weeeeehhhhhhh!!!

Sa pagbagsak ko ay parang may nasagi ang paa ko na kung sino..

Ay may paa!

Naka white and black chuck taylor Converse shoes siya, paa niya kasi ang una kong nakita eh.

Iniangat ko pa ang tingin ko at nakita ko siyang nakasuot ng faded dark blue jeans

at nakacross arms siya habang nakasuot ng off white ata na coat.

Parang kilala ko ito kaya iniangat ko pa ang tingin ko

Pero bago ko pa siya makita ng tuluyan ay nag salita na siya na siyang ikinapitlag ko.

How many times do I have to tell you na ako lang ang pwedeng mag laro dito?

-----------------

W/N- see multimedia kung sino ang nakita niya.......

oh paano sa uulitin ulit^^

 

MY CHILDISH WIFE(book 1&2)-finished-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon