The Beginning of Revenge

Start from the beginning
                                    

"Kinausap ko siya after class. Tinanong ko kung totoo, inamin naman niya tas sabi niya kung gusto ko ililibre na lang daw niya ako ng lunch. Pambawi!" Pagkwento ni Rain. Uminit bigla ang ulo ko sa narinig ko. Wow, may gana pang manlibre yung hayop na yun.

“Did he say sorry?” Tanong ni Den.

Lumungkot naman ang mukha ni Rain. “Hindi.”

“Ay hayop!”

“Watch your words, Snow!” Saway sa akin ni Denisse kaya napatingin ako ng masama sa kaniya.

“Anong masama sa hayop, Den? Animal ang english nun! There’s nothing wrong.”

"Sabi pa niya, bakit daw siya magsosorry eh hindi naman niya kasalanan na nung nagsign sila kung sino ang unang babaeng makikita nila na nakapula, ayun. Ayun yung pagpupustahan nila." Rain continued, dismissing us.

“At hindi mo rin kasalanang nakapula ka.” Dagdag pa ni Faye.

“Taga san ba yung Miguel na yun, Rain?”

“Sa school mo siya nag-aaral, Snow. Engineering.” Sagot niya sa tanong ko.

“Sa school ko? At paano ka naman napadpad sa school ko? Sa pagkakaalam ko Rain Celyn Espirito, sa Loyola Heights ka nag-aaral at sa Ford University naman ako. Paano ka napagtripan nung Miguel na yun ha?” Utas ko pa. Bakas sa tono ko ang pagkayamot.

“Eh kasi a-ano..” Lalo kong sinamaan ang tingin ko sa kaniya. "Okay. I invaded your school. Wala lang trip-trip. Then I met him.”

“You invaded our school without informing me?” Galit kong tanong sa kaniya, nagpeace sign lang siya pabalik. I saw guilt in her eyes.

“Enough girls. Hindi naman yun big deal. Besides, tapos na yun.” Saway sa amin ni Faye. Ininom ko na lang ang kape ko saka sinamaan na naman ng tingin si Rain.

“So what now?” Tanong ulit ni Den habang nakatingin kay Rain.

“Eh di magmomove-on ako, simple as that.” Nakangising  sagot naman ni Rain. Kumislap pa ang mga mata nito na para bang ang ganda-ganda ng ideyang naisip niya. Ngayon ko lang din napagtantong kanina pa siya tumigil sa pag-iyak. Ngunit katulad ng palaging nangyayari, hindi ako pumayag sa sinabi niya.

Alam ko, ako na naman ang kontrabida.

Napahinga ako ng malalim. “Hindi naman ganun kadali yun Rain. He treated you as a freaking Barbie doll then left you just like that? Ano ka laruan? Na pagnakahanap na siya ng bago ay iiwanan ka na? It’s not that simple, Rain.” Umiiling-iling pa na sabi ko. Totoo naman, hindi naman dapat ganun-ganun na lang.

“So what’s your point, Snow?” Faye asked me with a questioning look. Napatigil din si Denisse sa muling pagbabasa sa hawak niyang libro.

“My point is you can’t just let that damn guy play a trick on you. Hindi tama ang ginawa niya at lahat ng mali ay dapat itinatama. Show that damn guy you are not a stupid barbie doll.” Inis na sabi ko. Naiirita talaga ako.

[Discontinued] Karma's a Bitch and so is SnowWhere stories live. Discover now