Chapter 19: Sa Bahay Kubo

1.9K 69 4
                                    

Taeyeon's POV

Nangangawit na talaga ang mga kamay ko ngayon.. as in! super! akalain nyo ba namang ako ang driver? idagdag nyo pang hindi ako makasalita kasi naman ang sakit ng lalamunan ko. Tsk. Na-stress pa ako kaninang umaga. Ang mga girls kasi..


Flashback

 We can't stop stop stop yeogin Party time
Idaero gyesok Party time (It's a party)
We gon rock rock rock
Jjarithage nan Tonight
[All] P A R T Y P A R T Y
Lemon Soju nan Tequila neon Mohito
Gaja Jeju California romaggaji
Hayan jinju pumeun bada meotjin pado
Finito!
P A R T Y P A R T Y  

Nagising ako sa alarm clock ko at 4:30 na pala ng umaga. Bumangon na ko at ginawa na ang mga dapat kong gawin sa banyo. Pagtapos kong maligo ay hindi ko na muna isinuot ang dapat na susuotin ko para mamaya kasi magluluto pa ako. Baka mangamoy usok ako nito.

Pagkatapos ko magbihis ay lumabas na ako ng room ko at inisa isang ginising ang mga girls. Una akong pumasok sa kwarto ni Panyang. Magkatabi kasi kami ng room..-"Mushroom bangon na"

"Mmm.. sunod na Taeng"-sabi nya habang nakapikit pa rin ang mga mata. Lumabas nalang  ako at pumunta sa kwarto ni maknae

Ngumiti muna ako bago hinaplos ang kanyang buhok..-"Sweetie little baby bangon na"

"Good morning unnie.."-sagot naman nya sabay bukas ng kanyang mga mata at nag-unat. Palabas palang ako ng kwarto nya ng makita ko na syang bumangon kaya lumabas na ako saka sinara ang pinto.

Nagulat naman ako pagpasok ko sa room ni Yuri. Akala ko multo.. sya lang pala. Nakasuot kasi sya ng puting daster habang may facial mask ang mukha. Talagang nakaka-agaw ng pansin. Idagdag mo pang madilim yung room nya at naka-patay pa ang ilaw tapos sya lang ang makikita mo..-"Black Pearl.. wake up"

"Oo Taeng babangon na. Paki-lock na rin ng pinto paglabas mo"-nalito ako sa sinabi nya. Privacy lang te?

Nahirapan naman akong hanapin si Sunny. Sa ilalim lang pala ng kama. Nahulog ata.

"Sunnie-yah.. hinihintay ka na ng buwan na sumikat kaya bumangon ka na"-nakita ko naman syang dahan dahang lumabas sa ilalim ng kama at tumayo kaya lumabas na ako ng kwarto nya.

Sunod akong pumasok sa kwarto ni Yoona. Okay masyadong malakas ang  hilik nya..-"Pretty little Yoongie bangon na"

"Opo unnie.."

Pumasok naman ako sa room ni Hyo..-"Ang gwapo mo talaga Lay. Lalo na paglabas dimple... zzzzzzz"-ahaha! ano daw?

"Ano ka ba Hyo.. si Chen 'to"-haha! bigla syang napadilat sa sinabi ko haha!-"Bangon ka na ha hihi"-dugtong ko pa bago lumabas ng kwrto nya

Okay ang kalat ng kwartong 'to. Hindi naman sya madumi pero talagang makalat lang. Kaya pala todo kumot si Soo, bukas kasi ang pintuan ng ref nya. Idagdag mo pa ang aircon nya. Opo, talagang may mini bar sya sa room nya. Maliit na ref po iyan. Sinarado ko nalang ito..-"Wake up Soo my loves. Maligo ka na para pagbaba mo kakain na tayo ng breakfast."

"Oo sige"

At ang climax. Ang room ni JESSICA JUNG. Pumasok na ko at ginising sya..-"Sica parang awa mo na kahit ngayon lang, pwede ka bang bumangon ng maaga? jebal.."-agad naman syang nag-unat..-"Sica.. bangon na ha"

"Taeng, you're annoying. Yeah yeah.. babangon na. Mauna ka na sa labas"-sabi nya ng nakapikit kaya lumabas nalang ako. Sana nga gumising sya.

Bumaba na ako. Pumunta na akong kitchen at nagluto na ng mga pagkain. Ham, hotdog, egg and fried rice yung niluto ko. Ang bango naman.. sa amoy palang nagugutom na ako.. hue hue

COLLIDE (EXOSHIDAE) *COMPLETED* (REVISING)Where stories live. Discover now