Chapter 11: Plan A

2.5K 79 7
                                    

Sehun's POV

Nandito kami ngayon ni Umin hyung sa kusina at kumukuha ako ng buble tea sa ref. Nagpa-deliver kasi si Kyungsoo hyung ng mga food supplies kanina so nagpabili na rin ako ng mga bubble tea's para may stock ako hehe. Wala eh addict ako eh. Pagpasensyahan nyo na pero wala pa ring makakatalo kay Xiumin hyung. Kaya nyang ubusin ang 24 na siopao sa isang araw lang! siguro kung bubuksan yung katawan ni hyung puro siopao makikita mo haha!

Si hyung naman ay nakaupo sa lababo habang nakahawak ng food tong. Hinihintay siguro yung preni-heat nyang siopao.

"Hyung gusto mo?"-pag alok ko sa kanya ng bubble tea. Ngumiti naman sya sa'kin at tinanguan ako..-"Anong flavor?"-dugtong ko

"Almond Bubble Tea"

"Sure"-kumuha ako sa ref at inabutan sya ng gusto nyang flavor.

"Thanks Sese ^^"-sabay pa-cute nya sakin. Magmumukha akong matanda nito kung kami ang parating magkasama at nagiging maknae naman ang role nya -.-

"Ano bang pinakagusto mong buble tea?"-tanong nya sakin

"Actually lahat naman gusto ko hihi! pero ito yong pinaka-favorite ko."-sagot ko naman at itinaas yung iniinom kung chocolate bubble tea..

Ilang sandali pa ay tumunog yung oven.

Biglang sumigla yung mukha nya at agad na kumuha ng plato saka kinuha na yung mga siopao at inilagay ito sa pinggan.

"Wanna have some?"-pag-alok nya sakin

"Sige hyung thanks."

Inabot nya yung malaking siopao..-"Oh ayan choco yan ha.."

"You mean siopao na chocolate flavor?"-meron ba nun?

"Oo naman! at alam kong magugustuhan mo yan hihi"

Kinuha ko naman ito..-"Thanks hyung"

"EXO, punta muna kayo dito sa conference room"-sabay kami ni hyung napatingin sa speaker

Kahit saan dito sa bahay may speaker pati pa nga sa garden, garahe at C.R meron..

"Teka boses ni Yeoli yun ha"

"Ano naman kaya yung pag-uusapan natin?"-tanong ko kay hyung


Kai's POV

Papunta kami ngayon ni D.O hyung sa conference room na nasa 3rd floor habang inaakbayan ko sya. Sweet ng KaiSoo noh? selos kayo? haha!

"May dapat ba tayong pag-usapan na medyo importante hyung? bakit bigla bigla tayong pinapunta don?"-tanong ko sa kanya

"Hindi ko rin alam eh. Malalaman din natin yan mamaya"

"Nacu-curious talaga ako. Siguro bugbugan at awayan na naman to.."

"Sino na namang school ang kalaban natin ngayon?"-tanong naman nya sakin. Kahit mabait yang si hyung.. nakikipag-away pa din yan. Hindi nya kami pinapabayaan. We are one kasi kaya one for all, all for one ang motto namin.

"Mukhang exciting to hue hue.."-mejo malandi kong sabi

Inirapan nya lang ako..-"Naku ikaw Kai ha."

"Hehe"-yan lang yung nasagot ko sa kanya

Ilang sandali pa ay nakarating na rin kami sa conference room. Nadatnan namin si Suho hyung, Yeolie hyung, Baekhyun hyung at Luhan hyung na nag-uusap. Habang si Kris hyung naman ay nakasubsob lang ang mukha sa mga kamay nyang nasa lamesa. In short tulog siguro.

COLLIDE (EXOSHIDAE) *COMPLETED* (REVISING)Where stories live. Discover now