Chapter 5: Mall (Part 2)

2.4K 94 6
                                    

Luhan's POV

Andito na kami ngayon sa SM.

At dahil nga bibili ako ng mga notebook ay papunta na ako sa NBS. Lahat sila ay sinamahan si Kyungsoo na mag-grocery. Sana sinama ko nalang pala si Sehun para may kasama ako dito. Nagmukha tuloy ako loner pero keri lang AT LEAST MANLY oh ha!

Makalipas ang ilang sandali ay nakarating na akong NBS. Agad akong dumiretso sa mga notebook. Syempre puro Hello Kitty yung mga bibilhin ko. Fav. ko yun eh.

Napangiti ako ng makita ang mga nagkikislapang pusa. Kukunin ko na sana ang mga ito ng...

"Ahm.. excuse me Miss.."-magalang kong sabi sa kanya. Aba manly yata ako.

"Yes?"-sagot nya at tinaasan ako ng kilay..

"Ako kasi ang naunang nakakita nito."-mahinahong sagot ko. Syempre babae pa rin tong kaharap ko

"So? ako ang nakakuha. And besides.. all pink things, creatures and anything pink.. belongs to me"-sabat naman nya..

Aba aba aba.. Amazona yata tong kaharap ko. Pero hindi nya ako kaya. Humanda ka rin sakin!

"MISS.."-in-emphasize ko talaga yong miss..-"Ako pa rin ang may karapatan diba nga ako UNA nakakita. At andami namang notebooks jan. Madami pa ngang neon colors eh. Kaya iba nalang ang kunin mo."

"HOY MISTER."-at in-emphasize nya din ang Mr. ha! tss.. gaya gaya..-"Wala kang pakialam kong eto ang gusto ko. At saka HELLO KITTY to. Pambabae. Bakit hindi nalang Spider Man ang kunin mo? total mukha ka namang gagamba.."-at tinaasan na naman nya ako ng isang kilay. Nasan ba ang kitchen knife ni Kyungsoo ng ma-ahit ko tong nakakasuka nyang kilay

Wow. Nag.kaka-audience kami nito sa ginagawa nya. Pinapahiya mo kong amazona ka ha.. pwes hindi kita uurungan! hindi muna ako magpapaka-manly ngayon!

"Eh ano naman sayo kung HELLO KITTY ang gusto ko? anong pakialam mo?"

"Bakla ka bah?"

"Huh?! ako bakla? hoy Miss! babae lang ba ang bumibili ng mga hello kitty stuffs?"

"Bakla ka nga siguro. Mukha kang babae eh".

Aba ang tigas talaga ng atay nitong babaeng to. Ano bang problema nya? 

"Unnie may problema bah?"-sabi nung isang babae. Pumunta kasi sa amin. Pinuntahan nya siguro tong amazona.

Tumingin sya sa babaeng kausap nya..-"Wag mo kong alalahanin Babyseo. I'm perfectly fine. May bakla lang namang kulang ng pansin dito"

Kaya chance ko na to..

Kinuha ko ang lahat ng hello kitty notebooks sa stand at nagbayad na sa counter. Mabuti nga at walang nagpipila kaya agad akong nakatapos magbayad. Bakit kasi konti nalang ang mga hello kitty notebooks dito.

Hindi parin nila ako namalayan na papalabas na ng NBS kaya tinawag ko sya..

"AMAZONA!"- sigaw ko habang nakangiti tapos tinaas ko yung plastic na naglalaman ng mga notebooks..

Agad naman syang tumingin sa'kin.

At ayun nga Epic fail yung mukha nya. Parang na-disappointed na malungkot na may halong inis at ewan ko ba. Bahala nga sya.

Tapos tumakbo na ako palabas ng NBS kasi baka habulin pa ko nun. May saltik ata yun eh haha

NapakaMANLY ko talaga 'di ba? hue hue


Seohyun's POV

Habang kumukuha ako ng mga pens at mga cartolina, nakita ko si Fanny unnie na may kinakausap. Ay mali hindi naman yata kinakausap kundi inaaway? naghati hati kasi kaming apat ng mga bibilhin, ako sa pens at cartolina, si Tifanny unnie sa notebooks kasi gusto talaga nya na sya talaga makapagpili sa mga notebooks nya kasi daw gaganahan sya magstudy kapag pink ang mga notebook nya. Mahilig po kasi sya sa mga Pink Things. Si Yuri unnie at Sunny unnie sa mga bags naman sila. Lumabas sila ng NBS at sa Department Store nalang pumunta kasi daw mas magaganda doon ang mga bags kesa dito.

COLLIDE (EXOSHIDAE) *COMPLETED* (REVISING)Where stories live. Discover now