Chapter 16: Ang Mga Problema(bow)

2K 75 34
                                    

Suho's POV

"Guys kain na!"-ngiting anghel na sabi ni Kyungsoo na papalapit sa'min habang tinanggal ang kanyang chef's hat. Wag na kayong magtanong, ganyan talaga yan pagmagluto.. naka-apron, gloves at kung ano-ano pa ang isinusuot  sa katawan. Kulang na nga lang magsuot ng I.D para mukhang nagtatrabaho talaga. Ewan ko ba sa kanya kung ano ang trip nya.

"Oh bakit ganyan ang mga mukha nyo?"-biglang sulpot ni Lay sa likod ni D.O at aba! naka apron din?

"Yun nga rin ang gusto kung itanong sa kanila eh, kung hindi sila nakabusangot.. mukha namang galit na naiirita o mukhang may binabalak na masama?"-sabat ko naman. Kanina pa kasi sila ganyan pagdating namin galing school.

Halos lahat sila nandito sa sala, nakaupo at walang kabuhay-buhay. Ano ba talaga ang mga problema nila?

"Monthly period nyo ba ngayon mga tsong? at aba! hwag nyong sabihing lahat kayo na hindi maipinta ang mukha eh.. sabay na dumating ang mga dalaw nyo? oh oh!"-Si Chen yan! sino pa nga ba? kahit hindi ko na tingnan ang mukha, alam na alam ko na. Pero lahat naman sila ay tumingala sa 2nd floor.

"Ow! thank you! matagal ko ng alam na gwapo at mabait ako! kaya ba tinitingala nyo ako ngayon?"-okay anong trip ng camel na ito?

Binato sya ni Kai ng throw pillow. Pero obviously hindi nya ito maabot ang 2nd floor at ang swerte ko naman dahil ako ang tinamaan..-"Sorry hyung"-matamlay na sabi nya

"Eh ikaw hyung? bat mukhang napakasaya mo ata?"-baling ni Tao kay Lay

"Sumali kasi sa Club namin ni Jongin sina Muyoong at Juri hihi at partners pa namin sila! daebak diba?"-proud pa talaga sya ha? saka mukhang ngayon ko lang narinig ang mga pangalang iyan ah. Transferees ba sila?

"Hyung, Hyoyeon at Yuri.. HYOYEON AT YURI!"-sigaw ni Kai sa kanya

Napatawa naman sya..-"Ah oo yun nga! haha!"

"Ano ba talaga ang problema nyo?"-nagulat naman ako at nasa tabi ko na si D.O

"ASDFGHJKL!"-may naintindihan ba kayo sa sinabi nilang lahat? ako wala! mag-chorus ba naman

Kamot-ulong napaupo si Lay sa tabi ni Kyungsoo-"Wala akong naintindihan"

"Ahahahaha!"-lahat kami ay napatingin kay Chen nung tumawa ito..-"Yun lang bah? sus chicken! so simple.."-mas lalo pa kaming napa-focus sa kanya at naghihintay sa mga susunod pa nyang sasabihin..-"Hihi.. wala din akong naintindihan. Nyahahaha.! kayo naman di na mabiro!"-binato ulit sya ni Kai ng throw pillow. Ayun nakailag na naman ang camel at ako ulit ang tinamaan. Si Chen kasi eh! umupo sa kabilang tabi ko. Parang gusto ko ngang sakalin eh! pero wag na lang pala.. sayang effort  ko

"Ano ba kasi yung mga problema nyo?"-mabuti pa si Lay nag-aalala din. Si Jongdae.. ewan

"ASDFGHJKL!"-muling pag-chorus nila. Okay wala pa rin akong maintindihan

"Teka teka! isa-isa lang muna!"-sigaw ni D.O

"Oh maknae, mauna ka"-pahabol kong sabi

"Yung payatot kasing yon! aish! pumasok sa Swimming Club! tapos ako pa ang inutusan ni Sir na maging trainer nya! sasali-sali kasi.. hindi naman pala marunong lumangoy! kainis talaga!"-sabi nya sabay sabunot sa kanyang buhok

"Eh di hwag mong sundin! hayaan mo syang malunod.."-sabat ni Luhan sa kanya

Mula sa busangot ay napangiti si Baek..-"Good idea! at mababawasan na rin ang mga kalaban natin"

"Pero hyung! alam mo namang kailangan kong magpa-impress kay Sir para isama nya ako sa mga finalists na sasabak sa NDC diba?"- sabat muli ni maknae

COLLIDE (EXOSHIDAE) *COMPLETED* (REVISING)Where stories live. Discover now