Chapter 17: Will they really be okay?

2.1K 75 8
                                    

Hyoyeon's POV

"Haaaaay!"-hikab yan ni Yuri. Grabe ang laki ng bunganga.

"Ew!"

"Hoy Hyo! kung maka-ew ka ha!"

"Eh bakit ka kasi humikab? at sa harap ko pa talaga ha!?"-mataray na sabi ko. Aba! sa harap ko pa talaga! ano to harap-harapan!?

"Bakit?! may rules na ba ngayon na hindi pwedeng humikab? eh kasalanan ko bang mukhang kumot yang mukha mo kaya napahikab ako? sarap tuloy matulog"

Napakunot ako ng noo..-"Kumot?"

"Oo! ukot kasi! mukhang naukot! yun bang kumot na plantsado tapos nung ginamit mo.. naukot!"-muling kumunot ang noo ko. Pinaplantsa ba talaga ang kumot? HOTEL lang?

"Tsk. Ano ba kasing problema mo? okay ka lang bah?"

"SA TOTOO LANG HINDI!"-medyo napasigaw ako sa kanya

"Napano ka?"

"Andito kasi yung dalaw ko. Sobrang sakit ng puson ko. Pangalawang araw pa naman. TULUNGAN MO KO YUL! JEBAL!"

"Kaya pala eh. Alam mo namang mga dyosa lang ang humihikab nagtanong ka pa. Oh wait"-saka nya kinuha ang isang pill mula sa kanyang maliit na plastic box na nasa kanyang bag. SIGE SI YURI NA ANG ORGANIZE! nahawa ba sya kay Seohyun? masyado ding Girls Scout ang isang to.

"Anong gamot to?"-kinumpletong tanong ko na. Baka mamaya pagsinabi kong ano to? baka pilosopohin pa ako..

"Gamot yan para sa mga may dalaw. Para hindi na sumakit yang puson mo. Pasalamat ka at may natira pa."-sabay abot nya ng gamot na may kasamang tubig..-"Humingi ka nalang ulit mamaya sa Clinic kasi baka sumakit na naman yan"-dugtong pa nya

Oh how sweet..-"Thank you Tuti Fruti Yuri!"-nakasmile kong sabi sa kanya

"Oh.. inumin mo na yan para makahikab ka na rin para maging pareho na tayong dyosa haha! pero wag ka! mas maganda pa rin ako haha!"-anong pinaglalaban nito? -"Matulog ka nalang muna para makapagpahinga ka, wala pa naman si Ma'am eh"-muli na naman nyang sabi .. tinitigan ko muna sya. Ang gulo nya eh

"Anong tinitingin-tingin mo sa mukha ko? psh. Oo na! wag kang mag-alala gigisingin kita mamaya pagdating ni Ma'am"-see kita nyo?

Well.. 2 months na ang nakaraan simula nung lumipat kami dito sa school na ito. Wag na kayong magtanong, WALANG NAGBAGO. Kaaway parin namin yung mga hoodlums na yun! argh! nakakainis talaga!

Andito nga pala kami ngayon sa classroom. Paspecial-special na naman si Ma'am. Late ulit! Ang gulo tuloy ng room.

Si Yul katabi ko na ngayon ay sinusuklay ang sariling buhok.

Si Sunny naman kakapasok lang sa room galing siguro ng CR.

 Si Tiff kausap ang sarili sa salaming hawak nya. Iba trip nito.

Si Taeng naman ay nakatulala sa blackboard. Anong problema nya?

Si Seohyun ay nagrereview sa kanyang notebook. Wala naman atang sinabing mag-e.exam si Ma'am ngayon? Bookworm talaga.

 As usual, ganun parin si Sooyoung na kumakain kasama si Yoonang nanghihingi sa kanya ng pagkain.

Si Jessica natutulo---ay wait! nagdo-drawing?! talaga? kinareer talaga ang Art Club?

Ang mga bwisit na EXO naman ay nagkakatuwaan. Ewan ko ba sa kanila kung ano ang nakakatawa!

Ang ibang mga kaklase ko naman ay kung ano-anong pinanggagawa. May naghahabulan, may nagsisigawan, may kumakanta.. wala naman sa tono. May nagbabatuhan ng kung ano-ano, may mga natutulog, may nagpi-picture at nagse-selfie at kung ano-ano pa.

COLLIDE (EXOSHIDAE) *COMPLETED* (REVISING)Where stories live. Discover now