Chapter 14: Who's in favor?

2.2K 77 57
                                    

With the Special Participation of Nam Woo-Hyun and Lee Sung-Yeol of Infinite. Ang cute kasi ni Woo-hyun tapos crush ko si Sung-Yeol.. ^.^


Yuri's POV

"Good morning class!  sorry for being late because of some important business"-sabi ni Ma'am sa'min sabay lapag ng dala nyang isang carton na chalk sa table.

"Ano kaya ang business na tinutukoy ni Ma'am no?"-bulong samin ni Yoong

"Food business kaya?"-mabilis namang sabat ni Soo

"Masyado namang matalino si Ma'am para chalk lang ang dalhin nya sa clase natin"-komento ko din

"Kabisado nya ata libro eh"-dugtong rin ni Hyo

"Yes Hyoyeon? may gusto kabang i-share sa'min?"-nagulat kaming apat sa biglang sabi ni Ma'am.. -"I think you're saying something there at the back"

Tumayo naman ito-"Ah wala po.. wala po.. hehe"-kunwaring ngisi nya at umupo din agad..

"Hindi kasi nakikinig"-smirk  ni Chen.. at tiningnan sya ng masama ni Hyo

"Okay, I believe magkakilala na kayong lahat. And as I've said may importante akong ginagawa, so hahayaan ko kayo ngayong magdecide para sa Classroom Officers"-sabi ni Ma'am tapos nagsimula ng mag-ingay ang mga classmate ko. Masyado naman silang interesado dito.

"Class, silence please!"-biglang sigaw ni maam at hinampas nya blackboard. Automatic namang nagsitahimik sila..-"Let's have the voting of the Class President"-patuloy pa nya..

Napatingin ang lahat ng tumayo si Panyang.

"Yes Mi Young?"-tanong ni Ma'am sa kanya

"I nominate Lee Soon Kyu for the position of President!"-biglang kumunot ang noo ni Araw sa sinabi nya

Sinulat ni Ma'am sa blackboard ang panagalan nya..-"Okay, Lee is nominated."

Ngayon ay tumayo naman si Luhan.

"Yes Mr. Xi?"

"I nominate Kim Min Seok for President"-sabi nya.. 

Nabulunan naman si Xiumin sa siopao nyang kinakain at agad syang inabutan ng katabi nyang si Lay ng tubig. Agad syang sumenyas kay Luhan ng bakit ako?

"Si Sunny kasi ang nominated"-tinuro pa nito si Araw. Malalaman mo talagang hindi si Xiumin nakikinig.

"Okay Kim is now nominated."-sabay sulat ni Ma'am ng pangalan nya sa board..-"Any other nomination?"-muli nyang tanong

"Zitao?"-turo ni Ma'am sa lalaking kung makayakap sa teaddy bear nya ay akala mo wala ng bukas. Malaki naman ang eyebags.

"I move to close the nomination."-biglang sabi nya, ni hindi manlang tumayo

"Wala talagang galang. Psh!"-bulong samin ni Soo

"I second the motion"-sumigaw din si Baekhyun at hindi din nag-abalang tumayo

"Wala ba syang subject na GMRC nung Elemetary sya?"-bulong din ni Taeyon

"Oh? dalawa lang? Well, I think it's a tight match. So may I request Ms. Lee Soon Kyu and Mr. Kim Min Seok to come here in front to have a short speech?"-ngisi ni Ma'am at sumunod din agad si Sunny na halatang walang gana. Nakita ko ring kumagat muna si Xiumin sa siopao nya bago ito ibinigay kay Sehun at tumayo na. Agad namang nilamon ng isa ang kawawang siopao.

"Kilala nyo na naman siguro ako. Pero magpapakilala nalang ako ulit. I'm Sunny.. Well kung iboboto nyo ako, edi mabuti.. pero kapag hindi,  aba! matindi! but thanks pa rin. Yun lang.."-wala sa mood na speech nya. Halatang she doesn't like spotlight that much

COLLIDE (EXOSHIDAE) *COMPLETED* (REVISING)Where stories live. Discover now