Chapter 15: Choose Wisely

1.7K 79 5
                                    

Sooyoung's POV

"Ganito po ba talaga dito sa school na to? madalas late ang teacher?"-bagot na tanong ni Seo samin

"Maganda nga iyon baby kasi hindi stress ang mga brain natin diba?"-nakangising sagot naman ni Yoong sa kanya

Inabutan ko naman sya ng mahiwagang stick-o..-"Hwag ka nang sumimangot jan Seobaby. Kumain ka nalang ng sitck-o"

"Ay chocolate :( wala bang strawberry flavor?"-si Yoong naman ang kumuha ng stick-o sa garapon na hawak ko kaya inilayo ko ito sa kanya. Aba si maknae kaya ang binibigyan ko..

"Teka hindi pa ako nakakakuha!"-ang takaw takaw talaga ng babaeng to >.<

"Hindi naman ikaw ang inaalok ko ah. Si maknae... teka asan na sya?"-sabay tingin ko sa paligid. Nakita ko namang nakaupo na sya sa upuan na nasa gilid ng bintana at nagbabasa ng libro

"Yummy yummy yummy.. oh super yummy!"-naningkit ang mga mata ko ng makitang nilalantakan na pala ito ng katabi ko. Aagawin ko na sana pero mas lalo akong na-bad trip dahil dumating na si Sir na mahilig mag-palate. Sarap nyang kotongan 

"Good morning class.."

"Good morning Sir"

Pinalo nya ang kamay nya sa table ng tatlong beses at..-"Class sit properly"

Tss.. wala akong pakialam kay Sir. Na-badtrip ako kasi na kay Yoona ang garapon stick-o ko. Sigurado akong wala ng laman yun ngayon

"Today, you're going to choose your Clubs. Just today only. Kaya kailangan nyo talagang makapa-register and be present.. or else you'll have no club this school year. And most importantly, choose wisely. That would be all! Goodbye class.."-pagkatapos na pagkatapos ng sinabi ni Sir ay cool syang lumabas ng room.. ay teka.. yun lang yun?

"Goodbye Sir"-sigaw ng mga baliw kong mga kaklase..

Agad agad namang lumapit ang pitong mga nag-gagandahang nilalang sa harapan ko. Ano ba kayo syempre ako ang pinakamaganda hue hue pangalawa lang si Yoong na nasa tabi ko.

In-arrange naming pa-circle ang mga upuan namin

"Wow lang ha! hindi pa si Sir nakakapag-lecture sa'tin kahit isang beses. Kung hindi sya late dahil may meeting daw and so on.. absent naman sya.. o di kaya palaging may mga nangyayari dito sa school. Tss"-wow lang din ha! kailan pa nagkainteres si Yul sa klase? may lagnat ba to?

"Anong club ang sasalihan nyo?"-excited na tanong ni Hyo samin

"Syempre Singing Club! dun ako sasali"-pati rin si Taeyeon ay halatang excited

"Sa Tennis Club nalang siguro ako?"-di sigurado namang sagot ni Sunny

"Bakit siguro?"-tanong ko sa kanya

"Sa pagkaka-alam ko hindi ka pa nakahawak ng racket ng tennis"-kunot noong tanong ni Taeyeon sa kanya

"Wala gusto ko lang magtry hehe.. para maiba naman"

"Ayaw mo na ba sa  Singing Club unnie?"-tanong ni Yoong  sa kanya habang kumakain ng popcorn.. penge eke

"Nakakasawa na kasi sa Singing Club eh"

"Ako sama ako kay Taeng unnie"-singit ni Seo at nilingkis ang kamay nito sa katabi nya

"Kami dating gawi parin"-sabat naman ni Yuri habang inaakbayan si Hyo.. 

Tumango din ito sa kanya ng nakangiti.."Dancing Club parin"

Itinaas naman ni Panyang ang kanang kamay nya..-"Drama Club ako"

"Ha? sure ka?"-gulat na tanong ko. Over ha! ang taas naman ng ambisyon nya. May balak ba sya mag artista? di ko kailangan autograph nya

"Yun kasi una pumasok sa isip ko"-kalmado namang sagot nya.. edi bahala sya

"Gusto ko.. Swimming Club"-aba ang lapad ng ngiti ni Yoong.. swimming? talaga?

"Sa Art Club ako sasali"

"As in Jung Sooyeon mag-dodrawing ka?"-di makapaniwalang tanong ni Taenggo.. actually, ako din hindi makapaniwala

"Why? well.. I want there kasi katabi lang ng Art Room ang clinic so anytime pwede ako matulog"-poker face nyang sabi.. ok fine

"Ikaw Soo unnie, anong Club ang sasalihan mo?"-tanong ni maknae.. oo nga noh? anong club nga bah?

...

...

...

Aahh..

Tumayo ako at..

"Kailangan ako ng Martial Arts Club!"-confident kong tugon

Sila? nga-nga


Taeyeon's POV

Ano bang nangyayari sa mga kaibigan ko?

Yung isa hindi nga alam kung pano i-distinguish ang racket ng badminton sa racket ng tennis.. TAPOS SASALI SA TENNIS CLUB?! ABA!

Yung isa naman.. anong alam nya sa acting? eh minsan lang yan manuod ng tv tapos mga cartoons pa most of the time.. TAPOS MAG-AACTING PA!?

Yung isa din.. tatlong taon ng nasa Dancing Club at isang taon sa Modeling Club.. ANONG NANGYARI BAKIT GUSTONG SUMALI SA SWIMMING CLUB? anong connect? nagkita ba sila ni Dyesebel sa Aquarium at gustong sumali ng bigla bigla? Ang tindi lang ha!

Eto namang isa.. Art Club? SERIOUSLY!? si Seohyun pa nga taga tahal ng lapis nya.. di daw alam kung pano ang saktong pagtahal ng lapis. Aba ewan ko sa kanya. Kung may lugar man akong gustong ipabura dito sa skwelahang to.. clinic yun. CLINIC! tss.

At eto pa ang isa.. ano daw? MARTIAL ARTS CLUB?! huh?! naku naku naku naku! eto yung kinakatatakutan ko sa lahat eh.. SYA?! sasali dun? baka pag hindi na nya kinaya ang mga rules dun eh bigla nalang syang makipagsabunutan o di kaya bugbugan sa mga tao dun.. sya.. kilalang kilala ko sya.. hay naku

Naha-high blood ako eh

PAPA GOD I trust them to you..

(Facepalm)


COLLIDE (EXOSHIDAE) *COMPLETED* (REVISING)Where stories live. Discover now