Chapter 6: Mall (Part 3)

2.2K 86 8
                                    

Chen's POV

"Chen nandito na tayo sa vegetable stand. Ano yung mga gulay na bibilhin natin?"-baling ni Lay hyung sakin

"Kelan ka pa naging interesado sa mga gulay hyung? hindi ka naman ganyan ha. Hindi ka rin naman mahilig magluto. Alam mo hyung.. hindi yan bagay sa'yo. Stay calm kalang okay? yan na nga ba ang sinasabi ko eh. Mukhang nahahawaan ka na ni Kyungsoo. At saka hyung sana hindi lang gatas ang binibili mo dapat umiinom ka rin ng Memo Plus Gold"

"Grabe ka naman, maimili lang n gulay, ganyan agad mga sinasabi mo. Saka isa pa, ano nga ulit yun? Memory ano ulit?"

"Hyung naman kakasabi ko lang eh! MEMO PLUS GOLD! anong Memory? para sa mga patay yun hyung. In Loving Memory yun eh.."-diniinan ko na talaga ang memo plus gold para sagad sa buto nya at para hindi na nya makalimutan.

"Ah ganun ba?"

"Kuya meron po ba kayong mga bagong stock ng mga patatas?"-tanong nung babae sa amin kaya napatingin kami ni hyung sa kanya..-"Bibili sana ako eh kaso lang nakita ko parang mga tira-tira nalang yung mga nandun.."-tuloy-tuloy na sabi nitong babae habang nakaturo sa kabilang lane


Hyohyeon's POV

Oh ayan patatas nalang ang kulang.. 

Tumingin ako sa taas para hanapin kung anong number ang mga gulay

"Ayun!"-sabi ko sa sarili ko sabay turo sa taas..-"Lane 39."-dugtong ko pa.

Potatoes here I come! hue hue

Mag-isa akong papunta sa vegetable stand kasi naghiwahiwalay kami. Si Taeyeon pumunta sa mga kapehan. Bibili daw ng kape na good for 2 weeks.. Si Yoong bumili ng karne at si Sooyoung naman ay sa manok. Siguro tapos na silang bumili at hinihintay na nila ako sa sasakyan.

Dadalian ko nalang para makabayad na rin ako.

Nang makarating na ko sa stand ng mga patatas ay agad na akong pumili.

Syempre kailangan fresh ang kukunin ko para safe kainin. Kung hindi nyo naitatanong sadyang maingat talaga ako sa pamimili at pagluluto.

May mga malalaking patatas dito pero hindi na ata fresh. Yun bang parang natirang mga stock nalang..

Makapag tanong nga.

"Kuya.. meron po ba kayong mga bagong stock ng mga patatas?"-sabi ko sa dalawang lalaking nag-uusap. Naka-white sila. Sila siguro naka-assign dito.

Agad silang tumingin sakin. Ganda ko eh hoho!

"Bibili sana ako eh kaso lang nakita ko parang mga tira-tira nalang yung mga nandun.."-sabi ko pa saka tinuro ang kabilang lane na pinanggalingan ko..

"Aba tanungin mo ang patatas kung nasaan mga kalahi nya. Hwag kami.."-sabi nung isang lalaki na mejo maliit, mas matangkad kasi yung isa.

Nagulat naman ako sa sagot nya. Di ako na-inform. May katok ata to sa ulo..

Tinaasan ko sya ng isang kilay..-"Ganyan ka ba sumagot sa mga taong nagtatanong sa'yo?"

"Ano naman sa'yo?"-aba tinarayan din ako. Mabuti pa yung kasama nya tahimik lang gwapo pa! Eh sya mukhang camel! pwe!

Tinarayan ko rin sya..-"Nagtatanong lang naman ako ahh"

"Mukha ba kaming Information Center Miss?"-namumuro na tong camel ha! naiinis na ko

"Ahm.. mawalang galang lang sayo ha."-sabi ni Gwapo..-"Pasensya na pero wala talaga kaming alam. Sa mga nagtatrabaho ka nalang dito magtanong.."-dugtong nya pa. Tapos ngumiti si gwapo. May dimples pala!! WAAAH!! G W A P O !! pwede na akong mamatay guys.. hihi..-"Sigurado akong masasagot nila kung meron pa bang mga bagong stocks ng...  ano nga ulit tawag dyan?"-tanong nya.. grabe kakasabi ko lang na patatas, nakalimutan na agad?

COLLIDE (EXOSHIDAE) *COMPLETED* (REVISING)Where stories live. Discover now