Chapter 2: US! (EXO)

2.7K 102 26
                                    

Suho's POV

Andami kong kasama sa bahay pero bakit wala akong makita ni isa manlang sa kanila?

Oo, magkakasama ang EXO sa iisang bahay. astig nga eh noh. oh ha! kaya nga sobrang close na close kami sa isat-isa eh. At ang masasabi ko lang eh.. mga mababait, masunurin, mapagbigay, tahimik at pormal ang mga kaibigan ko dahi---

"Hoy Umin hyung! Ibalik mo sakin yang kawali! Hindi pa yan luto!"-sigaw ni Kyungsoo habang hinahabol si Xiumin galing sa kusina.

"Kanina pa ako humihingi ng pagkain sayo hindi mo naman ako binibigyan.."-saad naman ni Xiumin hyung na naka-pout habang tumatakbo at hawak hawak ang maliit na kawali.

Ano ba tong dalawang to.. pinapahiya ata ako eh! ang ganda ganda na ng intro ko. Pinapaganda ko pa nga reputasyon nila, tapos lumalabas naman mga ugali nila. Hay na---

"Hyung, sige na hyung please.."-pangungulit ni Sehun habang sinusundan si Luhan hyung.

"Ayoko ko nga. Kakabili ko lang sayo ng bubble tea tapos hihingi ka na naman?! malalason na talaga kita eh! Isa pa hindi ako makakabili ng mga notebook na Hello Kitty nyan dahil sayo eh! Tingnan mo nga! malapit na ang pasukan."-sagot nito habang naglalakad palayo pero sinsundun pa rin sya ni maknae.. 

Hay naku for sure nagpapabili na naman si maknae ng bubble tea kay hyung.

"HYUNG! WAAHH!"-si Chen na tumatakbo papalapit sa akin. Problema nito?

"Oh bakit?"-kunot-noong salubong ko sa kanya

"Ahhhh!! si Tao kasi hyung!"-sabi nya ulit at nagtago sa likod ko, sakto namang pagdating ni Tao sa harapan ko na may dalang wushu stick.

"Tao ano na naman ba ang nangyayari?"-tanong ko.

"Ehh kasi hyung kinuha ni Jongdae hyung yung Panda stuff toy ko."-sumbong nya sakin 

"Binalik ko na naman sayo ha."-rason muli ni Chen na nakatago parin sa likod ko.

"Oo nga binalik mo nga sa akin! nadumihan naman! kakalaba ko pa lang nun hyung! nakakainis ka alam mo yun!"-inis na sabi ni Tao na bumabakat na ang mga ugat sa leeg sa galit

"Hindi ko naman sinasadya ehh."-hirit muli ni Chen at wala na atang plano umalis sa kakatago sa likod ko

"Hindi mo sinasadya!? eh nakita talaga kita na inapak-apakan mo yun! ako na naman ang napag-trollan mong camel ka! Lagot ka sakin ngayon! Iwuwushu talaga kitang troll kah!!!-galit na singhal ni Tao

"Ah!!! Hyung Help!"-saka tumakbo si Jongdae palayo.. agad naman syang sinundan ni Tao dala parin ang wushu stick nya. Ayan buti nga sayo!

Hay nako itong mga batang ito talaga oh.

Nakita ko si Baekhyun na kakalabas lang ng bodega at... may dalang eyeliner at salamin.. ano naman ang ginawa nya dun? at may dala dalang ganyan? Sa totoo lang hindi ko yan minsan ma-gets.. maiintindihan ko pa siguro kung hindi sya makakalabas ng bahay kung wala syang mga mata -.- ..pero iba trip nya sa buhay ehh.. hindi sya lumalabas kapag walang eyeliner ang mata ..sarap ibalibag ng eyeliner sa mukha nya.. alam nyo yun

Paakyat na ako sa hagdan papunta sa kwarto ko ng may marinig akong nagkukwentuhan sa unang kwarto malapit sa hagdan.. kaya sumilip muna ako.

Umirap si Chanyeol sa cellphone an hawak ni Kai..-"Hindi ko type yan."

"Ehh eto.. maganda din to at mas sexy dun kesa sa isa hihi"-sabi naman ng pangalawang maknae na mukhang kinikilig talaga at may iba pa atang ipinakita kay Chanyeol. Babae na naman to panigurado.. iba nga naman kamandag ni Jongin pagdating sa mga babae.. sarap nyang iuntog sa ilalim ng kama

"Wala na bang iba?"-ang choosey naman nitong isa -.-

"Ahh eto.. ikaw nalang mamili dito.. Nag-research talaga ako sa campus natin ng mga chika babes."-saka muli nitong ibinalandra ang celphone sa katabi nya. Ayan na.. hinahawaan na ni Kai si Chanyeol sa pagiging Casanova nya.

Habang nakaupo si Chanyeol at Kai sa sofa.. nakita ko naman si Kris hyung na natutulog sa kama---ehh teka kay Kai tong kwarto ehh. At si Lay naman paikot-ikot sa harap ng cabinet ni Kai habang kamot-kamot ang batok.

" Oy Lay.. bakit ka paikot-ikot dyan?"-tanong ko sa kanya

"Eh kasi nakalimutan ko kung saan ko nilagay yong celphone kanina.. sa kwarto ba ni Kai o sa kwarto ni Kris hyung."-sagot nya sakin habang paikot-ikot pa rin..

"Hyung naman eh. Eto yong cellphone mo oh. Hiniram ko kanina 'di ba sabi ko magse-search lang ako ng mga chicks?"-sabat ni Kai at iwinagayway ang cellphone ni Lay.. 

"Ah eh.. oo nga pala.. hehe"-inosenteng sagot nya at lumabas na ang trade mark nya. Ang ngiti-labas dimple-kamot sa ulo..

"Eh teka bakit dito si Kris natutulog sa kwarto mo?"-baling ko kay Kai..

Tag-iisa talaga kami ng kwarto ehh...meron kaming 14 na kwarto at lahat ay nandito sa taas. bali 12 para sa amin at 2 ay guest room. See? Ang laki ng mansion--este bahay namin ano?

"Ang ingay ingay daw ni Chen kanina.. doon daw sila naghabulan ni Tao sa kwarto ni Kris hyung kaya dito nalang sya natulog."-walang ganang sagot nya kasi naka-focus sya kay Chanyeol..

Hay naku.. bahala kayo.. makapunta na nga sa kwarto.. mag-beu-beauty rest nalang ako..


COLLIDE (EXOSHIDAE) *COMPLETED* (REVISING)Where stories live. Discover now