Chapter 8: Mga Makulit Meets Mga Malikot

2.4K 92 7
                                    

Sehun's POV

Geomeun geurimja nae ane kkaeeona
Neol boneun du nune bulkkochi twinda
Geunyeo gyeoteseo moduda mulleona
Ijen jogeumssik sana wojinda

Na eureureong eureureong eureureong dae
Na eureureong eureureong eureureong dae
Na eureureong eureureong eureureong dae
Na mulleo seoji anheumyeon dachyeodo molla


Nagtataka siguro kayo nyan? wake up call namin yan dito sa bahay at sigurado akong si Suho hyung ang nagpatunog nyan para gumising na kami. 1st day of classes kasi ngayon. O di kaya naman si D.O hyung para tawagin na kami dahil handa na ang almusal.

May sari-sarili kaming speaker dito sa bawat kwarto namin dahil jan sa nakakabugok na wake up call na yan. Ayaw kasi ng leader namin na ma-late kami sa school. Sabi naman ni Kris hyung ay dapat mag-uniform din kami at mag-aral ng mabuti. Eh sila lang naman ata nila D.O hyung at Suho hyung ang nag-aaral ng mabuti eh! not to mention si Yixing hyung na todo kayod din sa pag-aaral pero useless pa rin kasi parati nya itong nakakalimutan.

Buhay nga naman.. nakakatamad bumangon

Makaligo na nga..

Huwag nyo akong silipan ha! Hindi naman siguro kayo si Kai hihi

Peace Kai!

And by the way, ako na ang magsasabi. Nakalimutan ata nila sabihin na pamilya ni Suho hyung ang may-ari ng SMAU. Pero sadyang napakabait at humble lang talaga nya kaya hindi halata haha!

Bakit kasi ayaw nya kaming ma-late? kung ako may-ari ng school namin tiyak na papasok lang ako kung kailan ko gusto! huwahaha!

Makalipas ang isang oras ay nakapag-almusal na rin kami at ready na para lumabas ng bahay.

Teka...

"Nasaan na yung mga curls ko dito sa ref? nakita nyo ba hyung?"-tanong ko kela Chen hyung at Tao hyung na naghuhugas ng pinggan.

"Try mo tanungin ang ref baka alam nya.."-saka nagpalipad ng bula ng sabon si Chen hyung papunta sakin. Wala talaga akong mapapala sa kanya kahit kailan..

"Ah yun ba? try mong tanungin si Baozi hyung. Nakita ko kasi syang kumakain ng Mr. Chips sa balcony sa 3rd floor kagabi."-mabuti pa si Tao hyung sumasagot ng matino

Tumingin ang katabi nya sa kanya..-"Anong ginagawa mo dun kagabi? eh pinatulog na tayo kaagad ni Kris hyung."

"Hindi pa kasi ako makatulog kaya nag-practice na muna ako ng wushu"

"Salamat hyung. Sige hahanapin ko si Umin hyung"-sabi ko na lang at tuluyan ng lumabas ng Dining

"Si Xiumin hyung ba? nasa swimming pool siya. Dun mo sya puntahan"-sigaw ni Chen hyung sakin

"Sige hyung thanks!"-balik sigaw ko sa kanya at dumiretso na agad sa pool.

Agad akong tumakbo papunta sa pool, pero wala naman atang katao-tao dito? nilibot ko na ang buong lugar pero wala pa rin akong nakitang kahit anino man lang.. 

"Sehun-ah! yah! Sese!"

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid para makita kung sino yung tumatawag sa akin. Wala naman

"Oh Sehun!"

At nung tumingin ako sa taas nakita ko si Luhan hyung. Nasa terrace ng 2nd floor.

"Oh hyung bakit?"-sinigawan ko rin sya para marinig din nya ako

"Kanina ka pa namin hinahanap. Kung saan-saan na ako pumunta para hanapin ka! anong ginagawa mo jan? ikaw nalang ang hinihintay! nasa van na ang lahat."

COLLIDE (EXOSHIDAE) *COMPLETED* (REVISING)Where stories live. Discover now