Chapter 73

1.1K 18 0
                                    

Annalyn's POV:

  "Mag iisang buwan ka ng wala Nath, Isang buwan ko ng hindi nasisilayan ang matatamis mong ngiti, ang mga mata mong nawawala kapag tumatawa isang buwan ko ng hindi  naririnig ang nakakahawa mong tawa. Miss na miss na kita Nath"

Nandito ako ngayon sa sementeryo kung saan nakalibing si Nathaniel

Mag iisang buwan na, pero hindi paden nag si tinatanggap ng utak ko ang mga nangyari sa nakaraan buwan lalo na ang pag kawala ni Nath.

It sounds cliche pero para akong nasa isang bangungot parin.

Para akong hindi makalabas sa sarili kong panaginip, pero habang buhay ko na ata tong dadalhin, habang buhay ng nakatatak saakin ang ginawa ni Cindy sa buhay ko.

Speaking of Cindy nasa mental hospital siya kasalukuyang ginagamot ng mga doctor malala na kase ang sakit niya sa utak.

I feel bad for her pero sa tingin ko ayun na ang karma niya dahil sa kademonyohang ginawa niya, lalo na saamin ni Nath. 

Pag naiisip kong wala na siya nalulungkot ako, Ang kauna unahang minahal ko, ang una kong iniyakan ay hinding hindi ko na muling masisilayan

"Ang bilis ng pangyayari Nath, parang nag pa plano palang tayo sa future natin then ngayon wala kana, pero at the same time masaya ako para sayo, kase alam kong kasama mo na ang mga mahal mo sa buhay, Wala kanaring sakit na mararamdaman. Pero sana naman mag pakita ka sakin kahit minsan lang o kaya mag paramdam ka" 

Pag kasabing pag kasabi ko non ay bigla akong natahimik dahil naramdaman ko ang malamig na hanging dumampi sa aking balat. Kaya napa pikit nalang ako at fini feel ko ang hanging alam kong nakayakap sakin.

"I know it's you Nath"  Sambit ko, kasabay ng pag tulo ng aking mga luha. 

Maya maya pa ay naramdaman ko ang pag dampi ng hangin sa aking mga pisngi at bigla nalang nawala ang hangin kaya napamulat nako.

"Thank you nath"  Sabi ko habang naka tingin sa kanyang puntod. 

"I knew it, sabi ko na nga ba nandito ka" Boses na galing sa likod ko, at kahit hindi ko lingunin alam ko kung sino ang nag mamay-ari ng boses na yun.

Ang taong mahal ko

Umupo siya sa tabi ko saka kinausap din si Nath.

"Thankyou pre for saving us, Specially si sungit. Pangako ko sayo pre hindi ko sasaktan ang babaeng mahal mo at mas mamahalin ko siya ng higit sa pag mamahal mo sakanya"  Sabi niya kaya naman napatingin ako sakanya

"Huwag kang mag alala pre, ako na ang bahala sa babaeng masungit na to, multuhin moko pre pag sinaktan ko siya"  Sabi pa niya na ikinatawa ko.

"Pag ikaw nga dinalaw nyan, duwag ka naman"  Pang aasar ko sakanya kaya napalingon siya sakin.

Natawa naman ako sa reaksyon niya dahil seryoso lang syang nakatingin pero bakas ang takot sa mukha niya.

"Joke lang" Sabi ko sabay tawa ng bahagya

"Bakit ka ba kase nandito?"  Pag susungit ko naman sakanya, saka ko ulit binaling sa puntod ni Nath ang atensyon ko.

"Pumunta ako don sa pinag pa practice-san niyo pero sabi ni Rina umalis ka daw nung breaktime, Alam ko namang dito ka pupunta kaya hindi na ko nag tanong kung saan ka pumunta"  Pag mamayabang niyang sabi 

May performance kase kami mamayang gabi sa christmas party ng school, meron den kaming performance ni yabang kase kami daw yung mr. at ms intrams 2015 kaya need din daw namin mag perform. Every afternoon ang practice namin ni yabang while yung samin naman nila Rina Umaga. 

Mr. Yabang meets Ms. Sungit (COMPLETED)Where stories live. Discover now