Chapter 67

490 8 0
                                    

Annalyn's POV:

Hinila ko si yabang pa punta sa star frisbee. "Teka, tekaaa sasakay tayo dyan?" Pag pigil sakin ni yabang

"Wag mong sabihing takot ka?"  Pang aasar ko dito

"H-Hindi ah" Utal na sagot nito kaya naman tinawanan ko siya Hhahaha duwag.

Hindi ko alam kung sakto lang ba kami dahil wala man gaanong tao ngayon sa star city at nasakto namang wala ding nakapila dito. 

"Kuya pa picture nga po kami" sabi ko dun kay kuyang guard.  Kinuha naman niya agad yung cellphone ko.

"Okay 1, 2 , 3 Smileee" sigaw ni kuya

"Isa pa"  

Nung ok na binigay na niya sakin ang cellphone ko

"salamat po"

Tinanguan naman ako ni kuya habang naka ngiti siya.

Inipit ko na muna ang buhok ko para hindi mag kakabuhol buhol. saka na ko sumakay sa star frisbee

"Yabang tara na" Pag tawag ko sakanya kase parang nag aalangan pa siyang sumakay, Kahit mejo kabado ang lolo niyo tumabi parin naman sakin. 

Kaagad din namang napuno ang mga upuan dito sa frisbee kaya pinaandar na "WAAAAAAAAAH" Hiyaw ni yabang nung dahan dahan ng umandar kaya naman natawa ako sakanya

"Huyyy kalmaaa wala paaa"  Pang aasar ko sakanya

"AYOKOOOOO NAAAA"  Sigaw pa nito habang winawasiwas kami sa hangin.  Hindi ko magawang sumigaw dahil tawang tawa ako talaga ako kay yabang, dahil talaga namang sigaw siya ng sigaw. 

Laki laking tao takot sa ganto HAHAH nakakatuwa lang na kung sino pa yung lalaki ay talagang takot sa ganito. 

Hanggang sa matapos na ang oras at nag stop na ang frisbee at bumaba narin ang karamihan including me pero si yabang ayun naka kapit paden sa upuan

"Huy bumaba kana dyan"  

Khiel's POV:

"Huy bumaba kana dyan" Sigaw ni sungit

"Taympers lang sungit nangangatog pa ang tuhod ko" Pag rereklamo ko sakanya na tinawanan naman niya, kaagad naman siyang lumapit saka tinaas ang pinaka hawakan

"Halika na"  Sabi niya sabay lahad ng kamay niya. Kahit nanginginig pa ang tuhod ko ay hinawakan ko na ang kamay niya at bumaba na sa frisbee  

"Upo ka muna diyan" Sabi ni sungit sakin saka ako iniwan sa pwedeng pag upuan

Grabe buwis buhay ang mga rides dito.

First time ko lang kase talagang sumakay dito, Oo nag punta na kami dito nila tita noon pero nag games lang kami at hindi kami nag sipag rides kaya talagang natatakot ako sa mga pinapa try saakin ni sungit.

Pag ka balik naman niya ay may dala siyang water bottle "Oh inom ka na muna madami pa tayong sasakyan"  Sabi pa niya saboy abot sakin ng tubig.

"Mag hunos dili ka naman sungit, baka mamatay naman ako dito" Sagot ko sakanya kaya natawa nanaman siya.

"Teka ngaaa first time mo bang sumakay sa ganito?" Tinanguan ko naman siya bilang sagot

"Don't worry hindi ka naman mamamatay, masamang damo ka kaya" Pang aasar pa niya.  Porket sanay na sanay sa mga nakakalulang rides napakayabang den hmp.

Nung nawala na ang panginginig ko ay hinila naman niya ko papunta sa pila ng carousel

Tekaaa?  Carousel?

Mr. Yabang meets Ms. Sungit (COMPLETED)Where stories live. Discover now