chapter 19

735 22 0
                                    

Annalyn's POV:

Ilang oras nalang at pupunta na kami sa luneta park. May papanoorin kase kami at pili lang ang mga sasama doon, Sana naman hindi kasama si yabang, ewan ko na ba kahit minsan ang bait bait niya sakin naiirita parin ako sa pag mumukha niya

Kamusta na kaya si Covy?

Hays bakit ko pa ba inaalala ang isang iyon, sabi niya nga pala sakin wala na siyang pakelam saka sabi niya joke lang naman daw yun kaya dapat ganon din ako sakanya no.

Crush ko lang siya no at hindi ganon ka lalim ang feelings ko sakanya kaya  kayang kaya ko siyang baliwalain.

10:15 in the morning nang palabasin na kami ng teacher namin dahil mag e early lunch kami. Anim nga lang kaming napiling sumama, dahil super pili lang talaga.

Nung matapos na kaming kumain ay sinamahan ko si Rina sa canteen dahil bibili daw kasi sya ng pag kain. Takaw din talaga nito kaya kami nag kakasundo e tamo o kakakain palang pag kain nanaman ang nasa isip.

Sana hindi kasama si yabang

Sana hindi ko siya makita

sana hindi hindi ko siya makasama para iwas badtrip

Sana

Sana.

"Araaaay" sigaw ko ng mabungo ako. Kaya agad kong inangat ang ulo ko upang makita ko kung sinong lapastangan ang nakabunggo saakin.

"KASAMA KA???  Pareho naming tanong ni yabang sa isat isa, huhuh why naman ganon wala na badtrip nako sa pag mumukha ng isang to. "Tss whatever, tara na nga Rina" saka ko hinila si Rina dun sa may mga gripo.

Sakto naman naka salubong ko si Tan-tan Grade 2 palang siya anak siya ng finance teacher ng school super duper cute ng batang to, tapos ang pogi pa niya. Hihih ang cute talaga ng batang to 7 yrs old palang sya.

Nung makita niya ko ay inakap niya ko agad. Nakakatouch naman saka nakakawala rin siya ng badvibes "Sige na baby babaye na" saka ko sya kiniss sa cheeks nya.

Nang nawala na siya sa paningin ko ay nilagyan ko na ang tumblr ko ng tubig na galing sa gripo. pagka talikod ko nabunggo nanaman ako and gues who kung sino? Well alang iba kundi si yabang, siya lang naman lagi kong nakaka bunguan.

"Hoy ikaw ba ala kang matinong gawain kundi humarang sa mga dinadaanan ko?" Sigaw ko sakanya. "At ikaw ba wala ka ng matinong gawain kundi ang mambunggo?" sigaw naman niya sakin. "Alam mo pwede ba? itikom mo ang bibig mo at sabi ko nga sayo kung sadya man yun hindi lang bunggo ang gagawin ko sayo, baka mas malala pa"sagot ko sakanya.

Mag sasalita na sana siya ulit ng pumagitna na samin si Rina at parehas kaming binatukan "Kayong dalawa panay nalang ang bangayan niyo, tapos pag kayong dalawa lang ang mag kasama para kayong mag jowa"  sabi naman ni Rina

"Yuck" Reklamo naming dalawa ni yabang, kaya napatingin ako sakanya at inisnaban siya. "Ikaw papi Chris pumunta kana sa mga kaklase mo at baka maiwan ka pa ng service, tara na rin bes baka tayo nalang ang hinihintay" sabi ni Rina saka hinila nako pa punta sa mga kasama naming mga kaklase.

Khiel's POV:

"Araaaay" sigaw ng babaeng nakabungo sakin.

Siya pa may ganang umaray hano?

Nakatingin sya sa sapatos ko at dahan dahan niyang inangat ang ulo niya "KASAMA KA???  Pareho naming tanong sa isat isa ni sungit.

Grabeee din si tadhana mang asar no? Napaka tindi talaga

"Tss whatever, tara na nga Rina" saka nya hinila yung kaibigan nya. Tss sungit talaga kahit kailan. Nung nakabili na ko ng baon kong pag kain ay umalis na rin ako sa canteen. Nung nandun ako sa gripo e dadaan ako ng bigla nanamang..

"Hoy ikaw ba ala kang matinong gawain kundi humarang sa mga dinadaanan ko?" Sigaw sakin ni sungit. Paano ba naman nabungo nya nanaman ako tapos ako nanaman ang mukhang masama? 

"At ikaw ba ala ka ng matinong gawain kundi ang mambunggo" sigaw ko naman sakanya.

Sa totoo lang hindi ko na maintindihan lagay namin ni sungit may time na okay kami pero madalas lagi nalang kaming nag aaway kahit saan pang lugar. 

 "Alam mo pwede ba? itikom mo ang bibig mo at sabi ko nga sayo kung sadya man yun hindi lang bunggo ang gagawin ko sayo, baka mas malala pa" sasagot na sana ko ulit ng umeksena na si Rina.

"Kayong dalawa panay nalang ang bangayan niyo, tapos pag kayong dalawa lang ang mag kasama para kayong mag jowa"

"Yuck" Sigaw naming dalawa ni sungit, Napatingin naman siya sakin at inisnaban ako piling neto, akala niya ba gusto ko siya?

Feeler ah

"Ikaw papi Chris pumunta kana sa mga kaklase mo at baka maiwan ka pa ng service, tara na rin bes baka tayo nalang ang hinihintay" sabi ni Rina saka hinila na si sungit.

Pumunta narin naman ako sa mga kasamahan ko, tatlo lang kaming kasama buti nga kasama den si Michael tapos yung isa hindi ko kilala basta babae yun na kaklase namin. 

Pero tama nga si Rina pag mag kasama kami ni sungit ng kaming dalawa lang close naman kami, pero pag may ibang tao daig pa namin ang mag ka away simula pag ka bata.

Pero hindi ko rin naman gugustuhin na maging jowa yung si sungit e baka pag naging kami mag patayan nalang kami kapag mag ka away o may tampuhan kami.

Napaka layo niya sa ex ko sobrang layo. 

Mr. Yabang meets Ms. Sungit (COMPLETED)Where stories live. Discover now