Chapter 30

571 15 0
                                    

Khiel's POV:

Pag kalabas ko ng CR ay wala na si sungit at maayos narin ang kwaro.

Iniwan niya ba ko?

Pasaway talaga yung babaeng yun.

Inayos ko lang konti ang buhok ko saka ko tiningnan ang paligid kung may naiwan pa ba si sungit. At ayun nga naiwan niya yung regalo niya kay Sachi, Kapag madali naman kase ng babaeng yun e naiwan tuloy niya.

Dala na niya siguro yung mga pinamili niyang gamit kase wala na rito.

Lumabas nako ng bahay nila Ruiz at sakto naman nakita ko si Ruiz doon na nag didilig ng halaman. "Una nako tol salamat ulit, punta ka sa bahay nila lola mamaya maki kain ka"

"Nako tol, gusto ko man pero hindi ako pwede. Pag da drive ko sila mama e, saka may family bonding kami now" sagot naman sakin ng kaibigan ko.

"Si Annalyn tol? Nasa loob paba?" Tanong naman nito saakin

"Nako wala na, nainip na sakin yung masungit nayun"

"I like her attitude tol, naka hanap kana ng katapat mo" Pang aasar pa niya sakin.

"Tol kung hindi magiging kayo officialy, reto moko ha?" Dagdag pa niya

"Siraulo! Tantanan mo ang pag de daydream mo sa girlfriend ko" sagot ko naman sakanya na tinawanan lang niya.

"Inlababo ang gago" Pang aasar niya pa.

After nang pang aasar niya saakin ay may dumaan naring taxi kaya pinara ko na ito. "Salamat ulit"  sabi ko saka na umandar ang taxi.

May possibility kaya na mag ka gusto nga ako sa babaeng masungit na yon?

Tss

Napaka impossible non.

Pag ka rating ko kila lola ay nag aayos na sila para sa birthday ni Sachi hahaha ang cute ni sungit parang part na talaga siya ng family namin

Magagalit kaya si lola pag nalaman niyang nag papanggap lang kami ni sungit?

"La bless po" sabi ko kay lola Mercy pag lapit ko sakanya agad naman nyang inabot ang kamay nya. Nakita ko namang tumingin sakin si sungit at saka napa iling.

"Late ka apo ha? mukang napatagal ka sa cr ilan na ba dumami naba?"

sabi ni lola na ikinapula ko naman at tinawanan naman yun ni sungit.

Lagi kaseng ayun ang pang asar sakin ni lola pag matagal ako sa cr, na nag bibilang daw ako ng buhok sa ano, Nakakahiya kayaaa tapos maririnig pa netong babaeng to. Ano na kaya na kwento sakanya ni lola?

"Oy yabang baka gusto mong tumulong dito?" Sigaw sakin ni sungit

luh?

Tingnan mo to

Tsk paiba iba ng mood grabee lang.

Saka yabang lang ang tawag niya sakin? Aba baka mamaya makahalata si lola na hindi naman talaga kami ni sungit, loka talaga tong babaeng to. 

"O alis ka na dyan ayusin mo na yung tarpaulin, Ako na yung mag hihiwa diyan"  Sabi ko sakanya actually hindi ako marunong mag hiwa ng gulay. Pag nasa bahay kase sa manila kapag nag gugulay ako pinapahiwa kona e.

Hindi ko rin alam bakit ayun yung naisipan kong gawin

Nag papapansin naba ako ganon?

Pa pogi points kay sungit ganon?

"Ouch" sigaw ko

Antanga ko, bakit naman kasi kung anu- ano ang iniisip ko yan tuloy nasugat ako ng kutsilyo. Kaagad naman akong nilapitan ni sungit

"Napano?" Tanong nya sakin ng makalapit siya

"wala" sagot ko.

Agad naman nya kong binatukan, tamo tong isang to mag tatanong tapos mananakit.

Napatingin naman siya sa daliri kong dumudugo saka napailing "Wala, pero dumudugo ang daliri no? " sabi nya sakin saka ako hinila sa sala.

"Uhm ate makituloy nga po ang hinihiwa namin sa kusina" sabi ni sunget sa isang maid. Nandito na kasi ang mga maid sa bahay

"Sige po" sagot naman niya.

"Bakit naman kasi hindi mo tinitingan ang mga ginagawa mo? Tsk katanga mo naman e, pano pag hindi lang sugat ang nangyari ? Pano pag naputol ang daliri mo? Loko ka e no"

Panenermon niya sakin, hehe concerned siya sakin hindi ko rin alam bakit biglang kusa ngumiti ang mga labi ko sa sermon niya imbes na mairita ko para kong kinikilig na ewan.

Everytime na nasusugatan ako nandyan siya to take care of me.  

"Loko ka talaga nagawa mo pang ngumiti dyan" sigaw nya sakin kahit mag kalapit lang kami saka nya ko binatukan. 

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti sa ginagawa niya sakin. 

"Yieeeh concerned sya sakin" nagulat din ako ng lumabas yun sa bibig ko. Binatukan naman nya ko dahil sa sinabi ko.

Bakit ba nagiging sadista ang isang to? Okay na sana e kaso nananalbahe bigla.

"Hindi! Ewan ko sayo, dyan kana nga Basta nandyan lang yung mga gamot sa lamesa gamutin mo sugat mo para hindi na lumalala pa" sigaw nya sakin saka sya bumalik sa kusina.

Okay hahah hindi daw sya concerned pero grabe makapag bilin hehe. 

Pero teka bakit ba ko natutuwa sa reaction ng babaeng yun?

Weird

Annalyn's Pov:

"Yieeeh concerned sya sakin" sabi sakin ni yabang kaya naman binatukan ko siya kung anu-ano pinag sasabi e 

"Hindi! Ewan ko sayo, dyan kana nga Basta nandyan lang yung mga gamot sa lamesa gamutin mo sugat mo para hindi na lumalala pa" bilin ko sakanya saka bumalik na sa kusina para tumulong na ulit sa pag hihiwa ng mga gulay.

Siraulo talaga yung isa nayun, malamang concerned ako sakanya kase nasugat siya.

Kahit naman kanino mang yari yun ganon parin ang gagawin ko no.

"Hindi ko alam kung nag papanggap pa ba kayo, o nagiging totohanan na" Kinikilig na bulong sakin ni Lola Mercy

"Lola, concerned po ako sakanya syempre po nasugatan po siya"  Sagot ko naman kay lola Mercy. Tinawan tawanan niya lang ang sagot ko sakanya. 

"Sana kayo nalang talaga, para tuloy akong bumabalik sa pag ka dalaga"  sabi pa ni lola ng nakangiti habang nag hihiwa parin ng gulay. Hindi nalang ako kumibo at nag patuloy sa ginagawa ko.

Para na nga ba kaming mag kasintahan? 

Nagiging totoo na nga ba the way we act?

Pero hindi sobrang layo hindi ganon yun, May unfinished business pa kami ni Covy, Gusto ko pa siyang makausap. Gusto ko pang malinawan sa lahat.

Yung samin ni yabang wala to, Pag balik namin ng manila wala na to.

Back to normal na kaming dalawa. Hindi na namin kailangan mag panggap kase hindi na kami makikita ng lola niya. Sa totoo lang pwede naman na naming itigil yung pag papanggap namin e kase alam narin naman ni lola Mercy pero ewan ko ba, parang gusto ko na talagang ituloy habang nandito pa kami sa baguio.

Kase sure na sure ako back to warzone kami ni yabang pag uwi namin ng manila.

Mr. Yabang meets Ms. Sungit (COMPLETED)Where stories live. Discover now