chapter 33

570 14 0
                                    

Annalyn's POV

"Pero alam mo, Naguguluhan ako sayo. Kase last time I checked ayaw mo pang mag ka boyfriend ulit, then ngayon pamangkin ko pa yung naging boyfriend mo. Kwentuhan mo nga ako, piling ko ang dami ko pang hindi alam sainyo ng pamangkin ko e" Sabi sakin ni tita Mylene.

Hahaha actually kanina niya pa ako kinukulit kung paano ba naging kami ni yabang

"ANNALYN!" sigaw ni tita Mylene "Po?" Gulat na tanong ko kasi naman e bigla ba namang sisigaw ng ganun kalakas "So ano na? Paano naging kayo ng pamangkin ko?" tanong nya ulit.

"Ganto po kasi yan ta, actually nasabi ko narin naman po to kay lola Mercy. Paano ang shunga pong sumagot ng pamangkin niyo pero yun nga tita hindi naman po talaga kami nag papanggap lang hehe" mabilis kong paliwag ay teka mabilis nga ba? Ay ewan basta yun na yun. "Whaaaaat?" Takang tanong niya na tinanguan ko naman 

"How?" Tanong niya pa "Can you please elaborate, gulong gulo nako" dagdag niya pa "Ta hayaan niyo po muna akong i kwento ang totoong nangyari wag po muna kayong madaldal" sabi ko naman agad namang tumahimik si tita Mylene. Ang daldal din kase neto e kaya siguro talagang nag kakasundo kami nito. 

"Hindi naman po talaga kami, nag papanggap lang kami hindi ko rin po maintindihan sa dinami dami ng babae ako yung napag tripan nya para mag panggap nung una po hindi talaga ako payag dahil hindi naman po kami close. Saka mag kaaway po kami kas---"

Naputol ang kinukwento ko nang sumabat nanaman si tita Mylene sa sinasabi ko.  "Bakit kayo mag kaaway? Napano ba kayong dalawa ha?" "Sabi ko po tita wag po muna kayong sasabat hayaan nyo po muna akong mag kwento para malaman nyo na po ang dahilan" inis kong sagot. Don't get me wrong ha sanay na talaga si tita sakin alam niya rin talaga na may pag ka sungit ako sabi niya rin kase wag ko siyang ituring na mas matanda sakin, kunwari tropa parin kami ganon. Pero syempre nandon parin ang respect ko sakanya. 

Tumango naman siya bilang response kaya nag simula na ulit akong mag kwento. "Una palang po sobrang init na ng ulo ko sakanya kase ginising niya po ako, e syempre po tita nakaka badtrip po yung ganon diba? Lalo ang pangit ng way ng pag gising niya saakin. Then to make the story short nung nasa popepular po kasi kami hindi sinasadyang ako yung nahila niya paakyat ng bus imbis na yung tropa niya then pumunta po kami dito sa baguio tapos nung nakita po ako ng lola niya tinanong kung sino ako. Syempre po dahil hindi niya naman po pedeng sabihin na kinidnap niya ko syempre magagalit po si lola Mercy kaya sinabi niya na girlfriend niya po ako.

Nung una nga po ayaw ko po talagang pumayag na maging fake girlfriend niya pero sabi niya kase ngayon lang habang nasa baguio, Kaya pumayag narin po ako. Tapos ang shunga nga niya sa part na sinabi niya kay lola na 5months na kami e pa turning 2months palang po siyang nasa manila diba? ayun po nalaman ni lola Mercy na nag papanggap lang kami pero sinabi naman ni lola na ituloy lang namin" pag ku kwento ko sakanya patango tango naman siya.

"Wait, You mean alam na ni mama?" Tanong ni tita Mylene tinanguan ko naman siya "Oh my Gosh. So ang alam niya hindi alam ni mama yung tunay, So all this time umaarte na kayo ng parang totoo at para sa sarili niyo narin" Sabi niya. Napaisip naman ako sa sinabi niya, kung alam na nga ng mga taong malalapit kay yabang na hindi kami, Then bakit need pa naming mag panggap na mag jowa? 

"Uy napaisip siya, Pero okay lang yan. Malay niyo kayo talaga ang para sa isa't isa" Sabi ni tita Mylene

"Pero paano pag ka balik niyo sa manila? Anong plano niyong dalawa?" Tanong pa niya. Napailing na lang ako sa tanong niya

"Hindi ko alam tita, may unfinished business pa kase ako sa taong gusto ko" Napailing naman siya sa sagot ko.

"Malaking gulo yung pinasok niyong dalawa lalo na't hindi niyo naman pala mahal ang isa't isa. Paano kapag naging okay kayo ng taong gusto mo then dumating yung ex ni Khiel na minahal niya ng sobra edi tapos na yung story niyo agad? Hindi pa nga nag sisimula e" 

"Ewan tita , Siguro nga back to our old life na kami pag dating namin ng manila" Sagot ko pa

"Gooodluck nalang sa love story niyo ng pamangkin ko, Pero Lyn kahit ano man ang maging desisyon niyo ng pamangkin ko pag balik niyo ng manila support ko parin kayo sa mga desisyon niyo plus ship paden namin kayo ni mama. Super bagay niyo kaya! Bigla nga akong nang hinayang nang malaman kong hindi naman pala totoo. Sayang talaga" 

"Tita naman" pag suway ko sakanya "Sana maging totohanan na yung sainyo ni Khiel, nako pag nangyari yun pag hahanda ko talaga kayo ng lechon. Osya Lyn puntahan ko na muna si Sachi super namiss ko ang bunso ko"

Mr. Yabang meets Ms. Sungit (COMPLETED)Där berättelser lever. Upptäck nu