chapter 23

620 18 0
  • Αφιερωμένο στον/ην leilanixD
                                    

Khiel's POV:

"Hoyy yabang malayo paba? Kanina pa tayo lakad ng lakad e" Pag rereklamo ni sungit. "Wag ka ng mag reklamo malapit na tayo sa bahay ng lola ko" sabi ko sakanya. Nag lalakad kami ni sungit ng bigla syang natapilok. 

"HAHAHAHHAHAH ang tanga mo" tumatawa kong sabi sakanya. "Araaaaaay" sigaw ko kasi ba naman binato ako ng bato.

"Alam mo, imbes na tulungan mo ko dito ay tinawanan mo pa ako nakakabwiset ka, Sana pala sumama nalang ako pauwi kay kuya" sigaw niya naman sakin.

Nakipag kita siya kanina sa kuya niya sa terminal lang naman, binigyan siya ng pera ni lods Adriend, pambili daw ng mga damit niya dito. After that umuwi narin ang kuya niya kase may pupuntahan pa raw ata. 

Nang tatayo na siya ay natumba ulit siya pero pilit nya paring kinakaya mukang na bugbog ata talaga yung paa nya. "Lika ka na pasan ka sakin" saka ako umupo sa harap nya agad naman syang pumasan sa likod ko. "Langyaaa ang bigat mo pala HAHAHAHAH" tumatawa kong sabi sakanya. Sa kaka tatawa ko ay binatukan nIya ko.

Bakit ba kapanakit ng babaeng to?

"Sa katatawa mo nyan lalo pa tayong maaksidente e" mataray na sabi nya. "Opo hindi na nga po, huwag kanang mag reklamo diyan, mamaya gagamutin natin yang paa mo"  sabi ko sakanya sa totoo lang pwede naman kaming mag taxi papunta don kaso gusto ko lang siyang mag lakad kaya pinag lakad ko siya tapos in the end ako rin pala ang mahihirapan.

Bumalik sakin yung plano ko ganon?

Grabe talaga mag laro ang tadhana ako yung laging kawawa e.


Annalyn's POV:
  
Nag lalakad kami ni yabang ng bigla akong natapilok. "HAHAHAHAHAH ang tanga mo" tumatawang sabi sakin ni yabang "Araaaaaay" sigaw niya sakin kasi binato ko siya ng bato.

"Alam mo, imbes na tulungan mo ko ay tinawanan mo pa ako nakakabwiset ka, Sana pala sumama nalang ako pauwi kay kuya" sigaw ko

Bakit paba ko nag stay dito kung gagantuhin lang ako ng isang to, Sana umuwi nalang ako diba? mas payapa pa ang buhay ko psh.

Nung tatayo nako ay natutumba nako pero pinipilit ko paring kinakaya. Mukang na bugbog ata ang paa ko.

Opo may pag ka clumsy talaga ako. "Lika ka na pasan ka sakin sabi niya saka siya umupo ng nakatalikod sakin. Basta yun na yun imaginine nyo nalang ang hirap mag explain e.

Agad naman akong pumasan sa likod nya.

Aarte pa ba ko? Syempre hindi na no. Sakit na kaya ng paa ko.

"Langyaaa ang bigat mo pala HAHAHAHAH" tumatawa niyang sabi sakin, alam ko namang mabigat ako pero aish napaka epal niya talaga kaya naman sa inis ko ay binatukan ko siya.  

"Sa katatawa mo nyan lalo pa tayong maaksidente e" mataray na sabi ko. "Opo hindi na nga po, huwag kanang mag reklamo diyan, mamaya gagamutin natin yang paa mo" sabi pa niya.

Ano nakonsensya yan?

Tss napaka epal kase e. Pwede naman kaming mag taxi pero ang ginawa niya pinahinto niya sa labas ng village hindi ko naman alam na ganto pala kalayo ang bahay nila lola niya.

Hindi ko alam kung hanggang dito ba ay pinag ti tripan ako ng lalaking to e.

Maya maya pa ay huminto na siya sa pag lalakad at nag doorbell siya sa isang bahay dito na sobrang laki pero alang nag bubukas.

Wala yatang tao?

Binaba niya na ako at siya na ang nag bukas.

Ina-alalayan niya naman ako sa pag lalakad kaya parang nag karoon din ako ng hawakan para makalakad ng maayos.

Nung pag pasok namin sa loob ay may sumalubong saming matandang babae.

Eto na siguro ang lola niya.

"Khiel apo, miss na miss ka na ng lola. Pag bubuksan ko na sana kayo kaso ang bagal narin mag lakad ng lola, Buti naman at nakauwi ka?" Tanong ng matandang babae kay yabang 

"Ayyy wait lang apo yung niluluto ko silipin ko muna." Paalam ng matanda. Inalalayan naman niya ko sa pag upo, at tumabi rin siya sakin 

"Oy sunget picture muna tayo?" Saka nya nilabas ang phone niya at hinila ako, syempre napangiti naman ako  hahayaan ko bang pangit ako sa 1st pic namin?

"Upload ko lang" sabi nya.

Mamaya maya lang ay tumunog ang cellphone ko.

/Christian Khiel Alejandro added a new photo with you/

Luh?

Friends ko pala sya ngayon ko lang nalaman.

"Friends pala tayo sa facebook? How come?" Tanong ko sakanya "Hindi ko alam, basta nung inadd kita inaccept moko" sagot naman niya sakin pero wala naman akong ma alala na may inaccept ako.

Maya maya pa ay nag vibrate ulit ang phone ko, at nakita ko na may comment si Rina sa picture namin ni Yabang

 Bakit kayo mag kasama?

"Oh yung bespren mo nag comment, Yari ka" sabi ni yabang sakin, hindi ko nalang nireplayan ang comment ni Rina at dumerecho nako sa messenger para i chat siya.

Hi bestie, I'm here na sa baguio grabe ang lamig dito, sana next time kasama na kita dito.
Message sent: ☑

Bestie can you please explain bakit mag kasama kayong dalawa? 
Tanong niya

Alam kong marami pang question ang kasunod kaya naman vinideocall ko na siya. 

"HOYYYY BABAITA, ANG SABI MO KAGABI, ON THE WAY KA SA BAGUIO, TAPOS NGAYON SIYA PALA YUNG KASAMA MO?" sigaw ni Rina "Hi Rina" sabi ni yabang habang kinakawayan si Rina sa call

"Ano yan date?" tanong ulit ni Rina "Long story bes e, ang hirap mag explain dito" sabi ko sakanya inisnaban naman ako ng bruha "Then make the long story short" sabi niya "Ganto kase yan" panimula ni yabang kaya sinaman ko siya ng tingin. "I'll explain nalang bestie pag uwi ko ng manila ha?" sabi ko sakanya pero ayaw pumayag ng bruha

"No, i explain mo sakin ngayon" sabi pa ni Rina kaya naman tinawanan kami ni yabang "Basta bestieeee, bibilhan nalang kita ng pasalubong okay? Saka nako mag ku kwento" sabi ko pa sakanya muli ay inisnaban niya ko bago sumagot

"Okay fine basta iku kwento mo sakin lahat ng nangyari kung paano ka nakapunta diyan, kung bat siya yung kasama mo and lahat every details ng pag i stay mo dyan sa baguio okay?" dere derechang sabi niya

"Oo na sige na, ba bye" sabi ko pa " K, Bye labyu" sabi ni Rina saka na inend ang call.

"Bakit hindi mo sinabi sakanya?" Tanong sakin ni yabang "Tamad akong mag explain, kaya sa personal ko nalang siguro sasabihin sakanya" sagot ko naman kay yabang at tinango tanguan naman niya ko. 

Mr. Yabang meets Ms. Sungit (COMPLETED)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα